CHAPTER 2

912 24 8
                                    

Hi there Readers! Ang tanong, may readers naman kaya ako? haha

Anyways, sana magustuhan nyo ang chapter nato. Vote, Comment and Be happy!

Enjoy reading! ♥

CHAPTER 2

 "WHAT THE?!! ANO NANAMAN ITO?!!"

Lumapit ako sa board na pinagkakaguluhan nila kanina..Psh. Ano nanamang kabadingan ito?

Nakapost doon ang picture ko na may crown, at ang isa naman ay may sungay...Isa syang poll, na nagsasabing 'Aleighna Zy is HCA's...A. Campus Princess or B. Campus Devil'

"Ano nanamang ka-cheap-an to?" Tanong ko sa lahat ng nakapalibot sa akin.

Lumabas naman ang tatlong babae at humarap sa akin,..familiar yung sa gitna, san ko ba to nakita?? Isip, isip!

"Nagustuhan mo ba? Haha" tanong nya sa akin ng nakapamewang pa.

Aba'y luka-luka na to, anong pauso neto?

"Di ka maka-imik? Well I just want the whole campus to speak out, that's why I made that poll, and it seems na nag-a-agree sila sa akin" aniya. Now I remember her, sya yung kanina, it's Sandra.

Halos mapuno na kasi yung column para sa 'Campus Devil', samantalang ang 'Campus Princess ay mabibilang mo gamit ang sampung daliri mo. Tsk. Tsk. Tsk.

Nginitian ko lang sya ng nakakaloko, at napaatras naman sya sa ginawa kong yon.  Tsk. Tsk. Tsk. Oopss, ngiti pa lang yan, napapaatras ka na. Lumapit naman ako doon sa may board at kumuha ng isang sticker sa may tabi noon, "I believe, part ako ng school na ito, so may karapatan din naman akong magboto?" saad ko habang di parin inaalis ang sarkastiko kong ngiti.

Idinikit ko ang sticker ko sa 'Campus Devil' at humarap kay Sandra..Halata naman ang pagkagulat nya sa ginawa ko. Rinig ko rin ang bulungan ng mga nanonood sa amin. "T-trying to be c-cool eh? A-ano ngayon ang g-gusto mong iparating? Na astig ka na sa ginawa mo?"

Umiling-iling ako na para bang naaawa ako sa kanya "I told you already na aminado akong may pagkasademonyo ako kaya wag kang magtaka kung ganon ang ginawa ko at hindi ako nagpapaka-astig gaya nang sinabi mo." tuloy-tuloy na sabi ko dahilan para mapalunok sya

"It's funny that you have to do this just to prove yourself that your right, eh pwede mo naman akong tanongin dahil uma-agree naman ako, but on the other hand, kayo din naman ang dahilan kung bakit ako ang 'Campus Princess' ngayon dahil diba, voting din naman ang labanan nun? You are making it hard for them Sandra, and I will make it easy for you..Kalokohan lang ang poll-poll na yan. Hindi bata ang kinakalaban mo para gumamit ng pangganti na maaaring pagtawanan ka lang ng kalaban mo, so next time, ayus-ayusin mo para naman kahit papaano ay matinag ako" Nilampasan ko na sya nung hindi na sya nakasagot.

Bwisit na babaeng toh! Ano ako? Bata? Jusme, gumanti na lang nga di pa ayusin! Lalo tuloy akong nagutom "Hay nako Sandra! Ginugutom ako nyang ka-cheap-an mo!" malakas ko pang sabi habang naglalakad palayo sa kanila

Pumunta na ako sa canteen dahil nga nagrereklamo na ang tyan ko at naghihintay narin si Grey doon. Pero nung pumunta ako sa table nami ay si Kyle lang ang nakita ko, "Oi Kyle! Asan bestfriend mo?" takang tanong ko sa kanya habang umuupo sa tabi nya.

"Ewan ko dun sa Grey na yun, pagkatapos nyang kinausap yung tumawag sa kanya sa cellphone, bigla nalang nagbago yung mood nya tapos salubong ang kilay na nilayasan ako" mahabang paliwanag niya.

"Eh?" bat ganun? Ano nanamang nagyari dun? "Ikaw kase eh, ang tagal mo, nabadtrip siguro kase gutom na yun, yan tuloy, nagwalk-out sya!"

Game Over Ms. PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon