MBWMB: Amnesia 2

1.1K 34 10
                                    

-Yesha's P.O.V.-

Andito na ako sa kwarto ko. Naiisip ko parin yung nangyari sa dinner namin kanina kila Tito Mike.

Hindi parin ako makapaniwala sa na- discover ko.

-Flashback-

"Meron syang amnesia"

Meron syang amnesia

Meron syang amnesia

Meron syang amnesia

"Po?"

"Alam kong hindi ko nasabi sa inyo 'yun. Mas pinili kasi ni Sean na wag ipagsabi sa iba. Tutal part na kayo ng pamilya dapat lang na malaman nyo ang situation ni Sean."

"Ano na po bang lagay ni Ha- Sean"tanong ko habang tinitingnan ang walang emosyong mukha ni Harry.

"Meron syang selective amnesia so wala naman tayong dapat iproblema kasi under medication na sya."

Natulala kaming lahat sa shock. Pero si Mandie parang alam na nya kaya di sya nagulat.

Mas mukhang nagulat pa si Mandie sa sobrang tanong ko.

"Sabi ng doctor nya meron lang certain na tao o pangyayari ang nakalimutan nya, so far naaalala nya ako pero yung mga pangyayari nung bata pa sya ay nirerecover pa."


-end of flashback-

Sabi ni Tito Mike masamang biglain si Harry sa mga bagay na maaaring magpabalik ng memory nya. Kaya natatakot akong sabihin sa kanya yung about sa past namin.

Tadhana nga naman. Nagkatotoo ang sinasabi ni Harry na kakalimutan na nya ako.

Anyways pinagbawalan kami ni Tito na tawagin si Harry sa first name nya. SEAN na daw ang itawag. May bad memories daw kasi si Sean sa name nya.

Sa sobrang pag iisip ko kay Harry di ko namalayang nakatulog na ako.

-Sean's P.O.V.(Harry)-

Nagulat ako kanina yung anak kasi ni Tita Yena sobrang affected yata about sa condition ko. Pero baka ganun lang yun magiging kuya na kasi nya ako.

Ngunit habang tinitingnan ko sya meron akong naaalala. Hindi ko alam kung ano

o

sino?

Pero tuwing malapit sya sa akin lagi akong kinakabahan. Hindi ko maipaliwanag.

Tulad kanina nung nakita ko syang umiiyak hindi ko mapigilang lapitan sya.

Yung paghalik ko sa pingi nya? Wala yun sa balak ko pero parang may nagtutulak sa akin na gawin yun. Yung parang ayaw ko syang makitang umiiyak.

Parang gusto ko lagi syang protektahan.

Pero tuwing gagawin ko yun may mabigat akong nararamdaman dito sa puso ko.

I can't explain why.







----------------------------
A/N: Nagmamakaawa ako huhuhuhu please VOTE po and leave a comment. Salamat pooooooo :*

My Brother Was My BoyfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora