MBWMB: confuse

937 16 3
                                    

-Yesha's P.O.V.-

Andito ako ngayon sa kotse ni Sean. Sabi kasi ni Tito Mike mas okay daw na sabay kami pagpasok sa school para mai- pasyal ko narin si Sean tutal transferee sya.

Ang tahimik naman namin. Malapit na kami sa School pero kahit Hi/ Helli wala manlang-____-

"Aphrodite"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at kay Luke galing ang boses na yun. Anong ginagawa nya dito? Sinuntok sya bigla ni Sean at sinaksak naman ni Luke si Sean ilang minuto po ay parehas silang nalagutan ng hininga.

Syempre joke lang. Dalawa lang naman kami dito ni Sean kaya sure akong sa kanya galing ang boses na yun.

"Ah---ha?ano yun?"

"Classmates tayo sa lahat ng subjects. Si Dad kasi ang pumili ng sched ko at nalaman ko parehas pala tayo sa lahat ng subjects"

"Ga-ganun ba? Sige. Hehe"

Katahimikan....... katahimikan na bumabalot sa ingay na gustong kumawala sa kaloob looban ko.

"Sabay na tayo sa lunch" ngumiti sya bago ako inalalayan bumaba ng kotse.

-Sean's P.O.V.-

"Ah---- eh sige." Ano bang nangyayari sa kanya. Para syang laging may iniisip. Tsk. Tsk.

Pumasok na kami ng School ni Aphrodite. Sabay kami maglakad.

"Waaaa. He's so gwapo"

"Bakit kasama nya si Yesha? Diba may Luke na sya?"

Tsk.

"O..M.G. baka kabit?"

"Gaga di naman si Yesha at Luke"

"Ganun ba?"

"Hihi basta I think Im inlove"

"Andaming nag a- admire sayo" nagulat akong nagsalita ang kalapit ko. Akala ko tuod sya XD

"Ah, gwapo e" mayabang nasabi ko.

Nagulat ako ng huminto sya ng paglalakad at tiningnan nya ako.

Mula ulo hanggang paa at tila sinusuri.

at

"HAHAHAHAHA" sabay kaming natawa.

"Grabe ka Sean. Di ko alam na mahangin ka pala. HAHAHAHA"
Maganda talaga sya at mas lalo syang gumaganda pag masaya sya.

Dug.dug.dug.dug.

"I just want to make you smile"

"Ha?" Nagulat sya ngunit mas nagulat ako. Ano ba itong pinagsasasabi ko.

"Nothing"  cold na pagkakasabi ko.

"O-okay. Eto pa-pala room natin."
Hindi ko na sya pinansin, pumasok na ako ng room at naghanap ng upuan.

Hindi pwede yan Sean, magkapatid na kayo ngayon, hindi man sa mata ng Diyos pero sa batas. Wag si Aphrodite..... wag sya dahil masasaktan ka.

"Sean sweetheart" dinig ko ang boses ng isag pamilyar na babae.

Nilingon ko sya.

Si Mandie?

"Di mo naman sinabi sa akin na dito ka pala papasok dapat nagpre- pare ako." Malanding sabi nya. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid ng mapako ang atensyon ko kay Luke at Aphrodite.

Kaya pala. Talaga nga naman Mandie!

"Tsk"

"Anyway sweetheart dito ka na sa katabi ko maupo"

Mula rito ay tanaw ko si Aphrodite na nakaupo sa tabi ni Luke. Sweet silang tingnan, kung di ko sila kilala iisipin kong sila...... hindi nga ba sila?

dug.dug.dug.dug.dug.

Napahawak ako sa dibdib ko. Tumitibok sya pero masakit..... nakakaramdam na naman ako ng sakit na hindi ko dapat nararamdaman.

"Ayoko na" mahinang bulong ko. Tumulo na naman ang luha ko.

Sinubsob ko nalang ang mukha ko sa desk upang walang makapansin sa akin.

Lalaki ako ngunit daig ko pa ang babae kung umiyak.

Naguguluhan na ako. Ano ba itong nararamdaman ko? Utak ko lang ang may problema pero bakit parang pati ang puso ko meron narin.

------------------
A/N: Slow update :3 Suriiiiiieee pooooo~ Please wag magsawa sumuporta. May competition kasi sa School. Kailangang gumawa ng horror story para sa hallloween special at isa po ako sa participants, kailangan ko pong maging active sa social media especially sa facebook po, ang labanan kasi ay paramihan ng likes kaya po dun ako naka- focus.

My Brother Was My BoyfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora