MBWMB: Saturday

723 18 0
                                    

-Luke's P.O.V.-

After naming mag lunch nagpaalam munang umalis si Mandie dahil itu- tour nya daw muna si Sean kaya naiwan kami ni Yeye.

"Tara na" aya sa akin ni Yeye

"Ha?" san naman kami pupunta-_-

"Kanina pa sila umalis, bakit parang tinatanaw mo pa sila dyan?" Matabang nyang ani.

Ha?-___-

"Ha...a...e wala" napakamot nalang ako sa pagsagot ko sa kanya.

Maging ako di ko lubos maisip na kanina pa ako nakasilip sa labasng canteen at tila malayo ang tinatanaw.

"I'll go" malungkot nyang sabi.

"No wait Ye"
Ano bang pwede kong gawin. Alam kong galit sya dahil may kakaiba akong kinikilos, maging ako di ko narin maintindihan ang sarili ko.

"Why?"

"Pwede ka ba sa saturday?"

"I think so, why you ask?"






"Yayayain sana kita mag mall tapos may pupuntahan tayo after"

Alam kong nagulat sya........ wala na akong ibang maisip na paraan para mabawasan ang pag aaalala nya sa akin.

"I look for my schedule, but as of now I think I'll come"

"Great. Asahan ko yan ha"

"Oo, umasa ka" parang may ibang meaning yun a.

Sinamaan ko sya ng tingin na para bang naghihintay pa ako ng kasunod na salita........

"Hahaha I was just trying to joke"

At di nya ako binigo.

Napangiti ako sa kanya at ginulo ko ang buhok nya.

Bakit ba napakabait mo Yesha? Hindi ko kayang saktan ang tulad mo.

Napangiti nalang ako ng maisip ko yun.


Wednesday

Maaga akong pumasok, hindi ko alam kung bakit. -_-

Dumaan ako sa likod, tutal 9:30 pa ang simula ng klase at 7:30 palang, napagdesisyunan ko na magpahinga muna sa garden ng school. Mapayapa kasi dun, mapayapa din naman sa bahay sa sobrang payapa wala kang maririnig na ingay. Nasa bakasyon kasi sila Mommy at Daddy palawan ang destination nila.

Hinanap ko yung punong malaki dito, dun kasi masarap mahiga sa ilalim.

Nung makita ko ito humiga na ako at inunan ko ang aking kamay.

Masarap ang hangin, katamtaman lang ang tumatagos na init dahil natatabunan ito ng malalagong dahon ng puno.

Habang nakatingin sa ulap napansin ko rito ang pagkakaroon ng imahe, sa paningin ko dalawang tao sila, parang babae at lalaki na magkaharap. Habang iniisip ko ito naalala ko si











Mandie.


Noong bata pa kami magkakaklase na kami nila Yesha, Sean at Mandie simula elementarya. May crush ako kay Yesha nung panahon na iyon ngunit bago ko pa masabi kay Yesha st Sean naunahan na ako ni Sean, sinabi nya sa akin na gustong gusto nya si Yesha, ayaw daw nyang may ibang magmamahal dito kundi sya, gusto ko mang sabihin kay Sean na may nararamdaman ako kay Yesha ay pinigilan ko na, sa isip ko mukhang masaya na naman si Yesha kay Sean kaya siguro tama lang na pabayaan ko silang dalawa. Lumipat ako ng high school ng walang paalam ngunit di ko akalain na susunod si Mandie sa akin, mabait si Mandie, sobrang bait nya ngunit nung nag confess sya ng feelings nya at tinangihan ko ang nararamdaman nya dahil ayoko syangpaasahin biglang nag iba na sya,naging possesive at obsess sya sa akin to the point na inaaway nya lahat ng lumalapit sa akin. Akala nya di ko alam yung ginagawa nya pero akala nya lang yun. Alam ko rin na sya yung nag iiwan araw- araw sa locker ko ng chocolates at love letter, minsan nga naalala ko valentines nun maraming nag- iwan ng gift sa akin pero tinapon ni Mandie at iniwan yung regalo at letter lang nya, akala nya di ko alam pero nakita ko......

"Luke?"

Dug.dug.dug.

Nagulat ako...... kilala ko ang boses na iyon.

-Mandie's P.O.V.-

8:30 pumasok na ako, wala lang, parang instinct na di ko alam ang dahilan. Dumaan ako sa likod kasi pag gamitong time marami ang nadaan sa main gate, lalo na yung mga late nagtatakbuhan pa-_-

Napadaan ako sa garden, ang ganda pala dito. Hindi naman sa unang beses kong mapunta dito pero parang ganun na nga-_- hehe.

Nakakita ako ng puno, kung di ako nagkakamali ito ang pinakamalaking puno dito sa garden.

Nagulat ako ng makita ko ang lalaking nagpapatibok ng paulit ulit sa puso ko.

"Luke?"

Nakangiti sya..... nakangiti syang humarap habang unti- unting nawala ang tila masayanyang mukha.

"Ah....sorry sa abala....sige una na ako"

Masakit..... na tuwing makikita ka nya parang ikaw yung sumisira sa magandang araw nya.

"Sandali.. dito ka muna"

Napatigil ako.... tama ba ang narinig ko?

Humarap ako sa kanya at nakita ko ulit syang nakangiti.

Nakaupo na sya ngayon at pinalo nya ang kalapit nyang parte na para bang dun nya ako pinauupo.

"Bilis na wag ka ng mahiya haha"

Umupo ako sa tabi nya. Walang nagsasalita.... tiningnan ko yung dereksyon ng tinitingnan nya.

Ulap?

Napangiti ako ng may makita ako imahe..... nakakalibang ang mga ulap.

Parang nagsasayawan ang mga ulap tila ba masaya sila at nagdiriwang.

Matagal kaming nanatili sa ganung posisyon. Tila ba kahit di kami magsalita ni Luke ay parang okay lang sa akin. Para bang masaya na ako dahil kalapit ko sya.... higit pa ito sa inaasahan ko.... di ko lubos maisip na sa tagal kong naghahabol sa kanya ay mangyayari ang araw na ito.

"Let's go baka malate na tayo"

I look at my watch... male- late na nga kami..... ganito kabilis ang oras pag kasama ko sya.

My Brother Was My BoyfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora