Chapter One

363 25 11
                                    

Chapter  1

***

 NOTE:  E-didecate ko na lang sa iyo itong unaang chapter dahil pinalitan ko na iyong book cover na ginawa mo para sa akin. Ilalagay ko na lang sa multi-media iyong pinaghirapan mong book cover ko...

****

NASA school library ngayon si Dara tumutulong sa mga gawain ni Mrs. Perez na librarian sa Wellington Academy. Kung saan nakakuha siya ng full academic scholarship. Kapalit no’n ay ang pagiging student assistant niya. 

Si Dianne Antonette Rivas-Arellano o mas kilala bilang DARA, dahil kay haba-haba naman ng kanyang pangalan pag tinawag mo pa siya sa buong pangalan niya. At tila nag speech ka na nun. 

Nasa labing pitong taong gulang na siya. Ulila na, pero naitataguyod niya pa rin ang pag-aaral sa kursong BS Psychology. Freshmen student sa Wellington Academy. 

Ilag siya sa mga taong nakakasalamuha niya. Dahil ayaw niya nang mag tiwala pa at hindi na siya naniniwala sa salitang kaibigan. Dahil para sa kanya ay sa huli iiwan pa rin naman siyang mag-isa, tulad na lang sa pag iwan sa kanya no'ng childhood sweetheart niya kuno. At dahil do'n mas lumalalim ang sugat sa puso niya, kasabay naman no’n ay ang pag iwan ng kanyang mommy sa kanya. Nag patiwakal ito dahil hindi na nakayanan ang labis na kalungkutan sa pag-iwan ng daddy niya sa kanila. 

"Dara iha, pakidala naman nito kay Mrs. Evangelista. At pa pirmahan mo na rin sa kanya iyong ibang papers na kalakip diyan." Sabay abot ni Mrs. Perez sa folder na hawak niya. 

"Yes po Ma'am," tugon niya at lumabas na sa library. Nag tungo na siya kung nasaan naroroon ang Department Custodian na si Mrs. Evangelista. 

Napadaan siya sa Men's Room nang may nakita siyang nag hahalikan. 

"Hoy! mga walang hiya napaka PDA niyo naman. Hindi ba kayo nagbabasa ng Student Handbook?!" Sita niya sa mga ito. Madalang na ang mga estudyante ngayon sa 3rd floor dahil uwian na ng ibang klase. 

"Bakit nakikialam kang nerd ka?!" Mataray na wika no’ng babae. Na maputi, malalagong pilik mata, kulay brown ito kaso medyo pinagpala lang sa laki. Matangos ang ilong, mapupulang mga pisngi dahil inubos na ata ang blush on. Mala Anne Curtis din ang labi sa sobrang pula daig pa ang tambis. Maganda naman kaso nag mukha lang prostitute sa suot nitong school uniform. Dahil sobrang ikli nang suot nitong mini skirt.

"Sinong tinatawag na nerd nitong bruha na 'to? huburan ko kaya 'to? Ang iksi pa ng skirt mas lalong nag mukha siyang prostitute," sabi ni Dara sa isip. 

"Kung gusto niyo magharutan 'wag dito sa school puwede naman kayo sa labas. O kaya sa iskinita kayo mag pa ka PDA walang makikialam sa inyo do'n," palaban na wika ni Dara. Hindi naman sumasagot iyong lalaki. At feeling pa nito eh, nanunuod lang siya ng TV drama. At nag aabang kung kailan magkakasakitan ang bida at kontra bida. 

"Hoy, ikaw. Ka lalaki mong tao eh. Hindi ka na nahiya na makikipagharutan sa mukhang palaka na 'to na kahit alam mong may CCTV camera dito!" Mataray na baling ni Dara doon sa binata. Aakmang sasampalin naman siya no’ng babaeng mala palaka sa laki ng mga mata nito. Pinigilan ng binata ang kamay ni Agatha. 

"Let's go babe, do'n tayo sa lugar na walang BITTER!" Sabay kaladkad ng binata kay Agatha. 

"Ano daw ako BITTER? What the heck is he?! Bitter na ba agad ang pinagsabihan sila?" murmured ni Dara, habang nakatingin sa dalawa. Nang bigla niyang naalala iyong iniutos ni Mrs. Perez sa kanya. Patakbong pinanhik ni Dara ang Deans Department kung ang opisina ng Department Custodian na kalapit silid lamang nito.

HINDI halos makapaniwala ang mga kaibigan ni Darwin sa ikinukwento niyang nangyari sa kanya kanina.

"Talaga Darwin?" Tanong ni Nilson. 

"Oo dude, sus kung nakita niyo lang iyong mukha ni Agatha kanina parang lalamunin na niya ng buhay iyong si Ms. Mataray Nerd na iyon," wika naman ni Darwin. 

"Siguradong bukas niyan Darwin, nasa Principal's Office ka na naman," sabi naman ni Dhixter. 

"Hindi ka pa nasanay diyan naging suki na 'yan ni Madam Letecia," sabat naman ni Yui. 

"Maiba nga ako pare, may balita ka ba kay Lindsey at Gerald?" tanong ni Nilson. Biglang nag iba ang timpla sa mukha ni Darwin. 

Hanggang ngayon pa kasi dala-dala pa rin niya ang sakit na dinulot ni Lindsey sa puso niya. Naniniwala kasi siya na pag mahal mo ang isang tao, handa kang gawin ang lahat para mapasaya ang taong mahal mo kahit alam mong hindi ikaw ang taong nagpapasaya sa kanya handa kang masaktan kapag nagmamahal ka.Kaya lumipat siya dito sa Wellington Academy para hindi nila makita na labis siyang nasaktan. At para hindi rin nila makita ang tunay na campus casanova heartthrob. 

"Wrong question--pasensya na, Dude," napakamot sa ulo na wika ni Nilson. 

"Change topic na nga lang. Ano gagawin natin sa malditang nerd na 'yon?" tanong ni Yui. 

"Hintayin niyo na lang ang susunod na mangyayari." Napangiti si Darwin sa iniisip niyang masamang pinaplano para kay malditang nerd. Napa iling na lang ang mga kaibigan niya sa kakaibang ngiti na sumilay sa kanyang mga labi. Parang animo'y may hindi magandang binabalak.

 ***

End of Chapter One

Gangster's Series 2: The SilencerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon