Chapter 12: Urgent Meeting at Omega Palace

93 9 2
                                    

 Chapter 12: Urgent Meeting at Omega Palace

KAHIT sa pagtratabaho ni Dianne, ay hindi niya maiwasan isiping kung ano nga ba ang pagme-meetingan sa council. Nakaligtaan naman niya itong itanong kanina kay Dux.

                        “Dianne, pinapatawag ka ni Mrs. Watson sa opisina niya,” wika noong isang waiter sa kanya.

                        “Ha? Bakit daw?” takang tanong niya.

                        “Hindi ko alam. Basta ang utos mag report ka raw doon ngayon na,” kibit balikat nitong pahayag.

                        “Ah, ganoon ba? Sige salamat.” Sabay talikod niyang wika doon. At pumanhik na siya sa opisina ng may-ari nitong bar.

Kumatok muna siya pagkaharap niya sa pinto. Sabay pihit sa door knob at sinilip ang tao sa loob.

                        “Come inside,” wika ni Mrs. Debbie nang makita ang ulo niya sa pinto.

                        “Good evening po, Tita.”

                        “Have a sit hija.” Kinakabahan naman siyang umupo. Tensyunado siya dahil hindi niya alam ang dahilan kung bakit siya nito pinapatawag.

                        “Siguro ngayon. Nagtataka ka kung bakit ka narito?”

                        “O-opo. May nagawa po ba akong mali?” bakas sa boses niya ang sobrang kaba. Tumawa naman ang ginang.

                        “Naku! Wala naman. Nabalitaan ko lang kasi iyong nangyari kagabi sa inyo.”

                        “Ah, iyon po ba Tita. Pasensya na po kayo kung pati ang anak ninyo, eh. Nadamay. Hindi ko naman po gusto iyong nangyari,” Nakayuko niyang paliwanag.

                        “Relax hija. I don’t blame you. What happened last night.”

                        “Eh kasi po Tita…”

                        “Don’t say anything. I understand. Do you have a suspects to point?” umiling-iling siya sa tanong na iyon. Bumuntong hininga naman ang ginang nang malalim.

                        “Naku, delikado pala sa iyo ang mag-isa. Hindi natin alam kung sino ang nagtangka sa buhay mo.”

                        “Personal ata ang motibo ng mga taong iyon Tita, dahil kung pera ang habol nila. Wala naman silang makukuha sa akin. At bakit pa nila ako pag aaksayahan ng oras nila kung walang ransom na mapapala.”

                        “May punto ka d’yan, pero kailangan mo pa rin mag-ingat. Hindi natin alam na iyang hawak mo ang habol nila sa’yo?”

                        “Ha? Iyong Bigay--”

                        “Oo… Hindi mo naitatanong may mahalagang gamit iyan.” Nagulat naman siya sa nalaman.

                        “Totoo po?”

                        “Oo 100%. But this is not the right time to know how to use it.” Nagtaka naman siya kung bakit? Pero hindi na siya nag tanong pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Gangster's Series 2: The SilencerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon