Chapter 4
ROTC Class nila ngayon. Ito ang pinaka ayaw ni Dara sa lahat ng subjects niya. Dahil para sa kanya hindi siya nakakarelate sa lecture. At palaging tanong sa isip niya tuwing darating ang araw na sabado.
"Bakit nauso pa ang ROTC sa prospectus?" Minsan nasabi pa niya sa sarili na kapag darating ang araw na makakapagtayo siya nang sariling paaralan. Aalisin niya sa curriculum ang ROTC. At NSTP/CWTS ang ipapalit niya.
"All boys are Alpha platoon and girls are Bravo platoon. And the S.A are Charlie platoon," pormal na wika ng commander.
"Dapat nasa Medic na lang ako eh," maarteng wika ni Agatha.
"Agree ako sa sa'yo Agatha. Ang init-init kasi kaka-formation dito eh," wika ng kaibigan ni Agatha. Walang duda na mag kaibigan nga sila, dahil ang isa mukhang isda sa laki ng noo at idagdag pa iyong mukha ni Agatha na mukhang palaka sa laki ng mata nito, equals pets.
Nakikinig lang si Dara sa usapan noong dalawa. Biglang nag salita iyong loner na classmate ni Dara na katabi niya ngayon.
"Dianne, may idea ka bang gagawin ng Charlie platoon?"
"Duh! Loner plus Nerd, equals perfect combination. Parehong mga walang kwenta sa lipunan." Biglang kumulo ang dugo ni Dara sa mga narinig.
"Huwag mo 'kong simulan, babaeng mukhang palaka. Kung ayaw mong masampulan ko iyang matigas mong mukha sa pagbali ko niyang riffle na hawak mo ngayon," mataray na banta ni Dara. Inismiran lang siya nina Agatha.
"Sorry Dianne. Nang dahil sa akin pinagdidikitahan ka na naman nina Agatha."
"Okay lang 'yon. Kung tutuusin ikaw lang ang naglakas loob na kausapin ako nang matagal." Nakaramdam nang kalungkutan si Natalie sa sinabi ni Dara. Dahil bukod sa mga teachers walang ibang kumausap o naging kaibigan ito sa school nila.
"Oo nga pala. Ano nga uli iyong tanong mo kanina lang?"
"Tungkol do'n sa Charlie platoon may idea ka bang gagawin ng mga S.A?"
"Sa palagay ko dito kukunin 'yong para sa theoritical examination na gaganapin sa tactical."
"Ah ganoon pala." Nag concentrate na lang si Dara, sa formation niya.
TINITINGNAN ngayon ni Nilson, si Darwin dahil ramdam na radam niya ang pagiging balisa nito mula pa kagabi.
"May problema ka ba pare?" Bulong na tanong ni Nilson kay Darwin. Dahil nasa likurang bahagi siya hindi mahahalatang nag-uusap sila.
Nasa 1st squad ng Alpha platoon sina Dhixter at Darwin. At 2nd squad naman sina Nilson at Yui. Hindi sumagot si Darwin, pero halata na nakatingin ito sa direksyon ni Dara na may kausap na weird.
"Mukhang tinamaan ka na ni kupido, Darwin." Napatingin si Yui, kay Nilson dahil sa tinuran niya.
"Biruin mong si Ms. Nerd lang pala makakapag tuliro sa kanya nang ganyan. Sa pagkakatanda ko, hindi naman siya dating ganyan kay Lindsey."
"May kutob akong may mas malalim pang dahilan kung bakit 'yan naging ganyan," tugon ni Nilson.
"Siguro nga tama ka Nilson, pero nakakakilabot naman iyang kutob na sinasabi mo. Oo nga pala, alam ko ang tunay niyang pangalan."
BINABASA MO ANG
Gangster's Series 2: The Silencer
HumorI don't believe in Puppy love. I don't believe that true love is always a happy ending. It is not like whats happening in fairy-tales where the lovers live happily ever after. I don't believe in Destiny. I don't believe in Soul Mate either. FOR SHOR...