Chapter 6
MONDAY na naman, araw na naman nang pasukan. Bumangon na si Dara at nag unat.
Lihim siyang nanalangin sa kanyang isip.
"Sana hindi ko makita si Darwin ngayon. Naiinis lang ako sa kanya. Walang ibang ginawa kundi pagtripan at bwesitin ang araw ko."
Kumilos na siya agad at inihanda ang sarili sa pag pasok.
NASA harap na ng kanyang locker si Dara. Nagtataka siya kung bakit may nadikit na kulay lavender na tickler note doon.
"First time ata 'to ah. Sino kayang lokong naglagay nito dito?" Tanong niya sa sarili. Kinuha naman niya ito at binasa.
"Sorry for everything Dara. I miss you... From... " Hindi na niya itinuloy pa ang pagbasa niya. Walang animo'y bigla niya na lang sinuntok iyong locker niya. Na yupi iyon nang kaonti. Galit na galit naman na pinunit ni Dara ang note.
Agad niyang binuksan ang kanyang locker. Lalo pa siyang nainis dahil mahirap na itong buksan dahil sa pagkayupi nito. Marahas niyang kinabig iyon at tuluyan nang nabuksan. Nang gagalaiti na siya sa galit. Nang Makita ang nilalaman ng kanyang locker. May tatlong mapupulang rose na may kalakip na card ang nakasabit sa bulaklak. Nanginginig sa galit na binuksan niya ang naka tuping maliit na card.
Tagis ang kanyang bagang sa nabasa kung kanino galing iyon.
Wala anu-ano ay itinapon niya ito sa basurahan na malapit sa kanyang kinaroroonan.
"Ba't mo naman tinapon iyon? Sayang naman." May biglang lumitaw na lalaki sa harap niya. Mula ito sa likod ng kanyang locker.
"Anong ginagawa ng kumag na 'to dito sa building na ito?" Anya sa kanyang isip. Tiningnan niya nang maigi ang lalaki. Hindi siya maaaring magkamali ito 'yong kasama ni Darwin sa resto bar. Hindi kaya pakana na naman 'to ni Darwin para inisin siya? At palagay ni Dara, ay umupa pa ito ng private investigator para alamin ang buhay niya.
"Wala kang pakialam," malamig niyang tugon. Sumandal naman iyong lalaki sa bandang gilid ng locker.
"Hindi ko alam kung ano man meron sa inyo? Pero pakiramdam ko may mas malalim pang dahilan kung bakit siya ganoon ngayon," nakapamulsa nitong wika sa kanya. At nakatingin nang diretso sa mga mata ni Dara. Na para bang nangangapa ng kasagutan mula sa kanya. Nakatigtig lang din si Dara sa kanya. At siya rin ay naguguluhan sa nais nitong sabihin. Bakat sa mukha nitong lalaking 'to na maraming katanungan na hinahanapan niya ng sagot.
Hindi mind reader si Dara, pero may malakas siyang instinct pagdating sa human behavior dahil nga isa siyang psychology student.
"Anong mga kabaliwang pinagsasabi mo?!" Marahas niyang ini-locked ang kanyang locker. At tinalikuran na ang lalaki.
MINAMASDAN ni Dhixter ang naglalakad palayo na si Dianne o Dara.
"Tsk! Ano ba talagang ugnayan ninyong dalawa ni Darwin?" Napasuklay sa buhok gamit ang kanyang mga daliri.
"Mababaliw na ako kakaisip nito. Mag patingin na kaya ako sa psychiatrist baka may mental disorder na ako?" Napabuga ng hangin na wika ni Dhixter sa sarili.
Napahakbang siya dahil lilisan na sana siya. Nang napako naman ang kanyang tingin sa punit-punit na pirasong note na nag kalat sa sahig. Pinulot niya iyon isa-isa at pinag tagpi-tagpi. Matapos ay nabuo niya rin ang note. Sinimulan na niya itong basahin.
BINABASA MO ANG
Gangster's Series 2: The Silencer
HumorI don't believe in Puppy love. I don't believe that true love is always a happy ending. It is not like whats happening in fairy-tales where the lovers live happily ever after. I don't believe in Destiny. I don't believe in Soul Mate either. FOR SHOR...