Chapter 11: Omega Palace

71 6 2
                                    

Chapter 11: Omega Palace

 

HINAWAKAN ni Dianne ang kwentas niya. Napatitig siya sa pendant  nito.

       May mission pa akong dapat tuparin. Sabi niya sa sarili bago tuluyang umalis sa music studio nila Darwin. Nagtungo na lang siya sa botanical garden, para doon na kumain ng lunch. May dala naman siyang baon, eh. Ayaw niya kumain doon sa cafeteria dahil siya lang pinagtitinginan doon ng mga kumakaing estudyante.

       Inilabas na niya ang maliit niyang baunan mula sa kanyang munting sling bag. Nag sign of the cross muna siya at nag-alay nang kaunting dasal. Bago tuluyang binuksan ang baon niya.

       Hindi niya napapansin may nagmamasid pala sa kanya mula sa 'di kalayuan. Tahimik na sumubo ng kanin si Dianne. Bigla na lang may lumapit sa kanya nang hindi niya napapansin ang presensya nito.

       “Can I join you?” Nabilaukan naman si Dianne sa bigla nitong pag salita. Nagulat talaga siya, dahil hindi niya inaakalang susundan siya nito. Sinuntok-suntok pa niya ang naninikip niyang dibdib. Pakiramdam niya bumara ang kanin sa dibdib niya. Tatayo na sana siya para mag punta sa fountain, pero nag lapag na lang ng coke at garlic chicken ang binata sa harap niya. Pina take-out pa ata iyon mula sa cafeteria. Hindi naman s’ya nag inarte at ininom iyon. Nang mahimasmasan sa pagkabilaok ay kina-usap na siya ng lalaki.

       “Okay ka na?”

       “Pasensya na. Na inom ko pa tuloy ang coke mo. Ginulat mo kasi ako.” Habang nilalagyan naman niya ng kanin ang kutsara niya. Pinagpatuloy niya pa rin ang pagkain. Natatawang umupo naman ang binata sa tabi niya habang pinapanuod itong kumain.

       “Ano ang ginagawa mo dito?”

       “Teka mong kumakain,” maikling sagot ng dalaga. At ngumunguya-nguya pa. Napakamot naman sa ulo niya si Nilson, dahil sa sagot nito.

       “Nakita ko nga. Ang ibig kong sabihin, eh. Bakit dito ka kumakain? 'Di dapat nasa studio ka namin ngayon?”

       “Ayoko doon. Buti pa dito tahimik at wala akong pakialam kung pinag-tatawanan ako ng ibang makakita sa akin dito.”

       “Ah. Ganoon na? Ang ilap mo naman sa mga tao. Hindi ka ba marunong makisama o makihalo-bilo sa karamihan?” Ngiti naman ang isinagot ni Dianne sa tanong niya.

       “Para ano pa? Kakaibiganin ko sila. Tapos ano? Tatraydurin nila ako? Sa panahon kasi ngayon. Mahirap na makahanap ng totoong kaibigan na maaasahan at hindi ka iiwanan.”

       “Ang bitter naman ata ng tunog ng sagot mo.”

       “Sinasabi ko lang ano ang katotohanan.”

       “Ang advanced mo naman mag ata mag-isip. Bakit hindi mo bigyan ang ibang tao napatunayan ang sarili nila na hindi lahat na tao ay gaya ng iniisip mo. Kahit konting tiwala lang sa isang tao. Sa tingin mo ba hindi nakakalungkot ang pananaw mong iyan? Nag-iisa , wala kang karamay. Madami kang na missed sa buhay na dapat maging masaya ka para sa sarili mo.”

       “Sanay na ako sa ganitong pakiramdam. At isa pa para saan pang maging masaya tapos ano mababalot na naman ulit ng kalungkutan?”

       “Sa buhay ng tao natural lang ang ganoong pakiramdam. Minsan masaya, minsan malungkot. Hindi naman kasi balance ang pakiramdam ng tao sa mundo kung puro saya lang o puro lungkot.”

       “Alam ko.”

       “Alam mo naman pala, eh. Bakit pinahihirapan mo pa ang sarili mo at ikinulong sa kalungkutan ng mundo? Wala ka bang kaibigan?”

Gangster's Series 2: The SilencerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon