Chapter Eight Part II

174 20 11
                                    

Chapter  8

PART II

"MATAGAL pa ba iyan, Darwin?" tanong ni Yui.

Nag breakdown kasi iyong kotse niya sa kalagitnaan nang biyahe. Patungo na sana sila sa resto bar.

Nang galing kasi sila sa isang charity event nag concert sila para sa mga Yolanda victims.

"Sana motorsiklo na rin ang dinala ko, gaya kina Nilson at Dhixter," aniya ni Darwin at patuloy sa pagcheck sa kanyang kotse.

"Talagang nag overheat ang radiator nitong kotse. Palagay ko hindi makakaya 'to pag mano-mano lang." Sinusubukan pa rin ni Darwin, eh, restart ang makina pero sadyang hindi mag start.

"Mag commute na lang tayo. Siguro naman may dadaang taxi dito ngayon," mungkahi ni Yui.

Dinukot naman ni Darwin ang kanyang cellphone upang tawagan ang kanilang driver sa mansyon na ipapadala sa talyer ang kanyang kotse.

"Pa lowbat na pala ang aking cellphone. Hindi ko man lang ito na charge kanina," usal ni Darwin.

Nakita niyang may pinarang taxi si Yui.

"Tara na," yaya ni Yui. Kinausap na rin niya ang driver kung saan ang distinasyon nilang dalawa.

"Siguradong yamot na yamot na sina Dhixter, sa kakahintay sa atin."

Hindi na pinansin ni Darwin. Ang tinuran ni Yui sa halip ay bahagya niyang isinandal ang kanya likod sa upuan nitong taxi. At ipinikit ang mga mata tansya niya ang mahigit kumulang kuwarenta'y singko minutos papunta roon sa resto bar nila. Sinilip niya muna ang kanya relos na suot sa kaliwang braso. 09:25PM ang kanyang na aninag sa digital watch na kanyang suot. Saka uli ipinikit ang kanyang mga mata.

NA ALIMPUNGATAN si Darwin. Dahil saktong pagka wala ng kanyang diwa ay biglang nag vibrate ang kanyang cellphone. Pagtingin niya ay Warning: Battery low lang pala iyon.

"'Di bale na malapit na naman kami sa resto. Ilang kalye nalang," aniya ni Darwin sa isip.

"Darwin, hindi ba si Dianne iyon?" Turo ni Yui kay Dara na naglalakad mag isa sa iskinita.

Nilampasan na ng taxi ang kinaroroonan ni Dara. Pero naka-agaw atensyon kay, Darwin iyong apat na lalaking sumusunod sa kanya. Kinutuban nang hindi maganda si Darwin. Hindi nag-iisip na basta-basta nalang niya pinahinto iyong taxi sabay abot sa 400 na raan do'n sa driver. Bigla naman niyang hinila si Yui palabas.

"Ano'ng binabalak, mo Darwin?"

"May masama akong kutob."

Pilit naman silang nag kubli sa madilim na bahagi ng daan. Medyo ma layo-layo ang kinaroroonan ni Dara sa kanila. Mabalis naman na lumingon ito sa likuran niya. Ka agad nagsikublian iyong apat na lalaki, ganoon din ang ginawa ni Yui at Darwin. Mabalis na lumakad si Dara, halos takbuhin na niya iyong daan papunta jeepney station.

Hindi inaasahang pangyayari may nakaabang na pala sa unahang kanto. Hindi iyon napansin ni Dara. At mabilis na kumilos iyong lalaki. Na hablot siya ito saka tinakpan ng panyo ang bibig nito. Pilit nagpupumiglas si Dara na makawala sa mga bisig nito. Tumakbo naman si Darwin sa kinaroroonan ng dalaga.

"Na loko na," sambit ni Yui. At sinundan niya si Darwin.

"Hoy! Anong ginagawa ninyo?!" sigaw ni Darwin. Sa mga lalaki. Humarap naman iyong apat na lalaki sa kanila ni Yui.

Gangster's Series 2: The SilencerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon