Chapter Ten

171 23 10
                                    

Chapter 10

NANGINGINIG na sa galit, dahil sa palpak na operasyon ng kanyang inupahang tauhan.

"Mga wala kayong kwenta! Napakadali lamang nang pinapagawa ko sa inyo, hindi niyo nagawa nang maayos!" sigaw niya sa apat na nakayukong tauhan.

"Sorry Boss. May tumulong kasi sa kanya," paliwanag nung tumatayong leader nila.

"What did you mean?!" singhal niyang tanong.

"Biglang sumulpot ang legendary gangster na si L.V. Patawad, Boss. Hindi na po mauulit. At sisiguraduhin kong sa susunod hindi na kami papalya sa aming plano."

"Walang silbi! Bakit kayo na tiktikan ng F.L.D.G?!" mas lalo siyang nagalit sa narinig.

"Patawad..."

"Umalis na kayo sa harapan ko!" singhal niyang wika. At sabay-sabay naman silang nag si alisan.

Padabog niyang pinaghahampas ang table niya. Sigurado siyang malaking problema ito kapag umabot sa kanyang lolo ang balita tungkol sa engkwentro ng legendary gangster at ang kanyang mga tauhan.

DAHIL nga disabled ang mukha nila Darwin at Yui ngayon. Nasa loob lamang sila ng kanilang music studio tumambay halos kalahating araw. Samantalang sina Dhixter at Nilson ay pumasok sa kanilang klase.

"Yui, alam mo ba kung anong subject na ngayon ni Dara?" balisang tanong ni Darwin.

Kaninang umaga pa napapansin ni Yui, na parang may bumabagabag ngayon kay Darwin. Pero minabuti niya na lamang na huwag pang magtanong nang kung ano-anu.

"Hindi. Bakit?" maikli na tugon ni Yui.

"Alamin mo't yayain siyang dito na mag lunch."

"Eh, te-text ko na lang sila Nilson at Dhixter," wika ni Yui. At kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanya bulsa. Saka nag type.

TO: Dhixter; Nilson

Pare, utos ni Darwin. Hanapin niyo si Dianne. At yayain na sabay na siyang mag lunch sa atin dito sa studio.

Message sent!

Ilang segundo pa lang ay nakatanggap na agad siya ng reply.

1 message received

read...

From: Nilson

Okii dokie...

"Ano sabi?" tanong naman ni Darwin.

"Okie dokie. Reply ni Nilson," sagot ko.

Bigla naman siyang natahimik. At parang may iniisip na kung ano.

"Paano kung malaman niyang ikaw ang childhood sweetheart niya, Darwin? Ano kaya ang magiging reaksyon niya sa iyo?" Hindi napigilang magtanong ni Yui.

"Hindi ko pa alam." Naawa naman si Yui sa kaibigan. Alam niyang hindi biro ang problema na kakaharapin niya.

May biglang kumatong naman sa pintuan. Nakita ni Yui mula sa loob ng  glass door na si Dhixter ang kumatok at kasama naman nila Nilson si Dianne. Tumayo naman si Yui, para buksan ang pintuan.

"Hi, Dianne. Buti naman at pumayag ka na sumabay sa amin kumain ng tanghalian ngayon," maluwag na ngiting wika ni Yui.

"Hindi mo lang alam kung ano gagawin ng mga baliw mong kaibigan kung hindi ako sasama sa kanila," naka smirk na wika ni Dianne.

Gangster's Series 2: The SilencerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon