Chapter Three

216 24 7
                                    

Chapter 3

 

NAGLALAKAD palabas si Dara sa eskinita ng iskwater kung saan siya nag bo-board. Bigla niyang naisip iyong nangyari sa kanya kagabi.

"Walang kwenta talaga ang mga kumag na iyon, pag tripan ba naman ako nang ganoon? Buti nalang magaling na ako mag skate simula no'ng bata pa ako. Dahil skater na ako noon pa man," wika ni Dara sa sarili.

Kina ka-usap niya na lang ang kanyang sarili, dahil wala naman siyang mapag bahagian nang kanyang mga problema. Patuloy lang si Dara sa paglalakad nang mapansin niyang parang may nagmamasid sa mga likos niya. Lumingon agad siya sa likuran niya pero bigo siyang makita kung sino man ang nag mamanman sa mga kilos niya. Na alarma agad siya at binilisan ang pag lakad hanggang narating niya ang isang poste sa palikong kanto. Nagtago siya doon at naghintay siya ng ilang minuto pero nakalipas ang mahigit limang minutong pagtatago walang dumaan ni isang tao. Lumabas siya sa kanyang pinagtaguan.

"Psh. Baka guni-guni ko lang iyong kanina. Nag mukha na tuloy akong frustrated." Nagpatuloy na siya sa paglakad hanggang makarating sa niya sa W.A.

Nasa entrance gate na si Dara, agad niyang binati iyong guwardiya.

"Good morning Manong Guido," nakangiti niyang wika.

"Magandang umaga rin sa iyo Dara," wika nito at tiningnan iyong bag ni Dara. At tuluyan na siyang naka pasok sa loob. Agad naman siyang nag tungo sa loob ng customer service.

"Good Morning Ma'am/Sir," bati niya sa mga gurong nakita.

"Buti't nandito ka na Dara, mag papatulong sana ako sa iyo mamaya mag padecorate ng back stage. Puwede ka ba mamaya?" Tanong ni Ma'am Lorie sa kanya na President ng theater club.

"Oo, sige po Ma'am punta na lang po ako after class," tugon niya. At kinuha niyang iyong attendance slip. 'Yon ang trabaho niya pag umaga, taga check ng attendance ng mga estudyante at guro kada room.

Matapos niyang nilibot ang bawat classroom. Pumasok na siya sa kanyang klase. At umupo sa kanyang upuan, tahimik lang siya at nakikinig ng lecture.

May biglang kumatok sa pinto, hindi na ito tiningnan pa ni Dara. Dahil alam na niyang announcement na naman ito.

"Excuse me po Ma'am, nais lang po sana naming imbitahan ang inyong estudyante na sumali sa club namin," wika ni Darwin. Agad naman napatingin si Dara sa direksyon nila.

"Ang mga kumag na 'to," inis na sabi ng kanyang utak.

"Good morning, fellow students. I'm Darwin Eddieson Watson, the president of Music club. We're here to inviting to all of you especially the girls to join our Music club or rather to be a part of Black Sparrow Band.

Starts today we will having an audition for those who are interested to join. Just go to the Music room around 1:00-3:00PM only. Thats all thank you." Naka ngiting nag bow pa sina Darwin sa harap ng klase. At nag paalam na rin sa guro na aalis na sila.

Nag bulong-bulongan naman ang mga kaklase ni Dara, pag ka labas no’ng apat na gunggong.

"Mga malalandi talaga, mag o-o-audition hindi para kumanta kundi para maka pag landi sa apat na ungas na iyon. Ang babaw ng dahilan," murmured na wika ni Dara. Inismiran naman siya sa mga nakarinig doon sa sinabi niya.

 

NAGHAHANAP ng bagong kasapi ang Black Sparrow Band, wala kasi silang female vocalist kaya na pag pasyahan ng grupo na mag lunsad ng audition sa nais maging bahagi ng grupo nila.

Gangster's Series 2: The SilencerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon