Chapter 8
PART I
NASA resto bar na si Dara. Nang nakaramdam siya ng kaba. May masama siyang kutob na mangyayari ngayon pero hindi niya alam kung bakit nakadama siya nang gano'n. Napabuntong hinga na lang siya at ikinalma ang sarili.
"Nakailang buntong hininga ka na, Dianne?" Aniya ni Cherry.
Na nasa harap ng front desk.
"Ah. Wala 'to. Stressed lang ako these past few days."
"Pahinga ka rin kasi pag may time. At napansin kong puro ka nga overtime nitong mga huling araw."
"Sadyang may pangangailangan lang kasi talaga ako ngayon, Cherry." Nakangiting umalis si Dianne, sa harap ni Cherry. Dahil may dumarating na bagong customers.
"Good evening, Sir," bati niya sa mga ito. Laking gulat niya na ka grupo pala ni Darwin ang mga ito. Pero wala sa Darwin, dahil dalawa lang iyong nasa harapan niya ngayon.
"Kamusta, Dear?" Tanong no'ng lalaki na nakita niya sa likod ng locker noong nakaraan.
Napatigil siya saglit nang maalala ko iyong nangyaring iyon.
"Hindi kaya..." Agaw pansin naman iyong pag piking ubo nung kasama niya.
"Ehem... Ehem..." Halatang makulit at playboy itong kasama niya.
"Table for two, Sir?" Tanong ni Dianne sa kanila.
"Nope. Table for four. Kasi may darating pa kaming kasama," wika naman ni Dhixter.
"This way, Sir." Sumunod naman sila kay Dianne.
"Ano'ng ka gaguhan 'to, Dude? May exclusive table naman tayo, Ah!" Siko ni Nilson sa kaibigan. Hindi naman ito pinansin ni Dhixter.
Pagka upo nila. Agad namang nag labas ng order slip si Dianne.
"What is your order, Sir?"
"'Di muna kami o-order. Hihintayin muna namin si Darwin."
"Ah, okay po, Sir." Aakmang tatalikod na sana si Dianne para umalis pero pinigilan siya ni Dhixter.
"Wait. Ms. Dianne..." Napatigil naman siya sa pag tawag sa kanyang pangalan. Humarap ulit siya sa mga ito.
"Hindi pa tayo nagkakilala ng pormal. Ako nga pala si Dhixter at itong kaibigan ko si Nilson." Inilahad ni Dhixter ang kanyang palad. Pero tiningnan lamang ito ni Dianne at hindi tinanggap ang kanyang kamay.
"Pasensya ka na nga pala sa mga kalokohang nagawa namin sa iyo noon," may sinceridad sa boses nitong wika. At dismayadong ibinaba ang kanyang palad.
"Wala na sa akin ang nangyari noon. Sige mauna na ako may gagawin pa 'ko," walang reaksyong sabi niya.
"Bakit bigla itong bumait? May alam kaya ito tungkol sa--ah wala..." Ipinilig ni Dianne ang ulo sa mga naiisip niyang bagay.
"Okay ka lang ba talaga, Dianne?" Tanong ni Cherry sa kanya.
"Mabigat lang ang pakiramdam ko. Magpapaalam na lang ako kay Sir Dominic, na mag undertime muna ako ngayon," turan niya. Sabay tanggal sa suot niyang apron.
BINABASA MO ANG
Gangster's Series 2: The Silencer
HumorI don't believe in Puppy love. I don't believe that true love is always a happy ending. It is not like whats happening in fairy-tales where the lovers live happily ever after. I don't believe in Destiny. I don't believe in Soul Mate either. FOR SHOR...