Chapter Seven

183 22 9
                                    

Chapter 7

NAKATUNGANGA lang si Darwin habang ang lalim nang kanyang iniisip.

"Hindi ko hahayaang hindi maitama ang lahat nang pagkakamali na nagawa ko sa iyo Dara." Nasa isip niyang turan. Mahigit dalawang linggo na rin ang nakalipas mula noong nag iiwan siya ng notes at bulaklak sa locker ni Dara. Nalaman din naman niyang parati itong itinatapon ng dalaga, ayun kay Mang Arthuro.

"Imposibleng hindi niya ako matandaan. O baka naman sadyang pilit na niya akong kinalimutan?Alam ko naman na hindi maghilom ang sugat na nilikha ko sa pamamagitan ng mga notes at bulaklak lang." Nakatingin sa kawalan at ang lalim ng kanyang iniisip.

"Hoy Darwin, nakakalunod na iyang iniisip mo, ah. At parang ang lalim-lalim." Untag ni Nilson kay Darwin. Hindi na pina alam ni Darwin sa kanyang barkada ang totoo. Dahil alam niyang aasarin lamang siya ng mga ito.

"Ganyan nga siguro pag IN LOVE," padiin na wika ni Dhixter. Agad naman silang patingin lahat kay Dhixter.

"Wow Pare, ha? May na missed ba kaming pangyayari? At sino naman ang malas na nilalang na iyon Darwin?" Giit ni Nilson.

Napatingin naman si Darwin kay Dhixter, pero nag iwas ito nang tingin.

"May alam kaya 'to?" Tanong ni Darwin sa isip.

"Hahaha. Nagpapatawa ba kayo? Wala naman, ah," kaila niyang wika.

"Talagang wala nga ba?" Sarkastikong tanong ni Dhixter. Habang nilalaro pa sa kanyang daliri ang hawak niyang drumstick.

"Ano'ng pumasok sa kukuti nito at kanina pa nang iipit? Hindi kaya may alam talaga siya?" Sabi niya sa utak.

"Sinong in love?" Sabay pasok ni Yui, sa music studio.

Nakikinig lang si Yui sa usapan nila kanina pa.

"Si Darwin daw eh. IN LOVE!" inosente at padiin na wika ni Nilson.

"Totoo ba pare, na ikaw ay in love? Weee? 'di nga."

“Loko 'to ah! Ano akala niya sa akin heartless? "

“Huwag kang tatahimik lang d'yan, Darwin. Sabihin mo sa amin, kung ano ba talaga ugnayan mo kay Dianne?" Seryosong sabi ni Dhixter.

Napatingin naman sina Yui at Nilson sa kanya.

"Sinong Dianne ba iyang tinutukoy mo, Dhixter?" Tanong ni Nilson. Pinalo naman ni Dhixter ang ulo ni Nilson, gamit ang drum stick.

"Nakakarami ka na, ah," reklamo pa niya.

"May kilala ka pa bang ibang Dianne, bukod sa kanya? Boplaks ka talaga," ani ni Dhixter.

"Iyong Dianne ba na nasa wallet ni Darwin? o kaya iyong si malditang nerd?" Himas-himas ang ulo na wika ni Nilson.

"Sino ba talaga?" Iritang tanong ni Yui.

"Itanong n'yo kay Darwin." Sabay lakad ni Dhixter papuntang pintuan.

"Ano ang sinasabi niya, Darwin? Si Dianne Antonette Rivas-Arellano ba ang tinutukoy niya?" Tanong naman ni Yui.

Napa angat naman ang mukha ni Darwin sa tinuran ni Yui.

"Bilib din ako sa kumag na 'to. At talagang memorized pa talaga buong pangalan ni Dara, ah," nag ngingitngit na sabi ni Darwin sa isip.

Ilang sandali pa'y napagpasyahan na niyang sabihin sa mga kaibigan ang totoo.

"Kung ako sa 'yo. Ipagtatapat ko na sa kanya ang totoo bago tuluyang maging huli ang lahat.” Sabay labas ni Dhixter sa music studio. Napabuga muna siya ng hangin bago nagsalitang muli.

"Alam na pala niya," wika ni Darwin.

Naguguluhang napatingin naman sina Nilson at Yui sa kanya. Parang bigla silang na out of place na dalawa.

"Natatandaan niyo ba iyong nakasulat gamit ang spray na pintura sa skateboard na paborito ko sa lahat?" Panimula niyang paliwanag.

"Iyong red paint na DEW DARA?" Hindi siguradong sagot ni Yui. Bahagya namang tumango si Darwin.

"And what is the connection of it?"

"Dont tell us, Dude. Na siya iyon?"

"Sinong siya, Yui?" Sabat ni Nilson.

"Kakasabi mo nga lang kanina na kilala mo iyon."

"'Yan kasi puro pambabae laman ng maliit mong utak! Presence of mind nga, Dude. Kahit ngayon lang," wika ni Darwin.

"Nagbibiro lang, eh. Kitams sobrang seryoso n'yo kasi. Alam ko naman simula pa may kakaiba talaga sa kanya. Pero bakit nagawa mong maglihim pa rin sa amin?" Sumeryoso na ang mukha ni Nilson. Umupo pa ito sa ibabaw ng mesa. Agad naman denipensahan ni Darwin ang sarili at ipinaliwanag sa kanila ang lahat.

Alam na naman nila noon pa ang kwento tungkol sa kanyang puppy love.

"So, totoo pala iyong ganyang set-up ano? Magkakahiwalay nang mahabang panahon at ang panahon din ang magtatakda sa pagkakataon," ani ni Nilson.

"Malamang nangyari na nga iyon kay Darwin." Pamimilosopo ni Yui.

"Sa mga pelikula ko lang kasi kadalasang nakikita ang ganyang istorya," paliwanag ni Nilson.

"Ano plano mo ngayon? Sa palagay ko malaki talaga ang galit ni Dianne based sa sinabi mo."

"Oo nga Darwin, tama si Nilson. At idagdag mo pa iyong mga kalokohang ginawa mo sa kanya noong una."

“Basta ang alam ko lang ngayon. Kailangan ko siyang maprotektahan. Alam kong may gagawin si Agatha."

"Si Agatha? Kung ganoon sa simula pa lang alam na niya ang pagkatao ni Dianne? O maaari wala pa siyang alam sa ngayon," mungkahi ni Nilson.

"May punto si Nilson, Dude. Basta kahit anong mangyari handa kami umagapay sa 'yo. At iwaksi mo muna sa iyong isipan ang tungkol kay Agatha." Napangiti si Darwin sa tinuran ng mga kaibigan.

Kahit maloko ito minsan, pero ni minsan hindi siya iniwan ng mga ito. Nakangiting nakipag kamay si Darwin kay Yui at inabot naman iyon ni Yui. Nagkasalubong ang kanilang balikat sabay tap nila sa bawat sa isa sa kanilang likuran. Agad din namang bumaba si Nilson sa mesang inuupuan niya. At gano'n din ang kanilang ginawa gaya sa ginawa ni Darwin kay Yui.

***

End of Chapter Seven

Gangster's Series 2: The SilencerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon