Chapter Five

196 23 12
                                    

Chapter 5

DINALAW ni Dara, ang puntod ng kanyang ina. Inilapag niya ang dala niyang bulaklak at sinindihan ang kulay lila na kandila na nasa babasaging lalagyan.

"Ma, pasensya ka na. Kung ngayon lang ako nakadalaw sa inyo." Hinaplos-haplos niya ang lapida ng ina. Mangiyak-ngiyak na naman si Dara. Pero pinipigilan niya ang sarili na 'wag maiyak, ayaw niyang ipakita sa ina na mahina siya. Marami siyang gustong ikuwento sa ina, pero hindi niya alam kung saan magsisimula.

"Alam mo, Ma. Binigyan ako ng trabaho ni Tita Debbie. Pero, 'di ko po alam na iyong anak na bukambibig niya sa 'yo noon ay ubod ng sama ang ugali. At napaka walang modo pa niyang tao. Nakakainis po siya sobra. Akalain mo, Ma. Binalak pa akong, eh, baldado ng mokong na iyon. Kasama pa ang mga unggoy niyang tropa." Biglang umihip ang malamig na hangin na dumadampi sa balat ni Dara. Nagsitayuan ang kanya balahibo sa batok at braso. Napakiskis siya sa kanyang sariling braso.

"Mama naman, eh. Huwag niyo naman po akong takutin. Alam kung nariyan lang kayo. Please Ma, 'wag ka nang magreact pa." May lambing sa boses na wika niya. Pagkasabi niya sa mga katagang iyon ay bigla na lang tumulo ang kanyang pinipigilang luha na kanina pa gustong kumawala.

Naramdaman niyang pumatak na sa kanyang tuhod ang kanyang mga luha. Marahil ay namimiss na niya ang ina. Pinahid niya ang ang mga luhang umaagos sa kanyang mga mata. At tumayo na siya.

"Ma, alis na po ako. I Love You po." Pilit na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Lumakad na palayo si Dara, sa puntod ng ina.

SINUSUNDAN pala ni Darwin si Dara. Para malaman niya ang mga sagot sa katanungang gumagambala sa kanyang iisipan. Minsan na niya sinundan ang dalaga. Kahit lingid pa sa kaalaman niyang ito pala ang kanya puppy love at childhood sweetheart.

Nasa poder pa lang ng kanyang lolo't lola noon si Darwin, wala na siyang ibang pinagkakatiwalaang kaibigan bukod kay Dara. Dahil bata pa lang broken family na siya. Pero ngayon naging buo na ang kanyang pamilya.

SA PAGMAMANMAN ni Darwin, nalaman niyang nag bo-boarding house sa isang mabahong iskwater area si Dara. Medyo na hintakutan si Darwin, sa mga mukha ng mga istambay sa bawat kanto ng kalye. Parang hindi mapagkakatiwalaan ang mga mukha nito. At mukhang mga adik pa sa kulay at porma ng buhok. Hindi lubos maisip na isang mayaman na tulad ni Dianne Anonette Rivas-Arellano, ay tumira sa isang mabasura at mabahong squater area? At bakit naman ito nagtatrabaho sa resto Bar nina Darwin?

Sinusundan lamang ni Darwin si Dara na papasok sa isang Central Cemetery.

"Ano kaya ang gagawin niya rito? At sino naman ang dadalawin niya?" pagkausap ni Darwin sa sarili.

Nakita niya tumigil sa tapat ng isang puntod si Dara. At umupo sa gitna ng puntod sabay lapag sa bulaklak niyang dala. At nag sindi ito ng kandila.

Nagkubli naman si Darwin. Sa malaking puno ng acacia na naroon, medyo malayo ang distansya nilang dalawa. Nagsasalita si Dara mag-isa. Pero hindi sakop nang pandinig ni Darwin kung ano man ang sinasabi ni Dara.

Nakita pa niyang hinahaplos ng dalaga ang lapida at parang nagpipigil itong huwag maiyak. Isang malakas na hangin ang naramdaman ni Darwin. Kakaiba ang kanyang naramdaman sa mga oras na iyon. Napako naman ang kanyang tingin sa pagkiskis ni Dara sa kanyang braso. Habang yapos ang sarili.

"Naramdaman niya rin kaya ang kakaibang ihip ng hangin?" Tanong ni Darwin sa utak.

Napansin niyang tuluyan nang umiyak si Dara. Nakaramdam nang kakaibang sakit at kirot sa puso si Darwin. Habang tinatanaw ang taong mahalaga sa kanya na umiiyak.

"Sorry, Dara... Hindi kita nakilala noong una tayong nagkita. Sana mapatawad mo 'ko sa lahat ng pasakit na nagawa at ibinigay ko sa 'yo," anya ni Darwin sa hangin. Habang malagkit pa rin na nakatanaw sa dalaga. Tumayo na si Dara at ngumiti ito sabay alis.

"Nagbago ka na talaga Dara. Pati ang matatamis mong ngiti ay nagbago na rin. Parang hindi na kita kilala." Tanaw sa paliit na paliit na pigura ni Dara.

Nang tuluyan ng nawala sa paningin ni Darwin ang dalaga ay mabigat ang mga paang humakbang siya para tuklasin kung kaninong puntod ang iniiyakan ni Dara.

Nakatayo ngayon sa harap ng lapida si Darwin. Napalanghap muna siya ng hangin tsaka ibinuga. Dahan-dahang hinawi niya ang bulaklak na nakatabun sa letra ng pangalan na nakaukit sa lapida.

Nagulantang si Darwin sa natuklasan.

"R.I.P

Dianna R. Arellano

Born: April 16, 19**

Died: December 24, 20**"

Napatapik siya sa kanyang noo. Hindi siya makapaniwala na namatay pa rin ang ina nito. Kahit pinili niya ang sa tingin niya ay tama. Nangyari pa rin at ngayon sobrang laki na ng kanyang kasalanan kay Dara.

"Tita Dianna, patawad po. Alam kong alam ninyo ang totoo. Sana bigyan niyo po ako ng pagkakataon para maitama ang lahat. Patawad po kong nasaktan ko nang labis ang inyong anak na si Dara," nakakuyom na wika ni Darwin. Ngayon malinaw na sa kanya ang lahat. Ginamit lang siya laban sa pamilya ni Dara.

"Ipapangako ko po sa inyo, Tita. Bibigyan ko ng hustisya ang nangyari sa inyo. At babawi ako kay Dara mula ngayon." Sabay nakapamulsang tumayo si Darwin. At tumingala siya sa langit bago tuluyang nilisan ang lugar na iyon.

"Gagawin ko ang lahat maibalik lang ang dating nawala sa atin Dara. Ipinapangako ko iyan!" Nakangiting sabi ni Darwin sa isip.

***

End of Chapter Five

Gangster's Series 2: The SilencerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon