Chapter 9
NARAMDAMAN ni Dianne na medyo mabigat ang kanyang pakiramdam pakiwari niya ay may hang over siya.
Kaya marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Dahil na rin parang may mabigat na bagay na nakadagan sa bandang sikmura niya. Pagkamulat niya ang una umaninag sa kanya ay isang maputing kisame.
Nagtataka siya at nilibot ng kanyang paningin ang buong paligid. Kulay asul ang paligid at may magagarang gamit. Nalula siya sa mga gamit na nasa paligid. Inisip niyang hindi ito ang kanyang boarding house.
"Nasaan ba ako?" Tanong niya sa isip. Napako naman ang kanyang tingin doon sa lalaking natutulong nang nakaupo at nakadantay iyong kanang kamay sa may tiyan niyan.
Napabalikwas agad siya nang bangon at medyo napasigaw pa.
"Waaaah! Bakit ako nandito? At nasaan ako?!" Tanong niya sa nakayukong lalaki at kinusot pa ang mata nito. Nagising siya sa sigaw ni Dianne. Napasiksik sa gilid ng headboard ng kama si Dianne. Agad naman nagtaas ng mukha iyong lalaki.
Nagulat siya nang makilala ito.
"Bakit kasama ko ang kumag na ito? At bakit kulay berde iyong pisngi niya at pumutok pa ang gilid ng kanyang labi?" Tanong niya sa sarili.
"Anong ginawa mo sa akin? Bakit ako narito?!" Pasigaw niyang tanong. Bahagya naman napakunot ang noo ni Darwin. At napangiwi sandali. Dahil tadtad ng pasa ang mukha nito.
Tumayo naman si Darwin at diretsong nakatingin sa kanya. Takot naman na nakatitig si Dianne sa mukha nito.
"It's not that. What you are thinking." Simula niya.
Nainis naman si Dianne sa narinig.
"Anong akala ng kumag na 'to na nag assume akong may ginawa siyang something?!" Protesta niya sa isip.
"Wala ka bang naalala sa nangyari ka gabi?"
"Bakit bilang naging berde ang dalisay kong utak? Ano ba talaga nangyari ka gabi? Isipin mo nga Dianne!" Usal niya sa utak.
Bigla naman nagbalik sa kanyang balintataw iyong naganap ka gabi.
*Flashback*
NAGLALAKAD na ngayon si Dianne papuntang sakayan ng jeep. Habang naglalakad siya mag-isa sa madilim na iskinita. Ramdam niyang may umaaligid sa kanya, tumigil muna siya sandali sa gitna ng kalsada at pinapakiramdam ang paligid. Nang wala siya naririnig na kakaiba agad siyang tumingin sa likuran niya. Wala naman siyang ibang nakikitang tao sa pag lingon niya. Nag balik ang kaba na kanyang naramdaman nang wala siyang nakikitang tao kahit ni isa. Binilisan niya ang kanyang paglalakad baka multo iyong naramdaman niya kanina.
kapag umuuwi kasi siya galing trabaho may kasabay naman siyang binabagtas ang short cut na iskinitang ito. Nakadama siya ng tuwa nang matanaw niya ang jeepney station. Dalawang kanto pa ang madadaanan niya. Mas lalo pa niyang binilisan ang lakad, parang liparin na niya ang daan.
Nang may biglang humablot sa braso niya pagkadaan niya sa isang kanto. Kasabay no'n ay tinakpan ng panyo na may gamot ang kanyang ilong at bibig. Nalalaghap na niya iyong gamot na nasa panyo. Sinubukan niya pa ring manlaban. Kinalmot niya ang mukha ng taong humapit sa kanya. Pero sadyang hinihigop ang kanyang lakas at talaga malakas din ang mga bisig ng tao tumakip sa baba niya. At wala siyang nagawa pakiramdam niya ilang minuto na lang lupaypay na siya. Dahil dama na niya ang pagkahilo at medyo naging blurred na ang kanya paningin.
BINABASA MO ANG
Gangster's Series 2: The Silencer
HumorI don't believe in Puppy love. I don't believe that true love is always a happy ending. It is not like whats happening in fairy-tales where the lovers live happily ever after. I don't believe in Destiny. I don't believe in Soul Mate either. FOR SHOR...