6

14.3K 240 19
                                        

Rasteil Riviora

" Bakit wala kang sapatos?"

Gulat na tanong ko kay Agape ng makita ko siyang naka medyas lang na naglalakad sa mall. Dahilan para tignan siya ng mga tao.

Napakamot siya sa batok niya bago sumagot.

" Yung Lolo kasi sira yung tsinelas. Naawa ako kaya binigay ko na lang ang sapatos ko. Mabuti na nga lang at magkapaa kami.. "

Happiness is written on his face. The way he told me how he give his shoe to whomever that man is, his smile will never be erased.

Imbes na magalit ako sa kanya dahil pinaghintay niya ako ng mahigit isang oras ay hindi ko nagawa.

Seeing how happy he is for helping others is quite enough reason for me to pass it away.

Napailing na lang ako bago siya hinatak patungo sa department store.

Kahit talaga kailan. Lumipas man ang mga taon. Agape will always be selfless. Pinanindigan niya talaga ang pangalan niya.

" Bakit ba kasi hinayaan niyong bumalik si Stefani sa Davao? Wala tuloy akong best friend sa pasukan. " Reklamo ko kay Agape habang sinusukat niya ang sapatos na napili ko para sa kanya.

Sinuot nito ang isang loafers bago nag angat ng tingin sa akin.

" Pigilan man namin siya. Alam naman nating di makikinig yun. Kahit nga si Slabha ay di niya pinakinggan. Hayaan mo na, ako naman ang totoong best friend mo diba? " Tinaas taas niya pa ang dalawa niyang kilay.

Napairap na lang ako.

Summer ngayon at nagyaya akong magmall kay Agape dahil nabuburyo na ako sa bahay. Wala na kasi akong ibang maisasama kasi bumalik na si Stefani sa Davao. Hindi namin alam kong bakit biglaan na lang itong nagdesisyong bumalik ng Davao kahit pa ayaw ng tatay nito na bumalik siya doon.

Kakagraduate lang namin sa high school nung isang buwan. Nakakuha narin ako ng mga entrance exam sa posibleng unibersidad na papasukan ko.

Wala naman kasi akong magawa sa bahay, dahil alam kong maiinis lang ako,puro na lang kasi Miracle. Apat na taon na ngayon si Miracle, masyahin at bibo kaya naging center of attraction ng buong pamilya.

Ewan ko ba. I don't know why of all the sudden I became irritated seeing my family being happy because of Miracle.

" Kuya.. Ate.. Palimus po.. "

Pasakay na sana kami ni Agape sa sasakyan niya ng may humarang sa aming gusgusing bata.

" Hoy.. Lumayo layo ka nga, wala kaming pera.. " Pagtataray ko dito.

Hahatakin ko na sana paalis si Agape ngunit hindi siya nagpatianod.

" Ito oh. Hati hati kayo diyan ng mga kasama mo. " Inabot niya sa bata ang supot ng Burger King na tinake out namin.

" Salamat po kuya, ate. God bless you po.. " Ani nito bago tumakbo sa kung saan.

" Bakit mo binigay yun? Wala na tuloy akong kakainin. Kaurat ka..! " Hinampas ko ang braso niya.

Pero ako ang nasaktan dahil matigas ito.
" We're already full. There's no wrong on sharing.. " Pangusong sabi niya. Napairap na lang ako sa kawalan.

Right! Si Agape pala tong kasama ko. Tbe legendary Selfless.

" Kung mainit po ang ulo niyo. Wag ako ang buntungan niyo nang galit. Hindi ko naman kasalanan kong bakit nasira yang laptop niyo eh. Kung hindi ba naman tangga ang yaya ni Miracle edi san-"

Eros - Passionate Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon