7

13.1K 225 12
                                    

Popcorn

" Bye baby.. "

Napaiwas ako ng tingin ng sakupin ng babae ang bibig ni Uncle bago ito umalis sa hapag.

Lumapit sa akin si Violet at nginitian ako at bumeso.

Naka suot na siya ngayon ng uniporme ng isang elite international school.

Maganda si Violet, pangmodel iyong hubog ng katawan,mabait at madaldal, mas matangkad ako dito at higit sa lahat ay mas bata ito sa akin ng isang taon.

Pero hindi ko pa rin tanggap na ito ang ipinalit ni Uncle kay Ate Mayette.

"Princess... " Hinila ni Uncle ang kamay ko dahilan para matuon ang atensyon ko sa kanya.

Napairap lamang ako.

Mula kanina ay hindi ko siya kinausap.

Matapos kong masaksihan ang kaganapan kanina. Alam kong may malaking problema si Uncle. At tungkol na naman ito sa relasyon nila ni Ate Mayette.

" Pasensya ka na princess. Hindi ko naman inaasahang pupunta ka dito. Kung alam ko lang.. F ck. " Nagbuntong hininga si Uncle at napailing.

Inismiran ko lamang siya bago nagpatuloy sa pagkain ng pananghalian na gawa ni Agape kanina.

Mabuti na lang talaga at kasama ko si Agape, at alerto ito, mabilis niyang natakpan ang paningin ko.

Kung wala? Baka nakita ko na ang kabuuan ni Uncle. My virgin eyes, malapit na sanang madungisan.

Although, sanay naman akong makakita nang mga ganoon kasi parte ito nang kurso ko . Pero nakalailang lang talaga pag sa mga taong malapit sayo. Kasi ibang usapan na yan.

Hapon ng myerkules makulimlim ang panahon. Tanaw ko mula sa bench na inuupuan ko malapit sa parking lot ng eskwelahan ang mga lalaking nag lalaro ng basketball sa court.

" Juice? " Ngumiti ako kay Agape bago tinangap ang juice na binigay niya.

" Thanks.. " Ani ko.

Umusog ako ng kunti para bigyan siya ng espasyo para makaupo.

" Anong problema mo at mag isa ka dito? Mahal na binibini. " Ani niya na mapaglarong boses. Siniko ko siya sa tagiliran niya dahilan para mapahalakhak ito.

Umayos ako ng upo at humilig sa balikat ni Agape. Awtomatiko namang inakbayan niya ako.

Alam ko namang gwapo si Agape. Mali, hindi sapat ang gwapo sa kanya kundi higit pa. His mixed foreign blood give him a drop dead gorgeous face. He's like some guy cut out from a elegant magazine.

Agape is whole package, smart, handsome, good cook, and too good to be true. A perfect boyfriend and husband material. An every girls dream, but not mine.

Nakakapagtataka lang ay wala akong nababalitaang nagka girlfriend ito o may nililigawan dito sa campus, kumuha kuha pa ako ng entrance exam sa ibang unibersidad, pero napadpad lang pala akong muli sa unibersidad kung saan ako nag preschool hanggang high school .

Bahagya akong umayos nang upo at tinignan siya. Tinaasan niya ako ng kilay.

" Bakit? " He asked me with a soft voice. Umiling lamang ako at tinapik ang aking hita.

Muhkang nakuha niya naman ang ibig kong sabihin dahil kinuha niya ang jacket ko at tinupi ito bago nilagay saking kandungan.

" I miss this.. " Ani niya habang sinusuklay suklay ko ang buhok niya.

Ako rin. Namiss ko tong ganito kami. Yung parelax relax lang, walang iniisip na mga reviewers. Nakakastress pala talaga kasi ang college.

Ngayong nakapatong ang ulo niya sa kandungan ko. Doon lang sumagi sa isip ko na sobrang swerte ko sa kanya.

Eros - Passionate Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon