Prologo

1.2K 33 12
                                    

TANDANG- TANDA ko pa ang lahat nang mga nangyari sa akin noong nasa Meira pa ako. Alam kong pagkatapos magpakawala ng isang malakas na kapangyarihan ang diyos namin na si Igneous, napunta kami sa ibang mundo. Masakit ang aking katawan at hindi ako makatayo. Tangi ang mga huni ng mga ibon sa paligid ang aking naririnig.

Napunta ba ako sa ibang mundo o nasa Meira pa rin ako?

Mga mayayabong at matataas na puno ang aking nakikita na meron din naman kami sa Meira pati ang hayop na ibon.

Pinilit kong makatayo. Ngunit para bang ayaw ng katawan ko na sumunod sa utak ko na tumayo. Para bang paralisado ang aking katawan.

"Heto, may bata Mistress." Isang lalaki ang nagsalita na malaking tao at malalago ang kanyang balbas.

"Dalhin niyo siya sa kampo." Isang babae naman ang nag- utos sa lalaki. Hindi ko na nakita ang babae na 'yon nang ako'y binuhat ng lalaki.

Napapikit nalang ako ng aking mga mata.

Sa aking paghimlay, nanaginip ako na ako ay lumilipad kasama ng aking ina.

Masaya kaming lumilipad sakay ng dragon namin. Si nanay ang halos na nagpalaki sa akin dahil pangatlong asawa lang naman siya ng tatay ko na isang Chief ng mga Dragon Warrior. Ang nanay ko ay masayahin na tunay at palangiti. Naaalala ko ang mga hagikgikan namin kapag nagbabato siya ng mga nakatatawang kuwento.

Kung makikita niyo ang aking nanay mapagkakamalan kaming magkapatid lamang dahil maliit lang ang kanyang pangangatawan. Pero kung makipaglaban gamit ang kanyang sandata ay napakabilis. Magaling siyang humawak ng punyal at nabanggit niya sa akin, balang- araw ipamamana niya ito sa akin at tuturuan niya rin akong makipaglaban.

Hindi nga ako binigo ng aking ina, habang lumalaki ako tinuturuan niya akong makipag laban.

Pero ang alaalang ito ay hanggang panaginip na lamang.

Ang masaya't makulay na pagtatagpo na 'yon ay napalitan ng pait at kadiliman. Nagpakita sa akin ang taong nakaitim na kapa. Hindi ko makita ang kanyang mukha natatakpan ito ng kanyang balabal. Gusto kong tanungin kung sino siya. Ngunit tila ba'y tinanggalan ako ng boses at walang lumalabas dito.

Dinig ko ang napakagandang himig habang sumasayaw sa hangin ang kanyang kapa sa ilalim ng liwanag at bilog na buwan. Kasabay ito ng bulaklak ng Fernmoon na tuwing kabilugan ng buwan laman sumisibol. Napakabango ng paligid dahil sa matamis na amoy ng bulaklak na ito.

Nanatiling nasa aking harapan ang taong naka itim na kapa.

Ako'y nagulat nang hindi na ako makahinga dahil hawak niya na ang aking leeg.

Nanlaki ang aking mga mata at pilit akong kumakawala sa kanyang mahigpit na pagkakahawak sa leeg. Nagpupumiglas ako hanggang sa minulat ko ang aking mga mata at humugot ng malalim na hininga.

Tuluyan na akong nagising. Napansin ko na pinagpapawisan ako ng malamig. Pinunasan ko gamit ng kamay ang aking noo at leeg pagkatapos ay inayos ko ang pula at tuwid kong buhok.

Ang misteryosong himig na 'yon na napakadalisay pakinggan parang himig ng isang tao na puno ng pagmamahal. Ngunit ang taong naka kapa ng itim ay ngayon ko lang ito nakita.

Iginala ko ang aking mga mata sa paligid. Nasa loob na pala ako ng isang silid. Nakita ko sa tabi ang aking suot na damit at ang aking punyal na galing sa aking ina.

Kinuha ko kaagad ang aking damit at sandata. Tinanggal ko agad ang damit na suot ko ngayon at pinalitan ito ng dati kong suot.

Mabilis kong inayos ang aking buhok at itinerintas ito saka itinali ng kapirasong tela na nakita ko.

Nang papatakas na ako at dadaan sa bintana ng silid na 'yon bigla naman bumukas ang pinto.

"Saan ka pupunta miss?" sigaw ng isang babae sa akin na siguro'y matanda lang sa akin ng ilang taon.

Hindi ako nagsalita at akmang tatalon na sa bintana at hindi na ako makagalaw.

Isang urasyon ang kanyang binanggit. Hindi ko ito gaanong naintindihan  ngunit ito ang dahilan kung bakit hindi ako nakatakas.

"Ligtas ka dito, you're now in safe haven."

Pinilit kong makawala sa urasyon na kanyang inilagay sa akin. Sinugat ko ang aking sarili gamit ang punyal para makawala rito.

Sabay ko naman siyang sinugod. Kailangan ko siyang patigilin sa pagpigil sa akin na huwag umalis rito. Kung ang mapapaslang ko siya wala na akong pakialam doon. Kailangan kong magpatuloy sa aking paglalabay at walang sasayangin na oras.

Sa ilang pasugod ko sa kanya, mabilis naman itong nakaiilag. Tumalon ako paatras at saka ko ibinato ang aking punyal. Ngunit nagulat ako nang ibinalik niya sa akin ito ng bato at nadaplisan ang aking pisngi.

Tumarak ang aking punyal sa pader.

"Hindi ako lalaban sa 'yo. Nandito ka na ngayon sa safe haven. Hindi kami masasamang tao dito. Ako si Imogene. Isa akong kakampi. Maari ko bang malaman ang pangalan mo?"

"Ako si Joan."

"Saan ka nagmula Joan?"

"Hindi ko matandaan," matipid kong tugon. Kailangan kong magdahilan muna na wala akong maalala. Kailangan ko muna itago ang aking tunay na pagkatao. Kailangan ko rin itago ang kung ano mang lumalabas sa isipan ko dahil alam ko nakababasa ang mga tao rito ng laman ng aking pag- iisip.

"That's okay, pero ligtas ka dito. Kaya dumito ka muna. Magpapadala ako ng gagamot sa daplis mo."

Lumabas siya ng silid. Nanatili nalang ako dahil naisip ko wala naman akong pupuntahan dahil nasa ibang mundo na ako. Hindi ko kabisado ang lugar at ang mga tao rito.

Kailngan ko muna maghintay bago ako sasalakay.

Patnubayan nawa ako ng diyosa sa bagong mundong ito. Nawa'y bigyan ako ng lakas sa bawat araw.

****


Malimit akong umiyak pero pakiramdam ko, mayroon akong iniyakan habang hinahagkan ko siya sa aking mga bisig. Ngunit hindi ko siya matandaan. Pakiramdam ko, may dapat akong balikan ngunit ano at sino? Tanging isang misteryosong alaala nalang ito.

 Pakiramdam ko, may dapat akong balikan ngunit ano at sino? Tanging isang misteryosong alaala nalang ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***
A/N:

This is just a sample hindi pa po ito ang final madami pa akong idadagdag sana para maging kaakit akit ang umpisa ng story na 'to.

Song of Dagger (To Be Publish Soon Under Le Sorelle Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon