NANATILI kaming magkayakap ni Keith. Oo si Keith, at bakit ganito ang pakiramdam? Pakiramdam ko panatag ang loob ko. Pakiramdam ko, nawala ang lahat ng problema ko at naging magaan ang pakiramdam ko. Ano ba ang mayroon sa 'yo Keith? Bakit ba kahit na naiinis ako sa 'yo dahil napakamisteryoso mo, ikaw pa rin ang lumalapit sa akin para lalong paguluhin ang isipan ko.
"Huwag ka ng matakot." Boses ni Keith ang narinig ko sa aking tainga.
Kumalas ako sa kanyang pagkakayakap. Kumunot ang noo ko no'ng nagkatitigan kami. Kitang- kita ko sa malapitan ang kanyang kulay bughaw na katulad sa langit na mga mata.
"Ba..."
Hindi natuloy ang dapat sanang sasabihin ko. Nang may narinig kaming ingay sa labas at parang nagkakagulo ang mga tao. Nagmadali kaming dalawa ni Keith na buksan ang pinto. Sa totoo lang hindi ko alam ang nangyayari. Ang ingay ay nanggagaling sa isang tore. Isang malakas na kalembang na nakabibingi ang naririnig namin. Nang makalabas kaming dalawa, nakita ko na tila nagkukumahog ang mga tao at dala nila ang mga sandata nila.
Napansin ko naman si Yesha na kumakaripas ng takbo at ipinahinto ko siya nang malapit na siya sa amin.
"Yesha, ano'ng nangyayari?" tanong ko.
"Guild war!"
"Ano?"
"I- a- announce na ang Guild war," sagot ni Yesha at nagmamadaling tumungo siyang tumungo kasama ng mga tao. Nagkukumpulan sila sa may dambuhalang bakal na pintuan. May mga nakadesenyo dito na mga sinaunang sulat ng Meira at ang hawakan ay ulo ng dragon.
Nagpalit- anyo naman si Yesha sa pagiging lambana at lumipad.
"Tayo na."
Napatingala ako kay Keith dahil matangkad siya hanggang balikat niya lang yata ako. Napasulyap din siya sa akin at nagsimulang maglakad. Sinundan ko naman siya.
Nakita kami nila Reeda at Lory na magkama ni Keith. Ang mga mata nila ay parang mga bruitre na ano mang oras handa nila akong sugurin. Napakasama ng tingin sa akin ng mga impakta.
"Joan! Excited ka na ba sa first Guild War mo?" tanong sa akin ni Rease.
"Ah E?"
Wala akong ediya sa Guild War na 'yan kaya malay ko ba sa ganyan. Mukhang nakita naman nila Rease at Lachlan sa mukha ko na wala akong ka edi- ediya sa mga pinagsasabi nila.
"Ang Guild War ay binubuo ng apat na Guild. Fyron, Venia, Raziel at Casmoth. Tayo 'yon. Magkakaroon ng card picking at ang talisman na 'yan," tinuro nya ito sa may labas na nakikita sa bintana at muling nagpatuloy magsalita--- "ang babantayan natin para hindi tayo masugod ng mga kalaban natin."
Okay, nakuha ko na. Ang talisman ay ang malalaking crystal na mga anim na pulgada ang laki. Ayon ang mga babasagin ng mga makakalaban namin para kami matalo. Pero syempre hindi mangyayari iyon sabi nga ni Lachlan kailangan naming bantayan ito.
"Ngayon ang oras na malalaman natin kung sino ang makakalaban natin at kung saan tayo pupuwesto," paliwanag muli ni Rease.
"Pumila na kayo ng maayos at bumunot ng papel sa nagliliyab na kopa."
Dinig ko na may nagsalita at nag- anunsyo.
Nagliliyab na kopa? Hindi kaya masunog ang kamay ko? Bakit kailangan doon pa bumunot sa nagliliyab na kopa?
"Rease hindi ko alam ang gagawin?" sabi ko sa kanya ng may pag- aalala.
"Itapat mo lang ang kamay mo doon at hindi ka masusunog. Props lang nila 'yang pagliyab na 'yan," tumawa ng malakas si Rease.
BINABASA MO ANG
Song of Dagger (To Be Publish Soon Under Le Sorelle Publishing)
FantasySide Story of Meira High not book two. Book two is still on- going This is a spin off