XV- The Club

76 8 0
                                    

Joan's POV

ISANG mataas na talon ang aking ginawa dahil inilagan ko ang paghampas ng halimaw. Nawasak ang isang lamesa sa pag-ilag ko dahil ginamit niya ang kanyang chain mace. Umalingawngaw ang dambuhala niyang boses sa buong silid. Napatakip ako ng aking tainga pagbaba ko sa sahig.

"Joan, salo!"

Binigyan ako ni Cobalt ng isang maliit na bote na may likido sa loob.

"Ano ito?"

"Inumin mo pang pa bilis 'yan ng galaw. Agility potion 'yan."

Ininom ko ito napangiwi pa ako kasi sa pangit ng lasa. Mapakla na maasim. At pinahiran ko pa ang latak sa labi saka nilabas ang dila dahil sa pangit ng lasa. Napatingin ako kay Cobalt nakita kong napangiti siya sa akin at sumenyas siya na lumaban na kami. Tamakbo ako, at doon ko naramdaman na ang bilis kong kumilos.

Nilabanan namin ni Cobalt ang Minotaur. Isa siyang Fire Mage. Inilabas niya ang kanyang wand saka bumanggit ng magic spell.

"Isenro Ferrio!"

Malaking apoy ang ipinalabas niya. Para bang bumuga ng apoy ang isang dragon.

Pero hindi gaano nagkamit ng pinsala ang Minotaur parang balewala niya lang itong sinalag.

"Aba! Malakas ang isang ito." Sumilay ang ngiti sa labi ni Cobalt. Para bang tuwang- tuwa siya na malakas ang kalaban namin ngayon.

Mukhang kakainin ko ang sinabi ko kanina na sisiw lang ang lahat. Sobrang kunat ng isang ito kahit naka ilang atake na ako parang walang pinsala pa rin ito.

Gumamit ako ng mabilis kong galaw at inatake ko ang halimaw ng aking punyal. Mabibili na pag- atake ang ginawa ko sa kanya natamaan ko ang kanyang braso na hindi natatakpan ng baluti na bakal pero malakas pa rin ito. Isang pag- atake ang ginawa niya muli inilagan namin ito ni Cobalt. Nawarak ang sahig sa pag hampas nito ng kanyang martilyo.
Isang orasyon muli ang binanggit ni Cobalt at pumalibot ang apoy sa halimaw.

Muli itong umalulong ng napalakas. ako gusto ko na itong tapusin pero hindi kayang madaliin. Balewala ang pag siyatakeng ginawa ni Cobalt. Malakas din ito pero parang kurot lang ito sa halimaw.

"Hanapin mo ang kahinaan niya, ikaw ang nakakalapit," sabi sa akin ni Cobalt.

Tumango lang ako. Muli akong lumapit sa Minotaur at pinaulanan ko muli ito ng pag atake. Pinuntirya ko ang kanyang braso na walang baluti na nakalagay baka sakaling mahiwa ko ito o kaya mabitawan niya ang mga sandata niya. Pero sadyang napakalakas nito.

"Fern yenervoj!"

Isang orasyon ang aking binanggit. Nagkaroon ng mga sanga ang aking braso at bawat pag atake ko humahaba ito. Pumalupot ito sa leeg at magkabilang braso ng halimaw.

"Huli na siya!" sabi ko.

"Hindi pa!"

Umalulong muli ito sabay kinalas ang mga ferns ko.

"Kaasar!" sambit ko sa loob- loob ko.

Saka naman ibinaba ng halimaw ang mga sandata niya at kinuha kami ng malaki niyang mga kamay. Hawak niya kami. Pilit akong kumakawala ngunit napaka higpit ng kanyang pagkakahawak sa amin. Saka niya kami tinapon na parang mga basura palabas ng silid.

"Ahhh!" Sigaw naming dalawa ni Cobalt.

Lumanding ako sa sahig na paupo si Cobalt naman pasubsob sa sahig.

"Ano'ng ginagawa niyo rito?" Tanong ng isang babae. Namumukaan ko siya.

Siya ang batang babae na hinabol ako noong una akong dumating dito sa Safe Haven. May mga kasama rin siyang estudyante.

Song of Dagger (To Be Publish Soon Under Le Sorelle Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon