III- Dream

298 22 18
                                    

Nadatnan namin nagkakagulo ang mga tao sa kampo. Kaya naman para malaman kung ano iyon. Humalo kami sa mga tao na nandoon at sinubukan namin makiusyoso kung ano man 'yon. Naghihiyawan din ang ilan.

Nang mahawi namin ang mga tao at nakarating sa unahan. Nakita ko na nanunuod pala sila ng laban ng sikat na dragon racing. Isa itong laro na kung saan nakasakay ka sa dragon at labanan ng mga elemento. Kailangan mong maipasok ang bola sa base ng kalaban at magkakapuntos ka.

Masaya rin ang larong ito kasi madalas din akong maglaro nito dati noong nasa kabilang mundo pa ako.

Naroon din nanunuod ang mga opisyal ng Guild. Wala pa akong kilala sa kanila.

Masayang naghihiyawan ang mga naroon kapag nakakapuntos ang mga pambato nila. Binulungan naman ako ni Keith.

"Sumunod ka sa akin."

"Bakit?" Malaking tanong ko. Bakit ba kanina pa 'tong lalaki na 'to na mukhang interesado yata sa ganda ko. Ganoon siguro sila rito. Ngayon lang yata sila nakakita ng isang diyosang katulad ko.

Sinundan ko siya. Dumaan kami sa pasilyo na maraming statuwa ng mga dragon.

"Bakit mo ba ako pinasunod?"

"Kasi may sasabihin sana ako sa 'yo."

"A---"

Hindi ko na napagpatuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong sinugod at tumama ang katawan ko sa pader. Tumilapon ako nang gumamit siya ng kanyang life force.

Mabilis siyang pumunta sa gawi ko kung saan tumilapon ang katawan ko. Nadurog pa ang pader sa lakas ng impact. Saka niya ako tinutukan ng punyal na hawak niya.

"Nakita mo ba ako sa tunay kong anyo?" matalim niya akong tiningnan at ang kanyang boses ay nagtaas. Umaligaw- ngaw pa ang kanyang boses sa buong lugar.

"Hindi," bulalas ko.

"Ano! Magsabi ka ng totoo!"

"Hindi nga!" malakas na sigaw ko.

Tinanggal niya ang nakatutok na punyal sa akin.

Hindi ko siya maintindihan. Ano ang tinatago niya? Bakit ano ba ang tunay niyang anyo?

"A..."

"Huwag ka nang magsalita pa," bulalas niya sa akin. Tumalikod siya at tuluyang naglakad papalayo sa akin.

"Keith!" tinawag siya ni Reeda at isinukbit nito ang kamay niya sa braso ni Keith.

"Kanina pa kita hinahanap. Ba't mo kasama 'yang babae na 'yan?" masamang tininan ako ni Reeda. Nakaharap kasi siya sa akin samantala si Keith ay nasa may gilid niya at nakatalikod sa akin. Hindi naman nagsalita itong si Keith.

"Hay nako! Ba't ka ba lumalapit sa boyfriend ko huh?" tinaasan ako ng boses ni Reeda at ang mga mata niya ay puno ng pagkasuklam sa akin.

"Puwede ba, Reeda. Tigilan mo 'yan!" pagsaway ni Keith kay Reeda.

"Epal kasi nitong babae na 'to!"

Hindi ko naintindihan. Ano 'yong 'epal'?

Dinuro niya pa ako nang sinabi niya 'yon.

"Tama na Reeda! Tumigil ka na sa kahibangan mo!" tinaasan niya ng boses itong si Reeda at tinanggal ni Keith ang pagkakasukbit niya ng kamay sa braso nito. Iniwan niya kami ni Reeda.

"Hoy ikaw babae ka! Huwag mong inaahas si Keith. Dahil akin lang siya."

"Binabantaan mo ba ako? Hindi ako natatakot sa 'yo. Kung gusto mo 'yong lalaki na 'yon, sa 'yong- sa 'yo na siya!"

Song of Dagger (To Be Publish Soon Under Le Sorelle Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon