Joan's POV
SA aking paglalakad dahil sa pag-iwas ko kay Magnus, nakasalubong ko naman si Keith. Hindi ko siya pinansin nang malagpasan ka siya, nagulat naman ako nang may humigit sa aking braso mula sa likuran. Tiningnan ko siya ng masama dahil sa ginawa niyang ito.
"Ano ba!" sigaw ko.
Nakatitig lang siya sa akin. Nakaiinis ang mga titig niya.
"Ano? May sasabihin ka rin?" pagtataas ko ng boses.
"Gu--" hindi natapos ang kanyang sasabihin dahil tinawag siya ng kanyang kasintahan na si Reeda.
"Keith!" lumapit ito at parang tuko na kumapit sa braso ni Keith.
"Diyan na nga kayo!" inis kong pagkasabi. Saka ko sila tinalikuran.
Binilisan ko ang lakad ko dahil ayaw ko na may makasalubong na ibang tao o ano man dahil nakaiinis lang. Napansin ko naman na wala nang sumusunod sa akin, nakakita ako ng isang upuan na bakante. Umupo ako dito at pinikit saglit ang aking mga mata. Ginugulo ng lahat ang damdamin ko. Gusto kong balikan ang aking nakaraan pero hindi ko alam kung saan ako mag- uumpisa? Walang sino man ang makapagsabi kung saan ako magsisimula? Nabanggit nga ni Cobalt sa akin na ako ang nawawalang prinsesa ngunit naguguluhan pa rin ako? Alam ko naman si Keith, marami siyang alam ngunit naiinis ako sa kanya, sa kanila ni Reeda. Nagseselos ba ako?
"Hoy!" nagulat ako nang tinabihan ako ni Yesha sabay sabi ng 'hoy'.
"Nakagugulat ka naman Yesha."
Tumawa siya ng malakas. "Sorry, ba't kasi nag- iisa ka dito?"
"Wala lang, madami lang nangyari ngayon."
"Hindi ka pumasok sa klase natin na "Rune Practice" hinahanap ka ni teacher Pandora."
"Yesha, may nalalaman ka ba tungkol sa akin? Ang ibig kong sabihin, ang nakaraan ko?"
"Ah- eh... Ano kasi..." nagbago ang aura ni Yesha. Ramdam ko iyon na may tinatago siya. Isa pa bigla siyang nautal.
"Ba't bigla kang nagkaganyan?"
"Ano kasi Joan, hindi kasi puwede pag- usapan ang mga nakaraan dito sa lugar na ito."
"Huh bakit?"
"Sinumpa ito, kung gusto mo malaman umalis muna tayo dito. Creepy kasi ang place na 'to."
"Ganoon ba? Sige."
Hindi ko maintindihan kung bakit may mga ganoong lugar pa. May mga lugar na bawal pag- usapan ang nakaraan. Kakaiba talaga ang Meira High.
Umalis kami sa lugar na 'yon at saka napunta kami sa labas ni Yesha. Tinanong ko muli ang tanong ko kanina.
"Yesha, may alam ka ba tungkol sa aking nakaraan?"
"Nako Joan, wala. Parehas lang tayo nagising sa kakahuyan at narito na sa bagong mundo na ito."
Kumunot ang noo ko. At pakiramdam ko nainis ako sa sagot ni Yesha sa akin. Hindi ko alam, pakiramdam ko lahat ng tao sa paligid ko ay tinatago ang nakaraan ko. Hindi ko na rin makita sina Cobalt at Cleo. Ilang linggo ko na sila hinahanap simula noong sabihin nila na ako ang nawawalang prinsesa. Ang malaking tanong, prinsesa ng ano? Prinsesa ng walang alaala siguro.
"Ba't ganyan ang hitsura mo? Pasensya ka na Joan, wala talaga akong alam maging sa pagkatao ko. Ang tangi kong natatandaan kasama ko sina Keith, Lachlan at Reese."
"Naniniwala na ako sa 'yo."
Bigla naman napaisip si Yesha. "At may isa pa. Pero hindi ko matandaan kung sino iyon?"
BINABASA MO ANG
Song of Dagger (To Be Publish Soon Under Le Sorelle Publishing)
FantasíaSide Story of Meira High not book two. Book two is still on- going This is a spin off