Joan's POV
KAILANGAN talagang maging opisyal ang pagsali ko sa Club na 'to. Kaya pinirmahan ko ang mga dokumento. Gamit ang aking dugo na tinta minarkahan ko ang papel gamit ang aking finger print.
Sumilay ang ngiti sa labi ni Imogene. "Salamat sa pagsali, Joan." Kinuha niya ang papel at isang mahika ang kanyang ginawa at naglaho ito na parang bula.
Nakatingin lang ako sa kanya dahil sa ganda ng kanyang mga mata na kulay lila. Nang mapansin niya na wala ako sa sarili, nag- iba ang reaksyon ng kanya mukha kaya naman, inilihis ko ang tingin ko at saka nagtanong nalang. "Ano ang gagawin ko dito? Ngayon ay nakasali na ako sa inyo."
"Maraming club activities kami at may mga misyon din. Kaya kalma ka lang."
May kumalabit sa akin mula sa likuran. Sinulyap ko naman ito, pagtingin ko dito si Magnus!
"Ah! Ano'ng ginagawa mo rito?" malaking tanong ko.
"Kasali ako dito. Ayaw mo?"
"Talaga ba?"
Hindi ko siya matingnan sa mata. Dahil ewan ko ba kung nahihiya ako sa kanya o may galit akong nararamdaman dahil sa ipinagtapat niya sa akin sa gubat. Hindi ko maintindihan, hindi ko talaga maintindihan ang pakiramdam ko ngayon. Hindi ko rin magawang sabihin sa iba.
"Oo, magkikita na tayo lagi."
Lalo pa akong nahiya dahil sobrang lapit nanaman sa akin ni Magnus.
"Magnus, puwedeng distansya ng kaunti?"
"Bakit ayaw mo ba?"
Napakalapit nanaman niya sa akin, at kitang kita ko ang kanyang luntiang mga mata na sing kulay ng mga damo sa kaparangan tuwing tag- init. Napalunok ako ng aking laway dahil para bang tumigil ang aking paghinga ng mga ilang segundo.
"Ah-- eh..." Hindi ko maintindihan, tila ba'y nalunok ko din ang aking dila.
"Tama na 'yan!"
Isang familiar na boses ang aking narinig. Pag sulyap ko nakita ko si Keith.
"Wag mong ginugulo si, Joan."
"Hindi ko siya ginugulo, Kieth. Binabati ko lang siya bilang bagong miyembro ng ating samahan."
Hindi ko maipaliwanag bigla nalang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa pinapalabas na malakas na aura ng mga lalaking ito.
"Tumigil nga kayo! Ayaw ko kayong makausap o makita. Puwede ba lubayan niyo ko!" Pagtataas ko ng boses sa kanila.
NANG kinagabihan, naghanda ang mga kasapi sa club ng maliit na salo- salo para sa aming pagsali ni Cobalt. Naroon kami sa silid at may mga ilang miyembro rin ang aking nakilala. Si Roku na may malaking katawan at madaming tatoo sa braso. Kalbo siya at nakakatawa siya. Siya ang nagpapasiya sa grupo kaya hindi masyado boring at ang kanyang katambal na si Jereon kabaliktaran naman ito sa katawan ni Roku pero matangkad siya at nakakatawa rin ang mga banat niya.
Nagkasiyahan ang lahat ngunit may mag- isang umiinom sa may sulok. Nakababagot talagang kasama itong si Keith. Nakaupo lang siya sa may sulok at mag- isang umiinom.
Katabi ko naman si Cobalt at si Magnus. Makulit din talaga siya at hindi makuha sa isang banta. Sige pa rin ang dikit sa akin kahit na sinabihan ko siya ng masakit. Ang tanong nasaktan ba talaga siya? Manhid ba siya o nagpapanggap lang?
"Go! Go! Go!" sigaw ng lahat habang tinutungga ko ang isang malaking baso na ang laman ay alak. Lasang lasa ko ang pait at asim ng alak at humagod pa ito sa aking lalamunan na kinalukot ng mukha ko. Pero nagpatuloy pa rin ako. Baliwala sa akin ito. Kahit na maliit ako hindi ako madaling malasing.
BINABASA MO ANG
Song of Dagger (To Be Publish Soon Under Le Sorelle Publishing)
FantasySide Story of Meira High not book two. Book two is still on- going This is a spin off