Keith's POV
KAILANGAN kong protektahan si Joan mula kay Zarogos. Siya ang dahilan din kung bakit namatay ang tribo ni Joan na mga dragon warriors. Siya lang ang nakaligtas sa mga kapatid niya. Ang ibang kapatid niya ay napaslang ng mga Night Elves. Noong nagkagulo sa kanilang lugar ipinagkatiwala sa akin si Joan ng kanyang ama na si Josen. Nakaligtas din ang ibang kasapi ni pinunong Josen pero karamihan sa kanilang tribo ay napaslang. Bilang mo sa kamay ang mga nakaligtas isa na roon si Joan.
Minanipula ko ang aura namin ni Joan para iba ang ma- track ni Zarogos. Nagpakita na ako sa kanya. Kailangan harapin ko na siya para hindi niya matunton kung nasa'n ngayon si Joan.
Isang ngiti ang sumilay sa labi ng demonyong kaharap ko ngayon nang ako'y nagpakita sa kanya.
"Matagal- tagal na rin nang huli tayong nagkita aking kaibigan," sabi ni Zarogos.
Kumurba naman ang labi ko at tiningnan siya ng masama. "Oo nga pero hindi kita kaibigan."
Humalakhak siya na parang sa demonyo. "Kumusta ka na Keith, ilang daang taon na ba mula sa mundo natin nang huli tayong magkita
"Aba malay ko. At wala akong pakialam doon. Bakit ka ba nandito? Ano ba ang sadya mo sa Safe Haven?"
"Isa lang naman ang gusto ko Keith at alam mo 'yon. Si Peridot at ang kaluluwa ng laruan mo ngayon."
"Hindi ko siya laruan. At lalong hindi siya mapapasayo!"
Muli siyang humalakhak. "Kailan ko bang huling makita ang pag- aalala diyan sa mukha mo? Ang pag- aalala mo kay Sasha bago mo siya paslangin at kainin ang kaluluwa niya?"
Nainis ako sa sinabi niya! Wala siyang karapatan na gamitin laban sa akin si Sasha ang bunso kong kapatid. At hindi ko kinain ang kaluluwa niya. Pinaslang siya ng hindi alam kung sino.
Sinugod ko si Zarogos at kami ay muling naglaban. Isang malakas na sapak ang binigay ko. Ngunit nahuli niya ang kamao ko at pinilipit ito. Dumaing ako ng sakit ngunit nanlilisik ang aking mga mata na nakatitig sa kanya.
"Mahina ka pa rin katulad ng dati. Dahil 'yan sa pagtigil mo na kumain ng kaluluwa!"
Nakawala ako sa pagkakahawak niya sa aking kamao nang sa kaliwa kong kamay ay nilabas ko ang aking dagger at mabilis na pinunterya ang kanyang mukha. Umilag siya ngunit nadaplisan ko ang kanyang pisngi.
Galit na mukha ni Zarogos ang tumambad sa akin at mabilis niya akong sinugod ng sapak. Mabilis ko itong inilagan saka ko nahawakan siya sa dibdib. Tumalon ako ng napakataas at ibinalibag ang katawan niya mula doon sa natalon kong mataas na sing taas ng tatlongpu't palapag na gusali. Itinapon ko ang katawan niya pababa.
Mabilis akong gumalaw at nasa ibaba na ako kaagad, sinalo ko muli siya at doon ko siya pinaulanan ng sapak. Hindi na siya makaisa sa akin dahil sa bilis ng pagbanat ko ng mga suntok sa kanya.
"Ngayon sinong mahina?" Mayabang kong sabi. Saka binigyan muli siya ng isang malakas na suntok sa mukha at lumipad ang katawan nito mga dalawangpu't metro ang layo.
Mabilis akong gumalaw at lumilipad palang ang katawan niya inabangan ko na siya sa paglalandingan niya. Hindi ko naman inaasahan na makakaraos pa siya sa mga tinamo niya at isang malakas na sapak mula sa kanya ang aking natamo.
Siya naman ang umatake. Sa sobrang bilis niya hindi naman ako makalaban. Pinaulanan niya rin ako ng sapak nang ang katawan ko ay nasa ere mabilis siyang nagtungo doon saka niya ako sinipa pababa. Nang bumagsak ang katawan ko sa lupa hinang- hina ako sa aking natamong sapak mula sa kanya kaya hindi na ako nakatayo muli.
"Mahina pala." Humalaklak si Zarogos. Kinuha niya ang patalim na nakasukbit sa aking tagiliran saka ito itinutok sa akin. "Ano kaya ang gagawin ko sa'yo?" Ngisi niya sa akin. Habang hinahaplos ang blade ng dagger sa aking mukha. "Papatayin ba kita? Tsk! Hindi kasi wala na akong laruan, hindi na masaya. Ah alam ko na!" Nanglaki ang kanyang mga mata at itinarak ang dagger sa aking tagiliran.
BINABASA MO ANG
Song of Dagger (To Be Publish Soon Under Le Sorelle Publishing)
FantasySide Story of Meira High not book two. Book two is still on- going This is a spin off