XIII- Night Elf

115 7 0
                                    

Meira High (Present)

Umugong ang bulong- bulungan ng mga mag- aaral habang naglalakad si Joan sa hallway. Masasama ang tingin sa kanya ng ilang estudyante.

Habang tinatahak ang ang daan papunta sa sunod niyang klase, narinig niya naman ang mahinang boses ng isang babae at pinupunto siya ng sabat nito. "Salot!" Nang tiningnan niya ang babae sumunod ang mga kasama nito. "Isa kasing Night Elf. Kaya salot!"

"Salot!"

"Bumalik ka na sa inyo!"

"Walang karapatan ang isang Night Elf dito sa Meira High."

Dahil nawala sa sarili si Joan, may nakabanggaan siyang estudyante. "Ano ba 'yan! Tumingin ka nga sa dinaraan mo!" Sabi ng mag- aaral sa kanya. Lalaki ito at naka- uniform ng red at gold lining pati ang necktie nito ay may markings nito. Taga Guild Fyron ito.

Nang tutulungan na ni Joan ang lalaking nakabanggaan niya, nagsalita ito.

"Huwag mong hahawakan ang gamit ko. Baka may virus ka pa sa pagiging Night Elf mo!"

Halos mangiyak si Joan sa pananalita ng lalaki sa kanya. Kaya napili niya nalang tumakbo.

Nakita naman ni Magnus si Joan na tumatakbo kaya hinabol niya ito.

"Joan!" tawag nito.

Hindi huminto ni Joan at mabilis pang tumakbo nang mapansin na si Magnus ay hinahabol siya.

"Joan!" tawag muli nito. Nasa labas na sila.

Kaya naman nang may makitang puno si Joan, tumalon siya ng mataas para makaakyat sa sanga at saka doon na tumalon- talon sa mga susunod pang mga sanga. Sinusundan pa rin siya ni Magnus.

"Joan!"

"Ano ba! 'wag mo nga akong sundan!" sigaw ni Joan.

Pero nahuli ni Magnus ang kamay niya at hinigit si Joan sa kanyang bisig.

"Bitiwan mo ako Magnus!"

"No! Ano bang problema mo?" kunot- noong tanong ni Magnus kay Joan.

Tinampal- tampal ni Joan ang dibdib ni Magnus dahil niyakap siya nito habang nasa taas sila ng puno. Gusto ni Joan mapag- isa. Gusto niyang umalis sa bisig ni Magnus.

Walang nagawa si Joan kung hindi umiyak. Ngayon, umiiyak siya, hindi niya malaman kung ano'ng dahilan.

"Ayoko na! Gusto ko nang bumalik kung ano man ako noon. Kaso... Kaso... Wala akong maalala! Hindi ko alam kung may babalikan pa ba ako? Hindi ko alam?" Tuloy- tuloy ang pagbuhos ng luha ni Joan.

"Dahil ba iyon sa kumakalat na isa kang Night Elf?"

Nanatiling tahimik ang dalaga. At nagpatuloy ang pag- iyak nito.

"Wala ako sa lugar na sabihin ito sa 'yo. Pero Joan, kahit ano ka, maging sino ka o ano man ang dugong nananalaytay sa 'yo, ikaw pa rin ang Joan na lagi kong pinagmamasdan sa malayo at nagpapangiti sa akin sa malapit."

Niyakap pa ng mahigpit ni Magnus si Joan. Hindi na pumalag ang dalaga dahil gumaan ang pakiramdam niya sa pagkayap sa kanya ni Magnus.

Pinunasan ni Magnus ang luha ni Joan. Nagtama ang kanilang mga mata. At matamnan na tiningnan ng binata si Joan.

"Salamat, Magnus. Isa ka talagang mabuting kaibigan. Kahit hindi ko maalala pero dama ko na naging parte ka ng aking buhay dati."

"Joan, hindi lang tayo naging magkaibigan, higit pa doon ang naging parte ko sa buhay mo."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Joan mahal kita. Ikaw ang nag-iisang babae sa buhay ko. At gano'n ka rin sa akin."

Song of Dagger (To Be Publish Soon Under Le Sorelle Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon