SA ISANG madalim na kuweba, tanging ang liwanag ay nag mumula sa isang sulo may nakaupo sa isang upuan na gawa sa bato. Inihulma itong upuan upang siya'y makaupo. Isang lalaking naka suot ng itim na kapa ang kumportableng nakaupo rito. Ang kanya mga mata ay sing pula ng dugo kala mo'y namuong pulang buwan.
"Hindi pa ba nakikita ang anak ng demonyo?" Isang nakakikilabot na boses ang narinig sa buong kuweba.
"Kamahalan, ginagawa po namin ni Cleo ang lahat," sabi ng tagasunod nito na nakatayo lamang sa kanyang harapan. Ito'y may puting buhok na hindi kahabaan at medyo tumitikwas ang mga dulo nito.
"Matagal na akong naghihintay Cobalt. Gusto ko nang kainin ang kanyang kaluluwa upang lumakas ako, umayos ka memory thief dahil hawak kita sa leeg."
Sa loob ng isipan ni Cobalt, kung hindi niya lang hawak ang tungkod ko kung saan ako kumukuha ng kapanyarihan, malamang naging abo na itong si Zarogos. Akala mo pa kung sinong haring umasta!
"Nasaan na ba si Cleothilde?" hanap ni Zarogos. "Cleo!" Sigaw nito sa pangalan ng babae.
"Kamahalan." Lumitaw si Cleo sa harap ni Zarogos.
"Bakit ang tagal niyong kumilos ni Cobalt? Ang simple lang naman ang pinapagawa ko sa inyo."
"Kamahalan, pag paumanhin niyo po. Kinukuha po namin ang loob ng mga taga Safe Haven. Mahirap na po kasi kung malaman nila kayo ang nagpapautos sa amin at tugisin nila kayo. Ayaw po namin mangyari 'yon. At saka ang kapangyarihan namin ni Cobalt upang lumakas ay hanggang pagsibol ng pulang buwan. Hindi pa ito nalalapit kaya po, kailangan namin mag- ingat at paumanhin sa dahil sa naiinip na kayo, ngunit sa ngayon, kailangan maghintay."
"Ang pagsapit ng pulang buwan. Kung saan ang kapangyarihan ng lahat ng mga nilalang sa mundo ng Meira ay napakalakas," sabi ni Zarogos. "Sige umalis na kayo sa aking harapan. Maghihintay ako."
Isang usok ang pumalibot sa mga katawan ni Cobalt at Cleo saka sila naglaho sa harapan ni Zarogos.
***_**_***
"Mabuti na lamang nakapagpalusot!" Gumaan ang loob ni Cleo nang huminga ng malalim. Ngunit lumungkot ang kanyang mukha.
"Cobalt?"
"Hm?" tanong nito.
"Hanggang kailan natin gagawin ito? Ayaw kong maging masama sa mata nila. Lalo na sa prinsesa na si Joan. Kaibigan ko rin siyang ituring noong nasa Meira pa kami. Ayaw kong masama ang tingin nila sa atin," tumulo ang luha sa mata ni Cleo habang binabanggit ito kay Cobalt.
"Cleo, ayaw ko rin ang ginagawa natin na ito. Pero huwag kang mag- alala mapasakamay ko lang ang tungkod ko, matatapos na 'to. Pangako ko 'yan sa 'yo." Niyakap ng mahigpit ni Cobalt si Cleo.
Pinunasan ni Cleo ang mga luha niya. "Tayo na sa Safe Haven, may makahalata pa sa atin dito sa labas. Salamat, Cobalt lagi ka na riyan sa akin."
"Alam mo naman na ikaw lang ang tinatangi ko." Sabay kurot sa ilong ni Cleo.
"Aray!"
Ngumiti sila pareho. "Sige tayo na," sabi ni Cobalt.
"Let's act normal na. Like the people from this new world. Ahihihi!" Masayang sinabi ni Cleo.
Ito ang ginagamit niyang karakter upang hindi mahalata na mga espiya sila ng isang Night Elf na gustong kumain sa kaluluwa ng mga taga Safe Haven. Lalo na ang kay Joan. Malakas na aura ang pinapalabas nito.
BINABASA MO ANG
Song of Dagger (To Be Publish Soon Under Le Sorelle Publishing)
FantasySide Story of Meira High not book two. Book two is still on- going This is a spin off