Special Chapter XII- Some Cold Past 3

140 8 0
                                    

SHAERES CARIN

"PAKIUSAP Daerawi. Palayain mo na si Jozen," nagmamakaawang saad ng prinsesa ma si Hernayim sa kanyang ama.

"Alam mo naman ang tungkulin mo Hernayim. Sayo nananalaytay ang dugo na papalit sa bagong maghahari sa Shaeres Carin. Pero ano ang ginawa mo? Pinatulan mo ang bastardo na 'yan!"

Nanatiling tikhom ang bibig ni Hernayim hindi niya magawang sagutin ang kanyang ama. Kahit gaano kalupit ito sa kanyang pamumuno mataas pa rin ang respeto niya rito.

"Sabihin mo Hernayim! Ano ang namamagitan sa inyo ng bastardong 'yon?"

"Wala po Daerawi. Isa lang siyang manlalakbay at sinusulat ang pamumuhay natin sa bansang ito. Ayon lang ang pakay niya rito sa ating kaharian. Hinihiling ko po na palayain niyo na ang manlalakbay na 'yon upang makauwi na siya sa kanila."

"Totoo ba 'yang sinasabi mo?"

"Kamahalan, hindi ko kayang magsinungaling sa inyo."

"Pero gumawa siya ng mali sa ating kaharian."

KANINA...

"Sinasabi ko naman sa 'yo huwag kang tumakbo. Ayan tuloy nadapa ka."

"Aray ko! Kasi naman! Sino ba ang naglagay ng lubid dito na tisod tuloy ako!" Sabay ihip ng isang dalaga sa kanyang sariwa pang sugat. "Aray... Ang hapdi," malungkot nitong saad.

"Ano ang nagyayari rito?" Tanong ng isang binata. Ang kanyang roba na suot ay makintab ang kulay. Mukha siyang galing sa mayamang pamilya.

"Enlesair, ikaw pala. Wala ito." Inalalayan ng isa pang binata ang dalagang nadapa. Dahil hirap itong tumayo.

"Pumasok ka na sa loob, Hernayim. Hinahanap ka na ni Daerawi."

"Opo Seno (Kuya)."

"Ikaw tigilan mo ang kapatid ko. Bumalik ka na sa inyo," banta ng prinsipe.

"Hindi ikaw ang susundin ko rito," sagot ng binata.

"Lapastangan ka, Jozen. Baka gusto mong ipaalam muli sa 'yo na ang sinasagot mo ng pabalang ay ang prinsipe at susunod na Dearawi ng kahariang ito."

"Hindi ko nakakalimutan 'yon, kamahalan. Maiwan ko na po kayo." Nagbigay pugay muna ang binata bago niya mapiling iwan ang kamahalan.

Para sa prinsipe kagaspangan ng ugali ang ipinakita ni Jozen ang binata na laging kasama ng kanyang kapatid. Ayaw niya sa lalaking ito at sa tingin niya siya ang sisira sa mga plano niya na maging hari ng Shaeres Carin. Hindi siya papayag dito. Bago mamatay ang kanyang ina na isang bayarang babae, nangako siya na uupo sa trono ng Shaeres Carin. Siya ang pinaka matandang lalaking anak ng hari sa mga naging pangalawang asawa ng hari. Siya dapat ang magmana ng trono.

"Daerawi, nagsalita sa akin ang mga buto ng karunungan, isang batang babae ang isisilang at ang magiging nitsa ng pagkawasak ng iyong imperyo," ulat ng isang Berserker ng mga Night Elf na si Gizela.

"Totoo ba iyan?" Naisip ng hari. Isa ba ito sa mga asawa niya na magluluwal ng babae anak? Kaya naman, ipinatingin niya sa duktor ang kanyang mga asawa kung nagdadalang tao ba ito. Dahil ipapapatay niya kung nagdadalang tao man ang isa sa mga ito. Pero walang nakita. Maging ang prinsesa ay hindi ipinaligtas. Ngunit wala rin nakita.

Gumagamit si Gizela ng mga buto sa panghuhula. Matagal na panahon na rin nagsisilbi si Gizela sa palasyo ng Shaeres Carin. Kaya may katandaan na rin ito at. Hindi pangkaraniwan ang kanyang suot. Isa itong baluti ng iba't ibang buto. Kaya rin niya magpadami ng mga buto at kontrolin ito na parang puppet.

Song of Dagger (To Be Publish Soon Under Le Sorelle Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon