XX- Meeting Archaelya

104 6 2
                                    

Joan's POV

MALALIM na ang gabi, nasa may gubat ako. Hinanap ko si Keith. Tumakbo ako ng mabilis at tumalon talon sa mga puno. Pagbaba ko sa isang sanga nabali ito at nahulog pero naagapan ko ito lumanding ako sa lupa nang paupo. Dumaing ako ng sakit dahil natukod ko ang isang tuhod ko kaya nagkasugat ako. Pero tumayo ako muli at naglakad- takbo dahil masakit ang tuhod ko na nagdurugo sa sugat.

Hindi ko alam kung saan hahanapin si Keith pero hindi ako nagsayang ng oras at nagpatuloy sa paghahanap. Tumigil muna ako sa isang puno at sinandal ang katawa ko. Pinunasan ang pawis ko sa noo at nagpatuloy muli.

"Nasaan ka na ba, Keith?" Kausap ko sa aking sarili.

Sa hindi kalayuan may nakita akong liwanag. Nagmadali akong tumungo sa direksyon kung nasaan nanggagaling ang liwanag. Nang makalapit ako dito, siga ang aking nakita nang hawiin ko ang mga mabababang punong kahoy sa aking harapan. Laking gulat ko rin nang makita ko si Keith. Nakahiga siya sa lupa. Wala pa rin siyang malay. Lalapit na sana ako sa kanya nang may lumabas na babae mula sa talahib. May dala siyang mangkok at pinahid ang laman nito sa sugat ni Keith.

Sino kaya siya?

Napansin niya naman ako kaya napatingin siya sa gawi ko. Siguro naramdam niya ang prisensya ko. Nagtago ako ng bahagya.

"Lumabas ka na diyan. Alam ko nandiyan ka," sabi ng babae sa akin.

Nagkalakas loob akong lumabas sa aking tinataguan. Nakaharap ko siya. Magandang babae siya, mahaba ang buhok kulay lila ang mga mata at porselana ang kutis niya. At mukha siyang bagong ligo. Inamoy ko muna ang sarili ko kasi ang dugyot kong tingnan at mukhang mabaho kumpara sa kanya, kanina pa kasi ako tumatakbo sa gubat.

"Kilala mo ba siya?"

Nakatitig lang ako sa kanya.

"Hello, Miss? Kilala mo ba siya?" Kaway ng babae sa akin dahil nawala ako sa aking sarili.

"Ah- Eh... Oo."

"Sige iwan ko na siya sa 'yo kasi may pupuntahan pa ako eh."

"Sige. Salamat at nasa mabuting lagay siya."

"Wala 'yon," sabi ng babae habang kinuha niya ang bagahe niya at isinukbit ito sa likod.

Nag- aayos pa siya at hindi pa umaalis kaya hindi ko siya maiwasang tanungin.

"Saan ka pupunta?"

"Hindi ko puwedeng sabihin sa 'yo. Pagtapos nito, wala kang nakita at hindi mo ako nakita. Okay?"

"Ah... Okay," matipid kong tugon.

"Salamat, paano. Alis na ako. Babush!"

Umalis na siya.

"Keith!" tawag ko sa kanya.

Mukha naman siyang inalagaan ng babae kanina. Nakita niya siguro si Keith at dinala dito para gamutin. Mukhang maayos naman na ang lagay ni Keith na hindi ko na pinakialaman siya at tumabi nalang ako sa gilid niya at doon naupo. Nakalimutan ko pala siyang pasalamatan ang babae kanina. Maayos niyang ginamot at inalagaan si Keith. Medyo wirdo lang siya, may mga bagahe siyang dala sa kalagitnaan ng gabi.

Pinagmasdan ko muli si Keith puno ng pasa ang kanyang mukha. Naaawa tuloy ako sa kalagayan niya ngayon. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Sobrang nag- alala ako sa kanya. Paggising niya sasapakin ko siya talaga dahil pinag- alala niya ako.

May narinig naman akong kaluskos. At may lumabas sa talahiban. Nakugat ako, pagtangin ko dito ang babae kanina. Ba't bumalik siya? Pinagpagan niya ang kanyang damit na suot. Naka mahabang manggas siya na damit at pantalon. Hindi siya nakasuot ng uniporme ng Meira.

Song of Dagger (To Be Publish Soon Under Le Sorelle Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon