MABIBILIS ang mga kilos ng mga nilalang na pumapalibot sa amin. Lalo pang humagulgol ng iyak si Yesha nang narinig niyang umangil sila habang iniikutan kami ng takbo. Mga itim na anino lamang ang nakikita namin sa kanila sa sobrang bilis at natatakpan din sila ng mga puno sa paligid. Mas lalo akong naging alerto nang hindi lang sila sa may ibaba nagtatakbuhan kundi pati na rin sa itaas ng mga puno.
Halo- halong imosyon ang naramdaman ko. Natatakot ako dahil ayaw nilang magpakita ngunit kung lumabas naman sila at umatake, ay handa ko silang labanan. Medyo natatakot din ako para kay Yesha kasi ako nagpumilit sa kanya na dalhin siya rito at ako rin ang magiging dahilan kung bakit siya mapapahamak. Malamang kapag hindi ligtas si Yesha, ay balikan ako ng mga taga Safe Haven at paslangin nila ako dahil sa kasalanan kong itong lahat.
Mahigpit ang kapit ko sa hawakan ng aking punyal. Nagliwanag na ito at may berdeng usok ang lumalabas din dito dahil din ito sa ipinalalabas kong life force.
"Hwaaaa! Sabi ko na nga ba darating sila." Humihikbing sambit ni Yesha.
Ano ba itong tinutukoy ni Yesha? Sino ba sila bakit takot na takot itong si Yesha.
Lumabas galing sa itaas ang isang lalaking naka itim na damit buong suot niya ay itim at may hawak siyang isang kunai. Saka niya ito binato sa aking gawi.
Mabilis akong umilag. Tumalon ako paitaas at may isa pang umatake sa sa akin. Ginamit ko ang aking punyal na pansalag at kumalansing ito at kumislap sa lakas ng pagdikit ng aming mga sandata. Kaparehas ng isa nakakulay itim din itong umatake sa akin. Sabay kong iniiwas ang aking katawan at bumagsak sa lupa. Nakasukot ako ng upo nang bumagsak at kumuha muli ako ng lakas sa aking mga paa at bumuwelo para maka atake muli sa mga kalaban. Hinanda ko ang aking sarili para sa isang pagsugod muli ng kalaban.
Mula sa aking puwesto tumalon ako ng mataas at sumabit sa sanga ng puno sa aking itaas upang mailagan ko ang paparating na atake sa akin ng kalaban na papasugod; sabay mabilis akong umakyat. Nang makarating ako, sabay naman sumugod ang isa pa at nagpalitan kami ng mga atake gamit ang sandata namin. Kunai ang sa kanya ang akin naman ay punyal. Mabibilis kaming nagpalitan ng mga atake namin. Ang mga kalansing ng sandata ay halos nakakabingi sa tainga.
Sa aking gilid nakita ko naman na paparating na ang isa pa at handa akong paluin ng hawak niyang kampilan.
Ano ba ito? Bakit nila ako inaatake at sino ba ang mga nilalang na ito?
Umilag ako sa pag talon ko sa ibaba.
Sabay akong tumakbo ng mabilis at ipinatayo ko si Yesha mula sa kanyang kinauupuan saka hinigit ko.
"Bilisan mo Yesha!"
"Waaa Joan! Hindi nila tayo titigilan ang tanging paraan ay patayin ang mga lost souls na 'yan!"
Napahinto ako sa pagtakbo at hinarangan ko si Yesha sa kanyang unahan. Matapang ako humarap at inabangan ang mga isasabi niyang lost souls.
"Ganoon ba? Mauna ka na ako na bahala dito."
"Pero kasi..."
"Bilis na! Takbo!"
"Hihingi ako ng tulong kina Lachlan at Rease!" sigaw ni Yesha at tumakbo na siya papunta sa kampo.
Sabay sumugod sa aking 'yong dalawang lost souls.
Mabilis na umilag ako payuko at sabay inatake ko ang isa paitaas natamaan ko siya ng aking punyal sa kanyang katawan. Sabay ko naman sinipa ang isa sa gawing kaliwa ko.
Pinagpapawisan na ako ng malamig dahil dalawa ang kalaban ko laban sa isa.
Mula sa kapangyarihan ng kalikasan, mga diyos at diyosa ng Dervias. Patnubayan nawa ako at bigyan ako ng lakas!
BINABASA MO ANG
Song of Dagger (To Be Publish Soon Under Le Sorelle Publishing)
FantasySide Story of Meira High not book two. Book two is still on- going This is a spin off