X- The Memory Thief

157 10 6
                                    

ILANG itim na ulap ang namumuo sa kalangitan. kumakaripas ng takbo pabalik si Joan sa kanilang kampo. Dahil magdidilim na ng tuluyan. Delikado ang kanilang lugar. Maraming naglipanang lost souls na dadalawin ang iyong panaginip at puwede mong ikamatay kapag hindi ka nakalabas sa panaginip na 'yon. May mga Night Elf din na halang na ang bituka kahit kaninong mga kaluluha ay kinukuha upang kainin.

Hindi niya napansin na may tao pala sa kanyang harapan at nabangga sa matigas sa dibdib nito.

"Nagmamadali ka ba?"

Mabilis na nawala ang tao sa kanyang harapan. Luminga- linga ang ulo ni Joan upang hanapin ang tao.

"Dito."

Isang pamilyar na boses ang kanyang narinig nang tumingala siya para silipin kung sino iyon, nasilayan niya si Magnus ang kanyang kasamahan sa tribo. Isa kasi siyang Sheeva isang taga pagbantay ng trangkahan sa labas ng Elosune. Ang kaharian kung saan nakatayo ang kanilang tahanan.

"Magnus, bakit ka nandito?"

Tumingala si Joan sa may itaas ng puno. Nakalbo na ito dahil taglamig na sa Meira.

"Nais ko kasing makakita ng mayuming binibini."

Sumimangot si Joan habang tumalon naman pa ibaba ng puno si Magnus at nang makababa ang binata nilapatan niya si Joan. Tinarayan naman ni Joan si Magnus ng tingin habang papalapit ito.

Nakangiti naman si Magnus na akala mo napaguwapo niya. Sa totoo lang nagpapalapad ng mukha si Magnus sa tatay nito dahil gusto niya hingin ang kamay ng dalaga. Botong-boto naman ang Chief sa kanya. Dahil ang mga Sheeva na katulad ni Magnus ay matataas na nilalang sa Meira. May basbas sila ng mga diyos na magbantay sa labas ng trangkahan at para magapi ang mga lost souls at walang makapasok sa kaharian ng Meira.

"Nagpapatrol ako. Pero syempre dapat masilayan ko rin ang ganda mo."

Tumawa ng mapakla si Joan. "Hmp!" Sinikmuraan ni Joan si Magnus.

"Aray, para saan naman 'yon?" Hawak nito sa may tiyan niya.

"Para 'yon sa panggugulat sa akin. At lalo na tumama ang ilong ko sa dibdib mo. Napango tuloy ako!" himas naman ng dalaga sa ilong niya.

Natawa sa kanya si Magnus at nilapitan ang dalaga. Hinawi nito ang nakasaboy niyang buhok sa mukha at inipit ito sa kanyang tainga.

"Kahit pango ka. O kahit sumabog 'yang ilong mo. Ikaw pa rin ang nasa puso ko."

Matamnan na tiningnan ni Joan si Magnus. "Talaga?" nakangising tanong ni Joan.

"Oo."

Kinuha niya na ang aking bewang at hinigit ako papunta sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata. Nasilayan ni Joan ang ganda ng kulay ng mga mata ni Magnus sing ganda ito ng luntiang kaparangan tuwing tag- init. Hindi nila na mamalayan na kusang nalalapit din ang kanilang mga labi. Mga isang pulgada nalang ang layo ng kanilang mga labi nang biglang may umatake sa likuran ni Joan. Nakita kaagad ito ni Magnus at ipinayuko niya si Joan.

"Yuko!"

Tumarak ang kunai na sandata sa may puno makikitaan mo pa na may mahika pang nakakabit rito dahil sa usok na kulay na pinaghalong itim at lila ang nakikitang kulay ng usok.

Sabay namang sumabog ito. Natumba ang malaking puno kung saan nakatarak dito ang kunai kanina. Nang pabagsak na ang puno inalalayan nanaman ni Magnus si Joan para hindi matamaan. Napahiga silang dalawa no'ng umilag sila. Nasa ibabaw Joan si Magnus. Nakatukod ang dalawang kamay ni Magnus sa lupa at kumukuha ng balanse para hindi madaganan niya si Joan.

Kumunot ang noo ni Joan saka sumalubong ang mga kilay. Kinuyom niya nag dalawa niyang kamao at itinulak si Magnus para tumayo. Nang makatayo inilabas ni Joan ang kanyang punyal na ibinigay ng kanyang yumaong nanay.

Song of Dagger (To Be Publish Soon Under Le Sorelle Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon