Twentieth

1 0 0
                                    

R A Y I A H

Kinuha ko ang shades ko ng pababa na ako sa kotse ko. Kadarating ko lang sa school at pinark ko na ang kotse ko. Sabay kami ni Kentzi papunta dito pero ewan ko ba kasi nawala na lang bigla.

"Hey" napatingin ako sa taong lumapit sa akin at tinapik ako sa braso.

"Irish" sabi ko at nagsimulang maglakad.

"Ang sama mo talagang tao, saan ka naman tumutuloy ngayon ha babae? Nag-alala rin ako secret agent ka kaya mahirap na akala ko deads" siniko ko siya at tumingin sa paligid.

"Bakit?"

"Bakit? Are you insane? I've been keeping that secret for years dude,at ibubulgar mo gamit yang bunganga mo!?" Umiling iling ako.

Napatakip naman siya sa bibig niya at tumingin rin sa paligid in case may nakarinig. So far naman ay walang tao sa paligid,oo meron pero malayo layo naman kaya impossible na marinig nila ang pinagsasalita nitong babaeng ito.

"Sorry" sabi niya at tumawa ng malakas. Nakakagaga lang.

Inirapan ko na lang siya.

May bumusina sa likuran namin at napatalon sa pagkabigla si Irish. Nagkakape ata siya ng 10 baso sa isang araw kasi sobrang ang dali niyang mabigla.

Bumaba sa kotse si Kentzi at tiningnan ako para bang pinapaalis ako? Ano naman ang problema niya?

"Grabe naman si Fafa nakakashock! So back to business ateng, saan ka naninirahan ngayon? Kasi sa pagkakaaam ko galing kay Ethan wala ka sa isang pad mo at di kana rin daw nagpaparamdam" tinitingnan pa niya ang kuko niyang kulay neon orange na sigurado akong bagong manicure pa.

"Bagong manicure?" Pag-iiba ko ng topic.

"Oo kahapon lang kasama ko si Papa Vhann kahapon ganda diba?"

Oh diba? Edi nawala rin ang topic na tungkol sa akin.

"Maganda" casual kong sabi at sumulyap kay Kentzi binuksan niya ang kabilang pinto ng kotse niya at lumabas doon ang babe kong bakit dineny ako ni Kentzi nung araw na yun, kaletche ewan ko nga eh, huh, galit na ako sa babaeng yan.

"Talaga? Naappreciate mo ha!? Bago yan" pinalo pa ako ni Irish at tumawa ulit siya. What the heck? Bakit ang lakas niyang tumawa? Nakakairita nakakakuha kaya siya ng atensyon ng ibang tao.

Nakita kong napatingin rin si girl sa akin, sa amin at sa akin. Ngumiti siya sa akin at nagwave. Tinaasan ko na lamang siya ng kilay,wala ako sa mood makipagplastican sa katulad niya! Bwisit. Ngumiti rin siya pabalik, tch! Ano naman kayang nagustuhan ni Kentzi diyan? Teka? Ano ba sila? Di naman ata sila magkasintahan!

WAIT WHAT!? No way, di ko tinanong yun lahat as in. Sinong inuuto ko? Gags! Lalong wala akong pakialam.

Nalipat naman ako sa kamay na kumakaway sa harapan ng mukha ko.

"So ano na nga? Saan ka tumutuloy?"

"Huh? Di ko pa ba yan nasasagot?"

"Hindi pa! Itatanong ko ba kung nasagot mo na?"

"Admit it, Irish you're deaf sometimes" sabi ko at kinuha ang bag sa loob ng kotse.

"Duh!—"

"HI!" YAN ayan na siya.

"Aba bastos" bulong ni Irish sa akin dahil sa pagsulpot nitong kasama ni Kentzi. Teka? Hindi niya ba alam? This bitch is planning on killing me! Teka ,sino ba talaga ang nagsave sa akin ng gabing yun? If that was Kentzi then malalaman niya na nagpaplano itong babaeng to na patayin ako! Pero di niya alam, so totoo kayang hindi siya yun?

She is The Mafia's Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon