Twenty fourth

0 0 0
                                    

R A Y I A H   J I N   S A N T I A G O

Naiinip na ako. Umalis ka na kasi. Nakakatawa at inuutusan ako ng sarili kong umalis sa kintatayuan ko. Gusto ko rin kasing marinig ang kung ano mang sasabihin niya.

"Baka naman at may balak kang pakainin muna ako?" Pagmamaldita ko sa kanya. Napatingin siya sa akin.

"We didn't have the chance to talk"

"We talked yesterday, actually nagsigawan pa tayo,in case you forgot. Kentzi"

"Rayiah. Please listen"

"You think I'm not?"

Napabuntong hininga siya at tiningnan ako he even take one step closer.

"Katrabaho ko ang Kuya mo and I met you you caught my eyes. No actually you caught everyone's attention. Sinsusundan kita kahit saan. And I heard you're the skilled agent in your agency ginusto nilang maging partner ko si Veronica para patayin ka, pero believe me hindi ko tinanggap ang mission"

Tiningnan ko siya.

"Why?"

Inangat niya ang tingin niya sa akin. Akala ko sasagutin niya ang tanong ko pero nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at unti unting inangat ang tingin niya sa mga mata ko. Nakita ko na naman ng malapitan ang mala-abo niyang mga mata.

"Rayiah... I can't be by your side right now. Nagiging komplikado na ang lahat. Pero asahan mo when you need me. I will be there. Trust me. Please?. Alam kong mahirap pero trust me"

"Kentzi what are you talking about?"

"Malalaman mo rin lahat ng rason ko Rayiah. Just wait until I return"

Napailing ako kasi hindi ko siya maintindihan.

"Kentzi"

"Take care..."

Matapos niya yung sabihin inilagay niya sa kamay ko ang cellphone ko at umalis na siya.

Iniwan niya akong naguguluhan.

T H I R D   P E R S O N'S   P O V

"Yan na po ang mga litrato na nakuha namin sir Johnny" isang kapapasok pa lang na babae ang nagbigay ng isang envelope na naglalaman ng napakaraming litrato ang inilapag niya sa mesa.

"Malinaw?" Tanong ni Johnny sa babae.

"Oo naman. Asan na ang pera?" Inilahad pa ng babae ang maputing palad niya sa harapan ni Johnny.

Binuksan ni Johnny ang drawer sa desk niya at kitang kita ang pag-aasam sa mga mata ng babae pero nagulat siya ng tutukan siya nito ng baril.

"Salamat dito ha?  Jina" bang!

Umalingawngaw sa loob ng kwarto ang pagputok ng baril at pagbagsak ng katawan ni Jina sa sahig at dumaloy ang dugo sa sahig ang dating puting dugo nito ay naging pula na.

"Kawawang Jina" natatawang banggit ni Johnny ilang minuto rin ay nilinis na ang loob ng kwarto.

Binuksan niya ang envelope at nakita ang mga litrato.

"Sabi ko na nga ba. Kentzi. Tsk tsk sayang kang bata ka" hawak hawak niya ang litrato ng isang binata habang nakahawak sa kamay ng isang dalaga.

"Santiago's ano ba talaga ang meron sa inyo?"

She is The Mafia's Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon