The Princess and The Butler
"Oh bili na kayo ng tsinelas dyan! Ate mura lang to oh! Matibay pa!"
Alok ng isang babae sa mga napapadaan sa kahabaan ng Divisoria. Natigil lang sya ng makitang may nakatapat sa fishball cart na pagmamay-ari nya.
"Ate, pabili po ng limang pisong fishball."
"Limang piso ba? Singkwenta centimos ang isa tumusok ka na lang. Sweet sauce or spicy?"
Matapos mapagbilhan ang dalagang customer ay binalingan nya ang babaeng napili sa mga paninda niyang tsinelas.
"Ate! Ano bibili ka na ba? Anong size mo? Anong kulay gusto mo?"
"Hindi ako makapili eh." Pagsagot nito.
"Hmm..mas bagay sayo pink ate, mas gaganda ang mga paa mo. Bagay sa maganda mong mukha." Pambobola pa nya kaya't sa tuwa ng ale ay bumili ito ng dalawang pares ng napili nyang kulay at disenyo.
"Salamat." Binigyan nya lang ito ng ngiti at nagpatuloy sa pagtitinda.
Ganito ang buhay ni Kailee Amia Bueno, sa edad na 20 years old ay kumakayod na sya para sa sarili. Hangang third year college lang ang kanyang nakuha at hindi na natapos ang kursong Accountancy dahil sa kawalan ng pera.
Mas pinagtuunan nya kasi ng pansin ang pampagamot sa kanyang ina ng magkasakit ito at ang kanilang kakainin sa pang-araw araw. Hanggang sa nawala ito at naubos din ang kanyang ipon para sana sa pagpapatuloy sa pag-aaral ng ilibing ang kanyang ina.
Ang natira lamang sa kanya ay ang ginawa nyang puhunan para sa kanyang mga paninda. Pinapaubos na lang nya ito dahil balak naman nyang lumipat sa pagtitinda ng mga parol dahil papalapit na ang buwan ng disyembre at naging permanent na sya sa pinapasukang tindahan bilang helper.
Tinuruan kasi sya ng kanyang kaibigan na sumali sa isang livelyhood program kung paano gumawa ng parol. Wala sya halos magiging gastos doon kundi panali dahil gawa sa scrap materials ang magiging tema ng kanyang mga balak gawin.
Natapos ang araw ni Kailee na masakit ang buong katawan dahil sa buong araw na trabaho. Kaya nais nya sana na sa pag-uwi ay diretsyo tulog na sya.
Agad syang nagligpit at tulak-tulak ang fishball cart nya pauwi sa kanyang inuupahan na bahay. Maliit lang iyon at tama lang sa kanya. Kaibigan ng kanyang yumaong ina ang landlady kaya't mabait ito sa kanya.
Sampung hakbang mula sa kanyang inuupahan na bahay at napatigil sya sa paglalakad dahil sa pagtataka.
May dalawang magagarang kotseng itim ang nasa harapan ng apartment at tig-lima ang mga lalaking nakasuot ng black suit ang nakatayo sa tabi ng mga sasakyan.
Ang isang may katangkaran ay seryosong kausap si Aling Jenna, ang landlady ng apartment na kanyang tinitirhan.
Nagtama ang kanilang tingin ng ale at napansin naman ng lalaking kausap nito ang direksyon na tinitignan ng ale.
Gustong mapanganga ni Kailee sa nakita. Ang gwapo ng lalaking matangkad, kahit malayo ay nakikita nyang ang tangos ng ilong nito at kahit madilim ay may aura itong makakapagpakilig sa mga kababaihan.
She was still gawking at the guy standing few steps away from her ng bigla itong tumingin sa kinaroroonan nya. Saka lang sya umayos ng tayo at inayos ang mukha.
Maya-maya ay naisipan na nyang lumapit sa apartment para makauwi na't makapagpahinga.
Tama nga sya. Hindi lang gwapo ang lalaki kundi mabango din ito. Mahahalata mong mamahalin ang pabangong gamit maging ang suot nitong itim na suit na akala mo ay hinulma para sa katawan talaga nito.
Yumukod sya ng bahagya kay Aling Jenna at sa lalaking kaharap nito. Sa pagkaka-alam nya ay wala syang lahing koreana o hapon pero nakasanayan na nya ang pagyuko sa mga nakakatanda o sa mga bagong kakilala.
"Magandang gabi po Aling Jenna, mukhang may bisita kayo ah? Sige po, pasok na ako't ng makapagpahinga." Sabi nya sa matanda at ng ngumiti na ito ay ginawa nya iyong senyales para umalis na ngunit nagsalita ang lalaking kaharap nito.
"Excuse me young lady. But I would like to speak with you." Saad ng lalaki na ikinatigil nya. Tinignan nya ito at nanatili lang naman na nakapoker face ito at halata sa mukhang hindi ito mahilig magbiro.
Nakakunot ang noo na tinuro nya ang sarili saka napatingin kay Aling Jenna.
Ngumiti lang din naman ng alanganin ang matanda."Ako? Bakit? Anong kailangan mo sakin?" Tanong ni Kailee
"I was sent here by Mr. Magnus Park to rely his message to you."
Natawa naman ako.
"Psh~! Mr. MIB, wala akong kilala na Magnus Park at sa pagkakatanda ko ay wala akong napagkakautangan na may ganoong pangalan dahil kay Aling Jenna lang ako nakakahiram ng pera minsan. Baka namali lang kayo ng address." Sabi ni Kailee ngunit wala namang reaksyon ang lalaki at nanatili itong nakapoker face pa rin.
Naglahad ito ng isang kwintas na may pendant na kalahating puso. Agad syang napahawak sa may bandang dibdib kung saan dama nya ang pendant ng kanyang kwintas. Akala nya ay nahulog ito. Gawa din kasi ito sa ginto na agad ikinalaki ng kanyang mga mata ngunit bumalik ito sa pagkakakunot ng kanyang noo.
"I believe that this is the other half of your necklace am I right Ms. Bueno? Or better call you Ms. Park."
"Park? I don't know why you have that pero hindi naman ako sigurado na iyan nga ang kapares ng kwintas na meron ako. Malay ko ba, baka pinagawa nyo lang iyan."
"That would be impossible because this necklace was made just for the sole owners. I suggest you to come with us for you to understand the whole situation."
Naguguluhan si Kailee. Simula pa lang ng ibigay sa kanya ito ng kanyang ina noong mag first year highschool sya ay alam na nyang mahalaga ito at nagkakahalaga ng presyong makakapagpakain sa kanila. But she didn't tried to sell it o kahit ipasanla dahil importante ito sa kanya.
She was confused at first dahil kalahati lang ito ng isang puso. Akala nya ay ganoon lang talaga ang disensyo noon at wala itong kapareha. But hearing what this handsome man was telling her. She can't help but to be curious.
Pero hindi sya nagpatalo. Malay ba nya na baka manloloko ang mga ito kahit malayo sa mukha ang pagiging mang-gagantyo.
"Situation? Anong situation? Walang ganon. Kaya umalis na kayo dahil gusto ko ng magpahinga. Sa iba nyo na lang itry ang panloloko na iyan. Gabi na. Magsiuwi na kayo."
Sabi ni Kailee at itinulak na papasok ang kanyang fishball cart ng pigilin sya ng lalaki sa pamamagitan ng pagkahawak sa kanya nito sa braso.Napasinghap si Kailee dahil sa lapit nilang dalawa ngunit ang tangi lang naman nyang nakikita ay kung gaano ito kaseryoso at tila nawawalan na ng pasensya.
"Listen here young lady. I have so many things to do and you are just one of them. We have been searching for you for so many years and YOU. NEED. TO. COME. WITH. US because your father needs YOU."
Agad na lumukob ang inis sa sistema ni Kailee dahil sa narinig at inalis nya ng marahas ang hawak nitong braso.
"Hindi ako sasama sa inyo noh! Kahit---Hoy! Ibaba mo ako! Hooooyyy!!!! Tulong! Kidnap! Aling Jenna!!!!!!!!!"
Binuhat na sya ng lalaki na parang sako ng bigas at pilit namang kumakawala si Kailee dito habang pinagsusuntok ang likod ng gwapong lalaki na bumuhat sa kanya.
"Thank you for your cooperation Mrs. Santos, one of my men will give you Ms. Park's corresponding payment during her stay here. Goodnight." Saad ng lalaking may buhat sa kanya kay Aling Jenna na walang nagawa kundi tumango.
Dala na rin ng sobrang hilo at pagod ay kinain na lang sya ng dilim at hindi na naka-angal pa.
BINABASA MO ANG
The Princess And The Butler [Completed]
ChickLitKailee is a simple girl living on her own. Kailangan nyang rumaket at magdoble kayod sa pagtitinda ng kung anu-anong legal na paninda para mabuhay. Mag-isa na lang sya simula nang mamatay ang kanyang ina at ni walang kapatid na kasama. She has one...