Forty Five

25.7K 469 18
                                    

Planned

Third Person's POV

Parang nanalo sa lotto ang mga taong nasa loob ng board room ng matapos ang video call nila sa dalaga.

"We did it!" tuwang-tuwa na saad ni Mrs. Vico at nakipaghigh five pa kay Mr. De Guzman na nasa katapat nito and others did the same.

Apparently the board members whom their employees think that are too serious when it comes to business ay pare-parehong may taglay na kalokohan sa katawan. Kaya sila lalong nagkakasundo.

Naiiling na nangingiti na lang si Magnus sa kalokohan nilang matatanda. Siguradong kapag nalaman ng anak nya ang totoo ay baka magtampo pa sa kanya iyon at hindi sya kausapin. But as a father, alam nya at kilala nya ang dalaga, pati na rin ang kung anong gusto talaga nito na kahit itanggi pa ng anak ng ilang beses, alam nyang mahal pa rin nya ang binata na pasimuno ng pakulong ginawa nilang members of the board.

"Is everything settled Alex?" tanong ni Magnus sa lalaking katabi na bakas ang saya sa mga mata pero may kaba pa rin ang mga iyon.

"Yes tito, but even if she agreed, I am still in doubt kung mahal pa rin nya ako after all these years. I've hurt your daughter, baka sa nakalipas na panahon, natuto na syang magmahal ng iba, at hindi ko siguro kakayanin kung hindi nya ako matanggap bilang mapapangasawa nya." kabadong sagot ng binata.

Napangiti naman si Magnus sa kanyang isipan dahil hindi naman nya sinabi kay Alex ang nararamdaman ng dalaga kaya't nananatili itong clueless. He had helped him enough sa plano nitong pakasalan ang kanyang anak, kaya hahayaan nya muna itong kabahan patungkol sa nararamdaman ng dalaga.

Tulad ng ipinangako ni Alex two years ago, he promised to himself that he would do everything para lang makabawi sya sa dalaga, but since she's in korea at nasa Pilipinas sya, hindi sya sumunod para bigyan ng space ang dalaga, but he sent her flowers and boxes full of the things that remind him of those times that they're together. He stopped after a year dahil naging abala sya ibang bagay, isa pa, plinano nya talagang ipadala ang box na huling natanggap ng dalaga dahil iyon ay ang pinakahuling simbolo para sa nakaraan nila, sana lang ay sundin sya nito na buuin ang puzzle pieces na kasama sa box na pinadala nya pagkauwi nito.

He never stopped loving her, mas lalo pa iyon lumalim kahit na magkalayo silang dalawa, every occasion in Kailee's life ay pinapadalhan sya ng picture ni Magnus, tiniis nya ang hindi pagpunta sa korea para makita ito kahit na gustong-gusto na nyang mayakap at makausap ang dalaga.

Matyaga syang naghintay at mas pinagtuunan ng pansin ang mga plano nya. He formally asked Magnus a month after Kailee decided to stay in Korea and told him his plans. Dahil botong-boto ang ama ni Kailee sa kanya at kilala na sya nito ay hindi na sya masyadong nahirapan pa sa pagkuha ng basbas nito.

But Magnus told him to wait, to wait for Kailee to grow on her own na hindi naman nya tinutulan, iyon din naman ang gusto nya para sa dalaga na tingin nya ay nagawa nito dahil ibang-iba ang Kailee na nakita nya kanina sa video call.

She looks more mature, and beautiful, and smart. He can't help falling in love with her all over again.

Kinuntsaba ni Alex at Magnus ang board members na game na nakicooperate. Idinahilan lang nila ang terms of condition nila sa pagtatalaga kay Kailee bilang bagong CEO ng kumpanya para mapapayag ito. They were supportive with the plan since they also want the woman to achieve her own happiness, marami na ang nagawa ni Kailee sa two years na hinawakan nito ang branch nila sa Korea, their empire became more well-known at mas tumaas ang sales and ratings nila. Because honestly, ang branch nila sa korea ang mas hindi napagtutuunan ng pansin at nasa panghuli ito sa listahan when it comes to all their branches, pero ng hawakan ito ng dalaga ay umusbong pataas ang ratings nito.

The Princess And The Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon