Thirty Two

23.9K 578 38
                                    

Park Empire

Kailee's POV

Monday, balik na sa klase, pero dahil malakas si tatay sa may-ari, may-lupa at president ng university ay excused ako.

Ngayon ang araw na ipapakilala ako sa kompanya ni tatay at nagulat pa ako kaninang umaga ng makita si Ms. Mariella at Ms. Molly sa kwarto ko.

"Hindi po ba pwedeng wag ng maghigh heels?" Tanong ko, sumusubok na makatakas sa pagsusuot ng di-takong na sapatos.

"Na-ah-ah dear, dapat pagpunta mo doon ay confident ka, trust me dear, nakakatulong ang mas matangkad ka sa kanila."

Napapoker face ako, hindi naman ako maliit ah?

Nakita yata ni Ms. Mariella ang reaction ko kaya inirapan nya ako ng pabiro.

"I was joking dear. You should have laugh at my joke. Anyway, put this on, and this too. Chop chop!"

Sabi nito habang ibinibigay sa akin ang isang dress at pair of heels.

Dahil nakapaligo na naman na ako ay isinuot ko na lang. I look at myself using the mirror na nasa loob ng walk in closet ko.

Ayos lang, medyo hindi na ako naninibago dahil nasanay na rin akong nakadress at nakatakong, pero sadyang hindi ko lang hilig ang matatas na sapatos kaya madalas ay nags-sneakers ako na bumabagay naman sa mga sinusuot ko.

Naupo ako sa upuan at isinuot din ang high heels. Nang maisuot ko ay tinignan ko ulit ang sarili sa salamin.

Napahawak ako sa kwintas ko na galing kay nanay, hinawakan ko ito at napangiti ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napahawak ako sa kwintas ko na galing kay nanay, hinawakan ko ito at napangiti ako. Hindi ko na inaalis ito sa akin simula ng tumungtong ako sa mansyon.

Kapag kasi suot ko to, feeling ko ay kasama ko si nanay. I wonder kung nasaan ang kalahati nito, last na kita ko kasi ay na kay Steven, noong nagpunta sila sa apartment para kunin ako.

Nagkibit balikat na lang ako at inayos ang bracelet na suot.

Iyon lang ang accessory ko sa katawan saka ako lumabas.

"Take a walk Kailee, like how I taught you." Sabi ni Ms. Molly at tumango ako't naglakad ng diretsyo patungo sa kanila.

I walked with confidence pero sigurado akong mamaya ay sa loob-loob ko ay kinakabahan ako.

"Beautiful! Now put the things you need here, and perfect!" Sabay abot sa akin ni Ms. Mariella ng sling bag na paglalagyan ko lang naman ng cellphone, wallet at maliit na journal kung sakaling kailangan ko ng magnotes.

Pero alam kong malabong magsulat ako ng kung ano dahil ipapakilala at itu-tour lang ako ni tatay sa kompanya, ipapakita ang basics at tapos na.

Saka sa sobrang kaba ko ay siguradong hindi ko magagawang makapagsulat.

The Princess And The Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon