Five

27.2K 619 0
                                    

Just for Tonight

Kailee's POV

Patuloy lang kaming naglalakad at napatigil na naman ako sa tapat ng saradong gate ng college academy na palagi kong nadadaanan paguwi.

"Why did you stop?"

"Wala naman." Sagot ko na lang saka nagpatuloy ulit sa paglalakad.

Nakakamiss kasi mag-aral.

"So, ikaw ang butler sa mansyon?" Tanong ko dahil mahaba-haba pa ang lalakarin namin at nakakainip na walang maingay.

"Yeah. I manage everything that concerns the house." Sagot nya.

Tumango ako kahit hindi ako masyadong naniniwala. Ewan ko, tingin ko kasi ay may 'something more' pa sa kanya maliban sa pagiging isang butler.

"I know that I'm not supposed to say this, but I think you should give him a chance to be a father to you."

Napatigil ako sa paglalakad, saka tumuloy ulit. Kilala ko na kung sinong him.

"Saka na kapag nalaman ko na ang resulta." Sagot ko na lang.

"Well, I'm sure that it was positive. Besides, didn't you felt that--what do they call it in tagalog? Ah! Lukso ng dugo?"

Madaldal yata sya ngayon ah?

"Kung gusto mo ng honest na sagot. Oo, naramdaman ko. Pero mahirap umasa na sya nga ang tatay ko hangga't hindi ko nakikita mismo first hand na sya nga ang ama ko. Besides, it's not that easy." Sagot ko.

Kung ibang tao siguro ang nasa kalagayan ko ay wala ng tanong tanong dahil halata naman na kaya nyang ibigay ang lahat ng gugustuhin mo.

Pero hindi pera o kayamanan ang pinaguusapan dito kundi ang katotohanan na buhay nga ang ama ko.

All my life, wala akong kinagisnan na ama. Tuwing tinatanong ko si nanay ay wala syang maisagot sa akin dahil wala din syang maalala. Namuhay ako na basta may nanay ay okay na.

Hindi ako naghanap ng iba, kasi ang pagmamahal na ibinigay sa akin ni nanay ay sobra sobra na. Inisip ko rin noon na kung wala akong tatay, marahil siguro ay patay na o kaya ay iniwan na kami para sa dahilan na hindi ko na piniling malaman.

Kaya hindi ko alam ang mararamdaman kung sakaling totoo nga. Nung una ko ngang nalaman, nagulat ako at hindi makagalaw, paano pa kaya kung totoo na talaga?

Halu-halo na siguro, lito, tampo, galit, kalungkutan. Ewan ko. Siguro kung totoo ngang sya ang ama ko, hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang rason nya kung bakit wala sya sa tabi ko sa mga nakalipas na panahon, sa tabi namin.

Natigil ako sa pagiisip ng maramdamang may pumatak sa aking noo. Pagtingin ko sa langit ay umaambon na.

"Hoy! Tara na! Umaambon! Bilis!" Sabi ko at nakita ko na ang eskinita na dadaanan namin kaya tumakbo na ako.

Nakita kong nauna pa sya sa aking tumakbo papasok hanggang sa makarating kami sa bahay.

"Sige, dito na---"

Biglang lumakas ang kaninang ambon at naging ulan kaya wala akong nagawa kundi papasukin sya sa apartment.

"Pasok! Bilis! Mababasa ka oy!" Sabi ko at hindi na sya nakapagsalita at pumasok na nga.

"Hoo! Tumawag ka na lang sa kakilala mo na susundo sayo. Hindi ka pwede dito---"

"There's no signal."

Napapoker face na naman ako kaya wala akong nagawa kundi kumuha na lang ng twalya at isa pang extra para sa masungit na bisita ko.

"Hay nako. O ayan, wag kang magkakamaling pumasok sa kwarto ko kundi uupakan kita! Magpalipas ka lang ng oras hanggang sa huminto ang ulan at umalis ka na. Wala akong maipapakain sayong pangmayaman na pagkain kaya magtiis ka. Okay?"

Dire-diretsyo kong sabi at wala na lang syang nagawa kundi tumango. Lalo lang kasing lumalakas ang ulan at tingin ko ay matatagalan pa bago sya makaalis.

Kahit naman din binantaan ko sya, alam kong wala syang gagawing masama. Saka lagot sya sa, sa, sa. Basta!

"I don't have any plans on doing what you're thinking, so don't worry."

Sabi nito saka kinuha ang twalya sa akin at ipinantuyo sa buhok.

Nag-init na lang ako ng tubig at nagpunta sa kwarto para kumuha ng damit panligo at lumabas ulit saka nagpunta sa maliit na banyo ng bahay.

----------------

Gabi na pero hindi pa rin talaga ako makatulog. Naisipan kong uminom ng tubig para makalma. Iniisip ko pa rin kasi yung sinabi ni sungit kanina.

"Give him a chance to explain his side, and you can do that by accepting first that he is your father. Believe me when I say that he didn't want to loose you."

Tinignan ko ang inuupuan nya kanina pero nakita kong wala na sya. Tumigil na rin pala ang pag-ulan ng hindi ko namamalayan. Sakto naman na may nakita akong papel sa lamesa.

"I'll be back tomorrow morning. Don't leave this house not until I come back."

Pagbasa ko sa sulat nya. Napabuntong hininga na lang ako at uminom ng tubig saka bumalik sa maliit kong kwarto at natulog.

This time nagawa ko na. Nakatulog na ako ng hindi namamalayan.

The Princess And The Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon