Six

27.7K 611 7
                                    

The Result

Kailee's POV

Dalawang araw ang lumipas at palagi pa ring nakabantay sa akin si sungit. Ihahatid nya ako sa umaga at mauupo sya sa may tindahan para magbantay at ihahatid nya rin ako sa gabi saka aalis ng bahay at uuwi sa mansyon. Ganoon lang at hindi na kami nag-uusap dahil wala din naman kaming paguusapan pa.

Pero iba ngayong araw.

Tapos na akong magbihis at maligo matapos gumawa ng mga parol kaninang madaling araw, hindi kasi ako makatulog kaya ang mga materyales na binili ko kahapon ay ginawa ko na kanina.

Ewan ko ba, siguro dahil deep inside ay excited din akong malaman ang resulta ng DNA test.

Nagkakape ako ng may kumatok sa pinto, binuksan ko naman dahil siguradong si sungit iyon, at tama nga ako.

"Pasok ka." Iyon lang ang sinabi ko at tumuloy naman sya, akmang hihigop ulit ako sa kape ko ng magsalita sya.

"I have the results." Napatingin ako sa kanya ng nanlalaki ang mga mata.

Hanep! Iba talaga kapag may connections at pera, mabilis lahat. Doon ko lang napansin ang suot nya, nakasuit na sya ngayon at malayo na ulit sa simpleng tshirt at jeans na palagi nyang suot sa dalawang araw na pagbabantay nya sa akin.

Leather shoes na ulit ang suot nya at hindi rubber shoes, slacks na at hindi jeans. Pero gwapo at mabango pa rin.

Napailing na lang ako sa iniisip ko, kung naririnog siguro ako ngayon no sungit, nakangisi na ito ng mapangasar. Iyon lang naman ang nakikita ko sa kanyang expression sa mukha maliban sa pagkapoker face eh.

"Mr. Park haven't read that, as you can see it is still sealed and unopened for you to read it first." Sabay lagay nya ng envelope na kulay puti sa tapat ko.

Napatingin ako sa kanya saka sa papel, ibinaba ko ang tasa ng kape saka kp dahan-dahang kinuha ang envelope.

Ewan, para akong nasa contest at kinakabahan ako. Napapalunok ko pang pinilas ang itaas na bahagi ng envelope saka kinuha ang nakatiklop na papel sa loob.

"Based on our analysis and the biostatistical evaluation, it is practically proven that Mr. Magnus Park is the biological father of Ms. Kailee Amia Bueno...."

Pagbasa ko sa isip ko ng nakasulat na conclusion sa papel na aking hawak.

Parang ayaw magfunction ng utak ko, hanggang sa nanlabo ang mga mata ko at hindi ko alam kung bakit. Doon ko naaninag ang isang kamay sa tapat ko na may hawak na panyo.

Nag-angat ako ng tingin at tinignan si sungit na nakapoker face pa ring nakatingin sa akin, pero pag tinignan ang mata nya, nakita kong lumambot ang ekspresyon dito na hindi ko mawari kung para saan.

Kinuha ko na lang ang panyo at ipinunas agad sa mga mata saka sumisinghot-singhot na tumayo't inilagay ang pinagkainan sa lababo saka hinugasan.

Pero parang nananadya yata dahil pansin kong patuloy akong lumuluha habang naghuhugas ng mga pinggan. Grabe! Hindi naman ako iyakin ah?

"Accept it Kailee, he is your father and there's nothing that could change that. Hear his side of the story." Kalmadong sabi nya kaya napatigil ako.

Huminga ako ng malalim saka tinapos agad ang mga hugasin.

"Oo na. Pero may trabaho pa akong dapat asikasuhin kaya sa susunod na lang siguro." Sabi ko pagkaharap ko sa kanya.

"I believe you can't do that, 14 years of waiting is already enough. Now that you already confirmed the truth, you must pack your things immediately and we'll move it to your real house, your real home."

Gusto ko mang tumutol pero parang wala akong lakas na makipagtalo. Kaya sinunod ko na sya for the first time at hindi na ako umangal pa.

Ang pinaempake lang nya sa akin ay mga mahahalagang gamit ko na hindi ko maaaring iwan. Ang mga tauhan na daw nya ang bahala sa mga gamit ko dito at sila na din ang magdadala sa mansyon ng nga ito.

Dahil wala naman akong masyadong madaming damit at personal na gamit ay mabilis akong natapos. Kinuha ko ang nag-iisang picture namin ni nanay na meron ako saka inilagay sa ecobag kung saan nandoon ang mahahalaga kong papeles. Nang mapatapat ako sa maliit na salamin sa kwarto ay doon ko nakita ulit ang kwintas na nasa leeg ko.

"Ito ba dahilan nay? Kaya ba masyado itong importante sayo dahil ito ang magiging koneksyon ko sa ama ko?" Tanong ko sa kawalan kahit alam kong wala naman sasagot sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako at lumabas na dala-dala ang mga gamit.

Nagulat ako ng may makita akong tatlong lalaki na mukha ring men in black at abala sila sa paglalagay ng mga gamit ko sa mga kahon.

"Sino sila?" Kunot noong tanong ko kay sungit na abala sa pagtatype sa cellphone nyang pwede ko ng ipangkain sa isang taon.

Magkano kaya ang sweldo ng pagiging butler?

"Guards. Let's go." Sabi nya at kinuha na nya ang nagiisang travelling bag na dala ko at lumabas kami ng bahay.

Doon ko nakita si Aling Jenna na maluha-luhang nakatingin sa amin. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.

"Mamimiss ko kayo Aling Jenna, hayaan nyo, bibisitahin ko kayo dito." Sabi ko ba medyo naluluha na rin. Sya na kasi ang tumayo kong ina noong nawala si nanay.

"Ano ka ba, dapat maging masaya ka dahil alam kong ito ang gustong mangyari ng inay mo noon pa man. Ang makita kang nasa ayos na kalagayan." Sabi nya na ikinaluha ko kaya yumakap na lang ako sa kanya na parang bata at lumabi.

Tinapik nya ang balikat ko kaya humiwalay na ako sa pagkakayap.

"Osya, magiingat ka ah? Subukan mong buksan ang puso mo para sa ama mo. Mahalin mo din sya tulad ng pagmamahal mo sa nanay mo. Bigyan mo sya ng pagkakataon okay?" Sabi nya at tumango ako saka nagpaalam na ng tuluyan.

Pumasok na ako sa nakabukas na pintuan sa likod na hawak ni sungit. Infairness naman kasi sa lalaking ito ay gentleman. Pero masungit pa rin sya.

Hay nako.

Isinara ni sungit ang pinto at sumakay sa kabilang side ko, doon ko din nakita ang dalawang men in black sa unahan at sinabihan na ni sungit ung driver na umalis na.

Nakalabi akong tinanaw ng tingin ang dati kong tinitirhan hanggang sa lumiit na ito ng lumiit sa aking paningin.

→→→→→→→→→

Naramdaman kong bumagal ang takbo ng sasakyan kaya nalingat ako sa pagkakaiglip. Papasok pala kami sa isang subdivision at ng umandar ulit ang sasakyan sa normal na takbo ay hindi ko maiwasang mapanganga sa mga naglalakihang mga bahay na nadadaanan namin.

Ilang oras pa ay tinahak ng kotse ang isang daan na may mga puno sa magkabilang gilid, hanggang sa huminto kami sa isang mataas na bakal na gate. May pinindot na kung ano sa maliit na box sa may driver side ang driver na kasama namin hanggang sa automatic na nagbukas ang gate at nagdire-diretsyo kami sa loob.

"Kanino bahay ang pinagdalhan mo sa akin dati? Hindi ba iyon ang bahay ni Mr. Park?" Kunot noong tanong ko kay sungit na tahimik na nasa tabi ko.

"No. That house was only Mr. Park's rest house." Sabi nya at naramdaman kong tumigil na ang sasakyan.

Lumabas si sungit sa side nya at nagbukas naman ang pinto sa side ko. Isang men in black pala ang nagbukas at paglabas ko ay inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng bahay.

Mali, mansyon pala. Sa sobrang ganda at sobrang laki ng mansyong nasa harapan ko ay hindi ko napansing nakanganga na ako't natikom lang ito ng itaas ni sungit ang baba ko para isara ang bibig ko.

Napatingin ako sa kanya na naiiling. Inirapan ko naman sya't tinignan ng masama na hindi nya na lang pinansin.

"This is the main house, and this will be your new home." Pagsasalita nya na ikinapikit ng mga mata ko.

Hindi ko alam kung handa ako sa papasukan ko. Pero isa lang ang alam kong mahalaga ngayon, at iyon ang makausap ang ama ko.

The Princess And The Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon