Special Chapter Five

22.2K 504 74
                                    

C: This is the last special chapter, again, I want to thank you for reading Alex and Kailee's story. Sana ay natuwa kayo sa storya nila kahit papaano.

---------------

Alex and I have been married now for twenty eight years. It was a marriage full of happy moments and sad ones that gave a lot of lesson for us and to our family.

Si Stephen na ang syang namamahala sa kompanya. I chose my husband to take the job for me ng ipasa na ni tatay ang posisyon nya bilang presidente ng kompanya, kaya ngayon ay full-time wife and mother na ako sa amin.

Park Empire has been at the top, kung noong kami ni Steven ang humawak nito ay nasa rurok na ito ng tagumpay, mas umangat pa ito lalo ng si Stephen na ang humawak ng kompanya.

Our name has become a legend in the the business industry na syang ikina-proud ni tatay sa kanyang apo.

Aliah is now twenty two years old, abala sya sa pag-aaral ng medisina sa ibang bansa kaya't namimiss ko na rin ang dalaga namin. But I am proud of her, kahit pa nasaktan sya sa kanyang nakaraan, I can say that she is a tough woman para magawa nyang magpatuloy sa buhay. She was a wrecked before she left the country, kung pwede nga lang na kunin ko ang sakit na nararamdaman nya ay ginawa ko na pero what can I do?

All I could give for her is my support and my love. My shoulders when she needed to cry. My hands to tap her back, at alam kong wala na akong ibang magagawa pa para alisin ang sakit sa kanya dahil sarili nya ang makakatulong sa kanya. Seeing her improvement now, I am glad that she's finally keeping up.

Masaya ako at natupad nilang lahat ang pangarap nila. Cleven became more famous at isa sya sa mga inaalala ko ngayon. Masyadong matindi ang charms ng anak ko na minsan ay magugulat na lang ako't tatawag ang security namin na may naghahanap sa kanyang mga babae that wants to tell me na buntis daw sila at si Cleven ang ama.

My goodness.

Pero all in all, wala pa namang nakakasungkit sa kanya, that, is what he always says kapag tinatanong namin sya ng daddy nya. Pero dahil dumaan na din ako sa edad nya, I know that someone already has my son's heart.

"Mom, why don't you go for a trip with dad? Si kuya na naman ang bahala sa negosyo and it's your wedding anniversary tomorrow." sabi ni Cleven sabay nguya ng cake na kanyang kinakain.

Inirapan ko ang anak ko at sinapo ang magkabila nyang pisngi, he's twenty one and already graduating in college pero kung itrato ko silang magkakapatid ay parang mga baby ko pa rin. I miss the times when I can still carry them in my arms.

"Not so fast my son, kailangan kong mamonitor ang mga pinag-gagagawa mo and leaving the country will give you a lot of opportunities to do whatever comes into your mind. Besides, hindi ko bati ang daddy mo! Nagtatampo pa rin ako dun!" sabi ko na napasimangot na sa huli kong sinabi. Kami lang dalawa ngayon sa mansyon dahil hindi ko sila hinayaan na bumukod sa amin na magkakapatid. Well, ofcourse, except for Aliah na nasa States ngayon. Gusto ko kasing kahit busy ang schedules nila, I want to make sure to see them by the end of the day.

Besides, it will be lonely if kami lang dalawa ng asawa ko. Speaking of, lalo akong napasimangot at naupo sa tabi ng anak ko't nakikain din ng cake.

Nagkaroon kasi kami ng hindi pagkakaintindihan kahapon. I told him to buy me some chocolate brownies from Ari's bakeshop and yet hindi nya ginawa, sounds childish pero gustung-gusto ko lang talagang kumain noon. He went home without it kaya ayun, hindi ko sya pinatulog sa kwarto namin, since he was so tired and all from work ay nagkasagutan din kami and all.

Nakonsensya naman ako dahil nga pagod sya sa trabaho and I should understand that he forgot it since tumatanda na rin naman kami, kaya nga gusto kong humingi ng pasensya sa kanya so I cooked his favorite food and yet, ang loko, narinig ko kaninang umaga na may kausap sa telepono at all smiles pa!

The Princess And The Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon