Twenty Eight

23.6K 577 12
                                    

Bliss

Kailee's POV

"Bakit tingin ko ay couple phone ang meron kayo?" Nanliliit ang mga matang tanong sa amin ni Aidan.

Napatingin ako sa cellphone ko at cellphone ni sungit na kasalukuyang abala sa pagtetext, or should I call him Alex dahil hindi na sya masungit? Pero I think mas gusto ko ang isa pang pangalan nyang Steven, or Steve.

Okay! I have decided, dahil hindi na sya masungit at nabawasan na naman na, I'll just call him Steven in my mind.

Anyway, hindi ko namalayan na nakatulog ako kahapon sa opisina nya, nagulat pa ako ng gisingin nya ako ng mga ala-sais para umuwi na. But so far, I enjoyed the little trip, may natutunan ako kahit papaano.

It's very funny na noong nakatulog ako sa opisina nya ay napanaginipan kong hinalikan ako ni Steven.

Ha! Like that would happen! Eh kahit naman hindi na sya masyadong masungit ay aloof pa rin sya.

He still has his walls build up. Kung baga, ang ginawa nyang harang ay may iba't-ibang layer at ni hindi pa ako nakakapasok sa pinakaharang.

Ah ewan!

"It's a promo Aidan." Sabi ko na lang to dismiss the topic. Nagkibit-balikat naman sya't ipinagpatuloy ang ginagawang report.

"Whatever, pero kahit sinong makakakita sa inyo ay mapagkakamalan kayong may relasyon. Nagseselos tuloy ako." Sabi nya habang abala sa pagsusulat. Napatingin naman ako sa bestfriend ko, nitong mga nakaraan nga ay hindi kami masyadong nagkakausap at nagkakamustahan dahil agad akong nauwi para sa lessons ko kay Steven. Pero hayaan na, babawi na lang ako.

Naramdaman kong napatigil si Steven sa ginagawa pero nagkibitbalikat din ito saka tumayo kaya napatingin ako sa kanya.

"I'll just buy something and I'll be back. Johnny and Piolo are at the back." Paalam nya kahit hindi naman kailangan at nagulat pa ako ng halikan nya ako sa pisngi saka umalis.

I was frozen at nanlalaki ang mga mata na napatingin kay Aidan, ramdam ko din ang mga kinikilig na tingin ng mga kapwa ko estudyane sa PLU.

Nakita kong umiling-iling si Aidan saka nya inilapit ang ulo sa akin at minwestra na ilapit ko din ang akin.

"Everyone thinks you're in a relationship here princess, he did that as a mark. So don't get your hopes up." Bulong nya sa akin at saka ako umayos ng upo.

Nakakaunawang tumango ako at binaliwala ang nararamdaman. We went back to what we're doing ng mapatingin ako kay Aidan.

"Aidan, pwede ka ba mamaya? Papasama ako bumili ng regalo kay tatay." Sabi ko.

"Sure, pasyal din tayo, tagal na kitang di nakakabonding." Sabi nya saka ako nginitian.

"Libre mo ah?" Sabi ko at natawa ako ng sumimangot sya.

"Mas mayaman ka sakin tapos ako pa manlilibre? Wow, hustiya naman!" Angal nya pero nagbelat lang ako.

~~

Later that day ay napagpasyahan naming pumuntang mall, sina Piolo at Johnny lang kasama kong bodyguard ngayon dahil ang sinabi ni Steven na babalik sya ay hindi na nya nagawa.

Sinabihan lang ako ni Piolo kanina na hindi na ito makakabalik.

Namasyal kami ni Aidan at nagbonding matapos mamili ng panregalo, it was fun going out with him at thankful talaga ako na meron akong kaibigan na tulad nya.

"How are you Kai?" Seryosong tanong nya habang nakaupo kami dito sa garden ng mall at pinagmamasdan ang mga taong napapadaan.

Alam kong seryosong usapan ang nais nya kaya sumagot din ako ng ayos.

The Princess And The Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon