Eighteen

23.4K 584 34
                                    

Jealous

Kailee's POV

"Gutom ka na ba? Kain na tayo gusto mo?" Tanong sa akin ni Aidan at ramdam ko din na naman ng nagugutom ako kaya tumango ako.

Nagugutom ako pero wala akong gana.

"Tara." Sabi ko pero umiling lang sya.

"Ihahatid kita sa designated seat natin tapos ako na kukuha ng pagkain." Sabi nya at tumango na lang ako.

Ewan ko ba, bigla akong nawala sa mood at alam kong napansin iyon ni Aidan.

Naupo kami sa mesang pabilog na malapit sa stage at saka umalis si Aidan para kumuha ng pagkain kaya naiwan na ako sa lamesa.

Then someone from behind kissed my head kaya napatingala ako, only to see my father.

"Hi tay." Sabi ko, nakangiting naupo naman si tatay sa tabi ko.

"Why are you alone here?" Tanong nya.

"Kasama ko po si Aidan, kumuha lang ng pagkain. Kayo po? Kumain na ba kayo?" Tanong ko.

"By Aidan, do you mean Mr. Palaez' son?"

"Yeap, bestfriend ko sya tay, bata pa lang kami." Paliwanag ko.

"Well, I'm glad to know that. Now that I think of it, hindi pa pala ako kumakain, sasabayan ko na kayo." Sabi nito at tumawag ng isang waiter na napadaan at nagpakuha ng pagkain.

Maya-maya ay nakabalik na si Aidan at saktong dumating na din ang pagkain ni tatay kaya nagsimula na kaming kumain.

"Hijo, I didn't knew that you know my daughter, at bestfriend mo pa?" Nakangiting tanong ni tatay kay Aidan.

"Well, it's a small world indeed tito, hindi ko din po inakala na kayo ang tatay nya." Nakangiting sagot ni Aidan na nasa kanan ko.

Natawa si tatay at tumango.

Nag-ehem ako para makuha ang atensyon ni tatay habang abala si Aidan ng may kumausap sa kanya.

"Nga pala tay, nasaan po si sungit?" Tanong ko na parang normal lang. Just to know where he went, baka alam ni tatay eh.

"Well, I saw him with Arianna awhile ago. Oh! There they are!" Sabi ni tatay sabay turo sa kinalulugaran yata nina sungit.

Pasimple akong lumingon sa likod ko at nakita sina sungit at isang maganda at sexy na babaeng naglalakad papunta sa direksyon namin.

Nakahawak pa si sungit sa bewang ng babae at hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng parang tumutusok sa dibdib dahil nakikita ko kung gaano sila kabagay sa isa't-isa.

"Mind if I join you sir?" Tanong ni sungit kay tatay.

"Oh come on Alex, just sit and eat with us." Sabi ni tatay kaya naupo ang dalawa sa dalawang upuan na natitira.

"Arianna, nice to see you." Sabi ni tatay at ngumiti naman ang babae na lalo nyang ikinaganda.

"It's nice to see you too sir, and congratulations to your company." Sabi nito at naupo ng ipagusod sya ng upuan ni sungit.

Wow, ang sweet.

"Thank you, by the way, this is my daughter Kailee Amia Park, anak, she's Arianna Gomez, Alex' se--"

Naputol ang sasabihin ni tatay ng umubo si sungit kaya napatingin kami sa kanya.

"Excuse me, she's my date sir." Sabi nito na nakatingin sa akin saka tumingin kay tatay.

Natigilan naman si tatay at tila may narealize.

"Oh, well, if you say so." Sabi na lang ni tatay.

The Princess And The Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon