Alexander's POV
"Stephen, I told you not to eat too much sweets, masama ang sobra anak. Plus, you're not drinking water after mong kumain." Sermon ng asawa ko sa five years old na panganay namin.
Stephen Kyle King was born on the same day as mine. Nakakatuwa at sumakto pa talagang parehas kami ng birthday ng panganay namin.
Natawa ako ng makitang sumimangot ang anak namin kaya lalo tuloy bumilog ang pisngi nya na parang siopao. When Kailee was pregnant with him, talagang may araw na ayaw nyang kumain ng ibang pagkain maliban sa puto seko na kulay puti.
There, now we're saying the same thing, ang pinagkaiba nga lang, ako sa kanya at sya sa anak namin na ayaw tigilan ang pagkain ng puto seko na bigay ng ninang Ari nya.
Maputi ang kutis ni Stephen na tingin ng asawa ko ay nakuha nito sa kakakain nya ng puting puto seko. Madalas mag-away ang anak namin at si Aidan dahil inaasar sya ng ninong nya na walking siopao dahil nga may pagkachubby ang anak namin at mabilog ang pisngi. He's an exact replica of me maliban na lang sa mga mata na nakuha nya sa asawa ko.
"Hey, love, kakain na tayo. Gigisingin ko lang ang prinsesa." My wife said saka umakyat sa second floor para kuhanin ang pangalawa namin.
Aliah Alexandria King is our second baby, she just turned one last February and this time, kahit baby pa lang ay kitang-kita ng kay Kailee naman nya nakuha ang feautures nya maliban sa ilong at labi which she got from me.
Natupad yung hiling ko na magkaroon ng mini version namin ng asawa ko and I couldn't contain my happiness ng lumabas sila sa mundo.
Maya-maya ay nakita kong bumaba na ang mag-ina ko, bitbit ni Kailee ang prinsesa namin na ng makita ako ay agad na nagpakarga.
"Pagkabata-bata mo pa may pinapaboran ka na." Biro ng asawa ko sa anak naming babae saka inatake ng kiliti kaya humagikgik ito.
"Dito na muna ako kay kuya siopao--ay!este kay kuya pogi. Love you baby." Paglambing ni Kailee at natawa kami pareho ng sumimangot ang anak naming panganay sa narinig ng matawag syang siopao.
"Let's eat?" I said and my wife started serving us the meal after Stephen lead the prayer.
Napangiti na lang ako dahil kahit anim na taon na kaming kasal, some things never changed.
Salitan kami sa pagbibigay atensyon sa dalawa dahil ayaw naming isipin nila na may mas lamang sa kanila. If I focus on Aliah, my wife will focus on Stephen, saka kami magpapalit para equal na atensyon at pagmamahal ang makuha nila. Sa ganoong paraan hindi nila mararamdaman na may mas lamang sa kanila, na may favorite kami sa dalawa.
Akmang susubo na ang asawa ko ng fried rice—which, by the way, is one of her favorite—ay napatakip sya sa bibig at napaduwal.
She gag once more at doon na sya dali-daling tumayo sa kinauupuan at tumakbo papunta sa malapit na sink habang takip-takip ang bibig.
"Just stay here kids, okay?" I said to my children at ng makita kong tumango si Stephen ay dali-dali ko ng sinundan ang asawa ko.
I gave her a glass of water after she vomit na wala namang laman.
I hugged her at saka hinaplos-haplos ang likuran para makalma.
"Here drink this first." Sabi ko and she did, matapos nyang uminom ay nagkatinginan kaming dalawa.
Ngumuso sya't isinandal ang noo sa aking dibdib.
"Here we go again. Hindi rin nasunod ung three years na pagitan na balak natin." Sabi nya kaya natawa na lang ako't iginiya sya pabalik sa lamesa kung saan nandoon ang mga anak namin.
BINABASA MO ANG
The Princess And The Butler [Completed]
ChickLitKailee is a simple girl living on her own. Kailangan nyang rumaket at magdoble kayod sa pagtitinda ng kung anu-anong legal na paninda para mabuhay. Mag-isa na lang sya simula nang mamatay ang kanyang ina at ni walang kapatid na kasama. She has one...