Everyday
Kailee's POV
Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng kwarto ko.
Tinignan ko ang paligid at napadako ang tingin ko sa lalaki di kalayuan na natutulog sa pang-isahang sofa malapit sa bintana ng kwarto ko at isang lalaking nakayuko at mahimbing na natutulog sa tabi ng kama ko.
Hawak nito ang kamay ko at hindi ko alam kung bakit. He looks peaceful while sleeping, napangiti na lang ako sa itsura nya.
Akala mo napakainosente at hindi gagawa ng masama pero kung magalit pag gising akala mo si Hulk.
Hinayaan ko na lang syang matulog dahil siguradong binantayan ako nito. Tinignan ko ang lalaking natutulog ng nakaupo.
I wonder why he's here?
Pero ng maalala ko na ng tuluyan ang mga nangyari kahapon doon ko mas naunawaan kung bakit sya nandito.
Napangiti ako ng bahagya pero may kasamang pait knowing that he cares. Siguro nakonsensya sa pagsigaw nya sa akin.
Alam kong kasalanan ko lahat kaya hindi ko magawang magalit sa kanya, if I just focused myself na alamin ang ibig sabihin nya ay makakalayo ako kaagad.
Hindi naman ako ganoon katanga, sadyang takot na takot lang ako kahapon kaya hindi makapagprocess ng maayos ang utak ko. At iyon ang gusto kong malagpasan ko.
I can't hide forever in a bulletproof house or in a soundproof room tuwing bagong taon o kaya naman ay kung sakaling—wag naman sana—maulit ulit ang nangyari.
I need to surpass this trauma para makapagfunction din ako ng maayos. Pero hindi ko naman siguro dapat madaliin diba?
I'll ask my father about it.
Ewan ko kung bakit yata tinamaan ako ng bait ngayon, hindi kasi ako nagalit ng sigawan nya ako. Oo, nasaktan ako, pero hindi ko magawang magalit. Kita ko sa mga mata nya kahapon ang sobrang pag-aalala, nagkatotoo yata yung wish ko na mag-alala sya sa akin kahit sa araw na iyon lang.
Kaya mas pipiliin ko na lang itatak sa isip ko na nag-aalala sya kahapon kaya sya ganoon na lang makasigaw.
Hindi na lang din muna ako lalapit sa kanya, ayoko ng umiyak, nakakasawa na ung kahapon.
Diba nga kakalimutan ko na sya? Kaya lalayo na talaga ako ng todo sa kanya.
Kakalimutan ko ng nagkaroon ako ng crush sa isang tulad nya.
Hindi kami bagay, ganoon na lang ang iisipin ko para mas masakit. Yung tipo ng sakit na gusto mong kalimutan na lang.
"Aidan.." tawag ko sa taong nasa tabi ko.
I should thank Aidan for always being there for me.
Mukha namang nagising sya at pupungas-pungas pang inilibot ang tingin at ng mapadako sa akin ay agad yata syang nagising.
"Kai! Buti gising ka na. May gusto ka ba? Masakit ba yung sugat mo?" Tanong nya na ikinangiti ko.
"Tubig." Mukhang naintindihan naman nya kaya agad syang nagsalin sa baso ng tubig mula sa pitsel na nasa side table ko.
Inalalayan nya akong makaupo at pinainom.
"Ba't ang sakit ng katawan ko? Di naman ako nakipagbugbugan kahapon?" Tanong ko ng nakakunot ang noo dahil ramdam ko ang bigat sa mga balikat ko.
"Nilalagnat ka po kasi mahal na prinsesa. At ikaw! Sa susunod na bibisitahin mo si tita ay isama mo ako."
"Aray!" Angal ko ng pinitik nya ang noo ko.
BINABASA MO ANG
The Princess And The Butler [Completed]
Chick-LitKailee is a simple girl living on her own. Kailangan nyang rumaket at magdoble kayod sa pagtitinda ng kung anu-anong legal na paninda para mabuhay. Mag-isa na lang sya simula nang mamatay ang kanyang ina at ni walang kapatid na kasama. She has one...