Thirty

25.7K 606 40
                                    

Fear

Kailee's POV

"Anak, ano nga palang gusto mo sa birthday mo? Do you want a party for your birthday? Yung iyo lang." Tanong ni tatay sa akin habang nakain kami ng hapunan.

Bakasyon kaya wala akong masyadong ginagawa, madalas din ang pagtuturo sa akin ni Steven na balik sa normal after what he said noong pasko.

Wala sya ngayon dahil may pinuntahan daw ito. Nakakagulat lang dahil hindi naging awkward sa pagitan namin, slight lang pala.

Pero itinatak ko na lang sa isipan ko na tungkol lang iyon sa regalo at hindi sa kung ano pa.

Hindi pa kasi ako pwedeng umasa. Sabi ko nga, may kailangan muna akong ma-achieve.

"Wag na tay, yung normal na ginagawa na lang po dito tuwing new year." Sagot ko at nakita ko syang tumango.

Kinon-firm ko kay tatay kung talagang January One nga ang birthday ko, he showed me my birth certificate at nakitang totoo nga. I told him my mother's decision at natuwa sya sa nalaman. Tugmang-tugma kasi na nagcelebrate ako sa talagang araw ng birthday ko kahit wala kaming kaalam-alam ni nanay noon.

Nakakatuwa lang din dahil parehong may kasabay na okasyon ang birthday namin ni tatay, sya pasko, ako naman bagong taon.

Pero kapag kasi kaarawan ko na, mas naaalala ko na bagong taon at hindi ang araw na ipinanganak ako. Mas tumatatak kasi sa akin yung tunog ng paputok tuwing bagong taon na lagi kong kinatatakutan.

Ganoon siguro talaga, kung ano yung kinatatakutan mo, magmamarka iyon ng napakalaki sa pagkatao mo, iyon ang hindi mo malilimutan, o kung makalimutan mo man, mahirap, matagal.

Pero siguro hindi ko naman kailangang matakot, siguro for the first time maaalala ko ng birthday ko sa new year dahil ipinagbilin ni tatay na wag munang magdala ng paputok ang mga dadating na kamag-anak ng mga staff na dito rin magse-celebrate ng bagong taon.

Gusto ni tatay na magconsult kami sa isang psychiatrist para sa trauma ko, pero kung isisingit ko pa iyon sa mga nakalinyang gawain ko ay baka hindi ko na kayanin. Lalo pa at pagkatapos ng holiday season ay ipapakilala na agad ako ni tatay sa mga tauhan nya sa kanyang negosyo. Kalakip non ang pagiging intern ko sa negosyo ni Steven ng isang buwan bago ako isabak sa mismong negosyo namin bilang trainee ni tatay kasabay ng aking pag-aaral.

Kaya napagisipan kong huwag na munang magpaconsult, tutal naman ay nakakapagfunction naman ako ng matino sa araw-araw.

At gagawin ko na lang yung 'mind over matter' at susubukang huwag magpadala sa takot.

Sana magawa ko nga.

"I already told Mr. De Guzman to fix your schedule same as Aidan's. Isasabay na din kasi ng papa nya ang pagtetrain din dito sa paghawak ng negosyo nila. I think that way you can also help each other." Sabi ni tatay kaya natuwa naman ako at nagpasalamat.

"Edi iba na po ang oras ng klase ko tay?" Tanong ko.

"Yeah, I asked Mr. De Guzman if he can make your classes every monday, wednesday and friday, he agreed. Then the rest will be on Alex' company. Para iyon sa isang buwan. Your weekends ay ang iyong day-off." Paliwanag ni tatay at medyo kinabahan ako.

Para kasing nakakapagod pero kakayanin ko naman siguro diba?

"Okay ka lang ba Amia? If not, I told you that we can do this after your graduation. Pwede namang ipapakilala lang kita muna sa mga tauhan natin." Bakas ang pag-aalala sa mga mata ni tatay kaya ngumiti ako at umiling.

"Hindi yan tay, gusto ko pong makatulong sa inyo. Saka pagdadaanan ko rin naman po to, mabuti na yung hangga't maaga ay alam ko na ang gagawin. Besides, nakaya ko nga po ang dalawa o tatlong trabaho sa isang araw, ito pa kaya?" May kumpyansang sagot ko at itinago ko ang kaba sa mga mata ko.

The Princess And The Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon