"AAAHHHHHHHHH "
bogsh!
"Aarrggg "
The door flew open. Halos masira na sa pagpasok ni Saffron.
"What happened?" Lumapit sya at tinayo si Daffodil.
" Grabe. . .saludo ako sa reflex mo Ara. "
"Sorry." Paano ba naman kasi. Pagpasok ko may nakaabang pala. Nakaamba ng hampasin ako ng lampshade. Ayun,nabalibag ko tuloy sya. Tsk! Di ko naman alam na si Daffodil pala yun. Sorry naman diba?
"Dude. Anong nangyari? "
" May magnanakaw kasing pumasok dito kanina. I thought bumalik. Ara, you don't need a body gaurd. You're a monster." Sabi nya habang hinihimas ang balakang nya. Nandilim ang paningin ko. I know he did'nt mean that pero nagpantig talaga ang tenga ko.
Mabilis akong pumasok ng kwarto. Nilock ko agad ang pinto. That's the last word i wanna hear from anyone. Lalong lalo na sya. He must be the first person to consider that. Alam nya ang pinagdaan ko. Alam ko pangit ako. Yes i'm a freak. The hell i'm a monster!
Naiiyak ako. Parang bumabalik lahat. Masakit maalala na dahil sa kapangitan ko,gusto nila: akong patayin.Dahill sa kapangitan ko,naging masalimuot ang pagkabata ko. Dahil sa kapangitan ko,nasayang ang ilang taon ko sa pagtatago.
I tried to swallow the lump in my throat. Ayoko ng umiyak. Nakakasawa. Saka dapat hindi na ako naaapektuhan diba? Salita lang yun. Si Daffodil lang yun. My best friend who protected me for years. Nakakahiya ang inasal ko.
I heard someone knocking on my window. Nakita kong kumakaway si Daf sa labas. Aw. Kahit kailan alam nya kung paano ako suyuin.
Binuksan ko ang bintana and let him in.
" Bakit ka nandito? " I crossed my arms. Kunwari galit parin ako.
" Kasi po may nagtatampo." Bigla nya ako binuhat sa balikat nya. Why is he always doing this? Pinaghahampas ko ang likod nya habang tumatawa.Baliw na diba?
Binaba nya ako sa kama.He held my chin and caressed it. He looked closely into my eyes.
" Sorry." I know he meant it. Ngumiti lang ako ng tipid. Ayokong umiyak. Pero dahil sa kanya. Tuluyan ng bumagsak ang luha ko. Ang sarap lang sa pakiramdam na tuwing iiyak ako,yakap yakap nya lang ko.
"This will be the last time you'll cry because of that." Umalis sya sa pagkakayakap at muli akong tinignan. " You're beautiful. Never let anyone's judgement hurt you. Don't live by their words. Okay? "
Tumango lang ako. Those memories won't hunt me even if it tries to. Iba na ngayon. I'm not a freak. I'm Aran Valdez.
------
Katatapos lang ng presentation ng mga classmate ko sa coffee shop. At mamaya na ang date namin ni Kirby. Hoho .Ay okay,friendly date.
" Wala ka pa bang balak mamili ng susuotin para sa ball? " Oo nga no?
" Hindi na yata ako sasama."
" Ano ka ba! Hindi ako papayag. Kapag hindi ka pumunta,baka hindi pumunta si papa Dylan. Huhu wala akong kapartner kapag ako ang naging Belle of the ball."
" Belle of the ball? Belle? As in yung sa Beauty and the beast? " Haha mukha na akong fairytale.
" Yay! Ano ka ba. Isip bata mo. Yes..and no."
" Ha? Ang gulo. "
" Basta tara na. Samahan mo ako . Bibili tayo ng kailangan natin para sa ball." Hinatak nya ako at pinasakay sa kotse nila.Ngayon palang ako nakasakay dito. Mayaman nga talaga sya.
BINABASA MO ANG
Amaranth ( the unfading flower)
FantasyA girl with different identity.Far too normal from the others. Some may say she's a freak. But who knows,she really is different. A girl with a wonderful role no one ever imagined.