" Ara. Ara gising " ano ba. Inaantok pa ko.
" Wake up Ara." Istorbo naman tong si Dylan eh. Ang ganda pa naman ng panaginip ko. Kasama ko si Kirby.
" 5 more minutes Dylan." Umikot ako pakabila. Kinapa ko yung unan ko at niyakap.
Teka bakit matigas? Pinisil pisil ko pa.
" Its DK not Dylan." Ha? Napadilat ako bigla. At sa kamalas malasan sobrang lapit pa ng muka nya sakin. Kitang kita ko ang pagsmirk nya.
" Ahhh..Ehhh." Napabangon ako bigla. Hiyang hiya na talaga ako sa sarili ko.
" Look." Tumingin sya sa taas.
WOw ang ganda. First time kong makakita ng sunrise.
" You like it?" tumango lang ako.
" I like it either." Nakatangin sya sakin.
" Ha?"
"The view,i mean. Matagal ko ng gustong kuhanan yang view na yan.Well, this is my first time seeing it. And i saw it with you. Looks like its our first sunrise together." Nakangiti sya habang nakatingin sa camera nya.Maybe he took a picture of it. Ngayon ko lang napansin na dala parin nya yang camerang yan.
Nakatingin lang ako sa pag-angat ng araw ng maliwanagan ang isip ko.
" Hala!! Patay! Im dead. Im dead. I'm really dead." Malamang umuusok na ang ilong ni Dylan nyn. Paano na to. " Ihatid mo na ko please."
" I fell asleep. Sorry." Nagkamot pa sya ng ulo. This isnt the right time para magpacute Kirby.
T.T mabuti pang iuwi mo nalang ako.
Hinatid na nya ako sa amin. Its already quarter to six. Mabilis akong bumaba sa sasakyan. Hindi ko sya kinikibo. Sumunod sya sakin hangang pinto.
" What?" Eh kung what what-in ko kaya muka neto?
" PEste ka.Peste ka.Peste ka talaga!! Bakit Hindi mo sinabi na sa pang-apat na kanto lang pala yung bahay namin?" Pinaghahampas ko sya.Eh kung hinatid na nya sana ako eh di walang problema? Kahit sana tinuro nalang nya.Arrgg!!!
" Maybe i forgot. I was drunk.Hahaha-ouch." Lalo ko syang pinaghahampas. Tatawa tawa pa.
" Umuwi ka na. Salamat sa paghatid."
" Bakit parang galit ka pa. Haha sige bye." Binelatan ko lang sya. Asar.
Pagkasara ko ng pinto napakapit ako sa dibdib ko at napapikit. Ngayon lang nagsink-in sakin lahat.
yung pagyakap
yung kiss
yung
' i like you'
Haaaysss. Di ko alam kung ano tong nararamdaman ko.
Pupunta na sana ako sa kwarto pero may napansin akong nakahiga sa sofa. Kung gising lang to, malamang napalo na ko sa pwet. Hehe joke lang di na ko bata.
Pumasok ako ng kwarto upang kumuha ng kumot at bumalik kay Dylan. Sigurado akong nag-alala to. Tinangal ko ang sapatos nya.Hindi na lang sya nakapagpalit ng damit. Inayos ko ang pagkakalagay ng kumot sa kanya.
Anong oras kaya sya nakatulog? Galit kaya sya?
Dito nalang muna siguro ako. Gusto ko pagising nya ako agad makita nya. Kahit na alam kong papagalitan nya ako, mababawasan naman ang pag-alala nya dahil nasa tabi nya lang ako.
Dylan, thank you.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Pagmulat ko nasa sofa na ako at nakakumot pa.
BINABASA MO ANG
Amaranth ( the unfading flower)
FantasíaA girl with different identity.Far too normal from the others. Some may say she's a freak. But who knows,she really is different. A girl with a wonderful role no one ever imagined.