Chapter 26 : Ikaw kasi eh !
Lagot ! Pano ko ipapaliwanag kay mama si Nowy ! Di nya alam na may boyfriend ako ! Tapos itong Nowy na to nakisabay pa, bwiset -___-
Si Nowy kasi eh ! >__<
nandito na kami ngayun sa bahay. Ok kinakabahan ako.
"Ikaw ba si Nowy ?" tanong ni mama sa kanya.
"hah ? O-opo" sabay yuko ni Nowy. Ako rin kinakabahan >.<
"ikaw yung boyfriend nitong anak ko ?" napatingin sakin si Nowy
"O-opo" sabay iwas nya ng tingin.
Kinabahan ako. Alam nyo ba kung anu yung sunod na sinabi ni mama kay Nowy ? Ito oh !
"anak, di ka naman kagwapuhan pero ang lakas ng loob mong manloko, at anak ko pa ang niloko mo, bat mo nagawa yun may kasalanan ba kami sayo ? Paki explain. Lab yu"
HAHAHAHA !! Di joke lang po, di po yan yung sinabi ni mama XD
ito po talaga ang sinabi ni mama
"nabasa ko lahat ng message nung Louise ata yun ? Girlfriend mo daw yun ?"
"......." di nakasagot si Nowy, ok girlfriend nga nya ata
"girlfriend mo yung Louise pero girlfriend mo din yung anak ko. Anu yun ? Dalawa puso mo ?"
"pfft--" napatingin ako kay Lyra mukhang natatawa sya sa tanong ni mama si Nowy naman lumaki yung mata. Anu ba naman magtanong tong si mama -__-
"ok. KM" tumingin sakin si mama
"p-po ?"
"san ka ba talaga nagmana ? Sa papa mo ba ? Maganda naman mga naging ex ng papa mo at gwapo naman lahat ng naging ex ko eh bakit.." tumingin sya kay Nowy, at tinignan ito mula ulo hanggang paa. Then lumapit sya sakin at bumulong
"eh bakit yung di naman kagwapuhan yung naging first boyfriend mo ?"
"pfft-- Ahh, tita nandyan lang po sya oh !" sabi ni Lyra na natatawa pa.
"ay sorry, kala ko kasi manigno" lumaki naman mata ko dun. Pati din si Nowy. Ano ba naman tong si mama ! >__<
"Nowy ryt ?"
"o-opo"
"mahal mo ba yung anak ko ?"
"opo, hihiwalayan ko na po dapat si Louise kaso po nalaman nya po"
"ganun ba ? Anu ba itsura nun ?"
"medyo mataba po sya--"
"ay butangdin pala sya ? Ayaw mo kay KM ? Tignan mo nga katawan nyan. Mukhang sirena" sumipol naman ng 'witwew' si Lyra. Ano ba naman tong mga to !
"ahh.." mukhang naiilang na si Nowy.
"KM mapapatawad mo pa ba ang isang kagaya nyang.. Ok wag na nating banggatin, ano mapapatawad mo ba ?"
"hmmm.. Kung may effort syang gagawin !"
"eh ikaw Nowy ? Kaya mo bang gumawa ng effort ? Kung hindi umuwi ka na" napatingin sa kanya si Nowy
"joke lang ! Ano kaya mo ?"
"opo"
"yun naman pala eh, sige kailangan nyo ng privacy aalis muna kami ni Lyra" sabay ngiti nya samin at hinila na nya si Lyra paalis.
BINABASA MO ANG
My Right Guy
RomanceShe.. KM .. a so stupid , slow , and a childish person. But there's a 3 boys who fall in love with her ..