Chapter 29 : Love at First Sight

25 0 0
                                    

Chapter 29 : Love at First Sight

KM's POV

"ok ka na ba KM ?"

"ahh, oo. Salamat"

"ano ? Tara na ?"

"sige" sinuot ko na yung helmet at sumakay na sa motor nya, kasama ko si kyle ngayun sinundo nya kasi ako dito sa bahay sabay daw kasi kami papasok.

"diba sya yun ?"

"oo"

"grabe naman sya"

pagkatutong ko palang sa loob ng school sari-saring mga bulungan ang naririnig ko. Kesyo ang lakas ng loob kong dumikit sa heart trobb ng school which is si kyle tapos may boyfriend na daw ako tapos lumalandi pa daw ako. Boyfriend ? Eh break na nga kami eh ! Ako pa ngayun ang lumalabas na masama na di ko naman alam kung anong ginawa ko.

Napayuko nalang ako habang naglalakad. Ako kasi yung taong di kayang harapin yung mga binibintang sa kanya at tatahimik lang sa isang tabi. Tapos didib-dibin yung mga sinabi sa kanya at iiyak nalang bigla.

"wag mo nalang silang intindihin, don't act that you're affected on what their saying" napatingin ako bigla sa kanya. Nginitian nya lang ako at inakbayan.

Napangiti nalang ako.

"KM ! nakakainis sila ! Wala naman sila alam bakit, kung anu ano pinagsasabi nila tungkol sayo ! Ngudngod ko mga bunganga nila sa toilet eh"

"ok lang Lyra"

"huh ?"

"wag mo nalang sila intindihin" at pumasok nako sa classroom ko na katango.

Haist.. What a day.

Nung nakarating ako sa upuan ko, tinanong agad ako ni Clariz.

"ano yung sinasabi nila na you know.." tapos tinuro nya si Nowy. Napabugtong hininga nalang ako at kinwento ko sa kanya lahat.

Mukhang naintindihan naman nya at kulang nalang eh sugurin na nya si Nowy tapos ay ihulog dito sa building namin at ipalapa sa leon.

"nakoo, kala ko matino yang si nowy di naman pala. Pigilan mo ko KM ihuhulog ko na talaga sya dito sa building na to, 3rd floor pa man din to"

"hayaan mo na Clariz"

"naku, ang hina mo talaga KM. Di ka marunong lumaban"

tama sya, di nga ako marunong lumaban.

After ng 3 subject, break na namin. Nakakaasar nga eh paglabas ko palang sa classroom puro bulungan agad ang naririnig ko. Pasalamat nga ako at hindi sila kagaya ng mga classmate ko, kasi yung mga classmate ko. gusto pa nila malaman kung anung nangyari. Naiinis nga sila kay nowy eh.

"oh, are you ok ?" sabi nya then nilapitan nya ako

"uhh, yeah. I'm ok" then nginitian ko lang sya.

"KM !" napatingin kami pareho dun sa tumawag

"Lyra"

"ok ka lang ba ? Nagbulungan din ba ang mga classmate mo ? Naku ikukulong ko sila sa cr isasama ko sa kanila si Nowy"

"hindi ! Mali ka ng iniisip Lyra, hindi sila kagaya nung iba na pinag uusapan ako sa bulong. Gusto nga nila malaman yung nangyari. Naiinis nga sila kay Nowy eh"

"ahh.. Kala ko kagaya din sila ng iba eh"

"ano guys ? Tara na" sabi ni kyle

"sige"

My Right GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon