June nanaman at ready na ulit ako sa mga bagong makikilala ko, nagsuklay at nagsipilyo maigi at humarap sa salamin, nag practice para sa introduce yourself gandang ganda ako sa sarili ko habang nag practice sa salamin. Paalis na ako sa bahay ng makita ko sa gate yung gumamela nakatanim sa malapit sa gate namin, hinawakan ko ito at inamoy ang petals.
Lola: hannah wag mo galawin yan kakatanim ko lang yan
Ako: la, kakatanim nyo lang nito pero may bulaklak na?
Lola: kakabili ko lang kasi yan kahapon then inilipat ko lang kanina umaga o sya umalis kana ma-late kapang bata ka!
Habang naglalakad sa kalye namin nag txt sakin yung kaklase ko nung 1st year. "Hi hannah kita tayo sa gate ng school bago tayo pumunta sa mga section natin! Ok?". Ngumiti ako at tinago ulit ang phone sa bag.
Pagkarating ko sa school nakita ko si johnsed sa gate at kasama ang kanyang bagong girlfriend natulala ako at biglang ginulat ako ng kaklase ko na nag txt sakin.
Belle: hannah kanina pa ako dito tagal mo dumating
Hannah: sorry belle (nakatingin padin kila johnsed)
Belle: hmmm mahal mo padin noh?
Hannah: (napatingin kay belle) hmmp hindi noh naka move on na ako!
Belle: eh anu yun? Tawag mo dun? Wala lang?
Hannah: tigilan mo ako dyan sa sinasabi mo belle ahh maganda ang araw ko.
Belle: ok ok relax lang parang niloloko ka lang to naman.
Dumiretsyo na kami sa mga kanya kanyang section namin at nag start na ang klase
Habang binabanggit ng adviser namin yung mga requirements na dadalhin bukas eh nagsusulat ako sa likod ng notebook ko ng "Bakit iba pakiramdam ko ngayon?" At sinara agad ang notebook, tinignan ko isa isa mga kaklase ko at tinignan kung sino gwapo sa mga lalaki at maganda sa mga kaklase ko din na babae.
May isang gwapo kaso feeling ko suplado pero karamihan na puros cute din naman sarap makilala silang lahat, naisip ko oops hanggang crush lang muna ahh stop muna ang pakikipag relasyon natuto kana study hard na hannah!.
(Ring bell)
Ayos kainan time na sa wakas makikita ko ulit si belle!
Nagmadali ako sa canteen dala dala ang binaon kong hotdog at imbotido.
Belle!!!!! Agad ko siyang tinawag at inalok sumabay kumain sakin.
Ang sarap ng kwentuhan namin ni belle hanggang sa dumaan sa harap namin si johnsed at binati niya ako at tinanong kung pwede makiupo sa tabi namin para kumain.
Belle: or sure isa ka lang naman diba kasya pa naman diba hannah?
Ako: ahhhh (nanginginig na boses) oo naman ok lang
Johnsed: ok lang ba talaga kaso kasama ko si allison gf ko.
Belle: awww
Ako: anu kaba ok lang patapos nadin kami eh
Belle: ha? Hindi pa ako nakakalahati sa ulam ko
Ako: haha siba mo talaga dali sasamahan mo pa ako sa library diba? (Sabay kindat)
Belle: ahh ok hehe.
Umupo na si johnsed at hinintay si allison para kumain sabay, medyo may katagalan yata si allison dumating at bigla nagtanong.
Johnsed: hannah kamusta kana siguro may bago kana din na boyfriend?
Ako: (nagulat sa tanong nya at sinagot ko) wala ayoko muna ulit tsaka nangako ako sa mommy ko na magaaral ako ng todo para sa college makuha ko yung kurso ko pag nag apply ako sa scholarship.
BINABASA MO ANG
Sweet Chubby Lover
RomanceSweet chubby lover is restricted to 18+ only / Romance / Drama / Suspense / Comedy / This is my untold story.
