Applying for new position

797 0 0
                                        

Applying for new position

Marahin ito na siguro ang pinaka the best kong pag aapply dahil babalik nanaman ako sa manila at gusto kong bumalik sa dati naming tinitirahan at dahil sa pag papasa ko ng mga resume sa mga emails eh may dalawang naka sched ako para sa interview omg anu gagawin ko same day pa talaga.

Nag post ako sa wall ko about sa same schedule ng aking interview maraming nag comment at nag pm para sa kanilang opinion, bago akong mag decide pumunta ako sa pinsan ko para magpasama mag grocery at dahil dun na open ko din sa kanya yung topic nayun.

Ako: Ate kate may aaplayan nga pala ako tomorrow eh dalawa yun sabay isa sa ortigas isa sa makati same naman din ng position pero sayang kung palalagpasin ako na interview

Kate: Ikaw mag decide niyan kasi ikaw nag apply pero kung aalamin mo yung sino sa dalawa malapit o kaya magandang offer eh grab mona

Ako: Eh panu ko agad malalaman yun eh same time nga

Kate: Ganito puntahan mo ulit yung page nila sa jobstreet para basahin mo yung mga offer nila kung sa tingin maganda yung isa eh di go kana dun

Ako: Eh panu kung hindi ako makapasa dun sa napili ko tapos may chance pala ako sa isa sayang naman

Kate: Ganun talaga tsaka pwede mo naman ipa sched kung alam mong sasabay sa isa mo diba?

Ako: Yun nga eh hindi ko naisip agad basta yes lang ako ng yes haha

Kate: Haha so ikaw pala may kasalanan, ikaw na bahala diyan may isa ka lang talagang pipiliin at hayaan mona kung hindi ka man makuha marami pang iba diyan wag ka mag alala

Ako: Ok ok sige mukang may napili na ako

Kate: Oh anu?

Ako: Makati ako mag aapply

Kate: Edi yun galingan mo nalang

Ako: Sa tingin mo may chance?

Kate: Positive lang lagi para mas magaan ang pakiramdam confident lang dapat kung hindi ka makuha edi ok lang ganun talaga para sayo para sayo talaga

Ako: Ok sige confident!

Nakauwi na ako sa bahay at binigay na kay mommy ang mga pinamili, nag ayos ako ng files ko sa kwarto habang nanunuod ng tv para akong istudyante sa mga pinagsusulat ko at sempre sa diary ko eh nag kwento ako sa mga naganap sakin medyo kumakapal na diary ko dahil sa haba bawat araw na sinusulat ko nangyayari sakin.

Dahil hindi ako sumabay sa dinner nila mommy eh kumain ako kasama si manang para lang kwentuhan ako ni manang sa nga anak niya, medyo malungkot dahil maaga kasi siya din nag asawa at yung asawa pa niya eh 1 taon lang niya nakasama nagkasakit at iniwan na sila kaya napilitan si manang pumasok maging kasambahay para lang makapag tapos yung nag iisang anak niya sa college, high school palang ako that time kaya medyo baby pa ako ni manang lagi niya ako hinahatid sa school kahit na ayaw ko siyang pasamahin pero wala akong magawa kaya hinahayaan ko nalang siyang sumama sa paghatid sakin sa school.

Naguusap kami ni manang ng biglang nag ring yung telepono.

Manang rosie: Hello, oh kamusta ka kakarating mo lang?

Ako: Manang sino daw? (Pabulong)

Manang rosie: Edi si yabang!

Nagulat ako sa pagdating ng tito ko tawag ni manang sakanya ay yabang dahil sa lagi siyang niyayabangan ng tito sa pabirong paraan.

Manang rosie: Oh hannah hanap ka niya

Ako: Hello, po?

Tito: Anu mamaya ba punta ako diyan?

Sweet Chubby LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon